CHAPTER NINE

9.4K 169 7
                                    


CHAPTER NINE

PARANG binagsakan ng langit si Adam ng malaman niyang lumabas ng bansa si Jenna. Pumunta siya sa mansion ng mga Sanvictores ngunit ang ina lang nito ang nadatnan niya. Ito ang nagbalita sa kanya na nakaalis na ng bansa ang dalaga. Sinusubukan niyang tawagan si Anne ngunit hindi ito sumasagot kahit maging mga email at private messages niya ay wala rin siyang makuhang reply. Marahil ay abala ito dahil sa nalalapit na exhibit na dadaluhan nito.

Mula ng sunduin si Jenna ng daddy niya sa kanyang bahay ay hindi na niya ito nakita. Masama ang loob niya rito dahil akala niya ay ipaglalaban siya nito. Agad niyang tinawagan ang ama nito ng makabalik sila galing Bicol pahapyaw niyang binanggit rito na may plano siyang hingin ang kamay ni Jenna mula rito. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang nagbago ang desisyon ng dalaga. Akala niya ay maayos na silang dalawa at pilit niyang iniintindi na baka naguguluhan lang ang dalaga kaya umakto ito ng ganoon.

Wala sa loob na tumayo siya at hinanap ang librong Revised Penal Code at kinuha niya ang nakatuping papel. Hindi niya mapigilan ang mapangiti nang maalala ang sulat na iyon...

"Sir, chotto mate!" tawag sa kanya ng isa niyang estudyante. Ito naman ata ang male counterpart ni Jenna sa paggawa ng kalokohan.

"Yes, Mister Fujiwara?" kaswal na wika niya.

"Jenna wants to apologize on what she did."

"Tell her to leave me alone."

"She is leaving the country. Pinakiusapan niya lang akong ibigay saiyo ito." Inilahad nito sa kanyang harapan ang isang nakatuping papel.

"What's that?"

"I don't know." Nagkibit ito ng mga balikat.

Kinuha niya ang papel at inipit sa librong dala niya.

"Makakaalis ka na."

"Okay." Nagkibit ito ng mga balikat at tinalikuran na siya.

Pagdating niya sa law library. Binuksan niya ang papel na binigay ni Ichi. Tumambad sa kanya ang pamilyar na sulat kamay ni Jenna.

Dear Adam,

I'm sorry, I know I've been such a pain in your ass this past semester. I never stopped pestering you everytime I got a chance. I really admire you because you have such patience and understanding for the likes of me. Don't worry I'm leaving and your life will be the same again. No one will drag you in mess plus no one will put your name in a scandal. And oh, about that scandal thing don't worry I wrote a letter to all the Deans that I made that up. I'm really sorry Adam, I hope you forgive me on what I've done. I did that because you are my ultimate crush and I'm just very disappointed that you never set your eyes on me, that makes me think I am not attractive. When we cross our path someday, I hope I'm already forgiven. Please?

Thank you for all the memories.

P.S. If by chance we see each other in the future and I'm a fully grown woman, do you think you can be attracted to me?

Jenna

Adam's Verdict PHR (COMPLETE)Where stories live. Discover now