Chapter 8:For the first time

112 6 0
                                    

Caleb

          I can't still believe na nasa harapan ko na siya ngayon.

         'Yung babae na sa social media ko lang nakilala. Na aksidente lang na-add as friend. 'Yung ka-chat na hindi ko namalayan at hindi inaasahan na magugustuhan.

          At ngayon nandito na siya sa harapan ko. Up close and personal.

      Yeah. I admit. I already falling for her.

 
     And thank God. Nakita ko siya kanina. Kung hindi baka napahamak na siya sa mga lalaki na iyon.

      We are here sa coffee shop. Nanginginig siya kanina. Siguro dahil sa takot sa dalawang lalaki na iyon kanina na sumusunod sa kaniya.

      "Thank you, ha. Mabuti na lang dumating ka kanina. Kung hindi baka kung ano na ang nangyari sa akin," she said, smiling.

      "Bakit kasi iniwan ka ng bestfriend mo. You are new here at delikado kung maglilibot ka ng nag-iisa." Hindi ko naitago ang inis sa boses ko.

      'Nung sinabi niya na kasama niya ang bestfriend niya bigla akong nainis.
 
      At inaamin ko na nagseselos ako sa kaniya. Magkasama silang nagpunta dito sa California.

       Ganoon sila ka-close?

       Tapos pinabayaan siyang mag-isa. Paano kung hindi ko siya nakita kanina? Baka napahamak na siya. Nakakainis!

      "Nalibang kasi ako masyado sa pagmamasid sa paligid, eh. Kaya hindi ko namalayan na napalayo na pala ako sa kanila," she said.

     Tsk! Pinagtatanggol pa niya.

      "Kasama ka niya. Siya ang nagdala saiyo dito. Kaya dapat hindi niya inaalis ang tingin niya saiyo." Naiinis pa rin ako.

      "Bakit ang sungit mo? Ito ang first meeting natin sa personal. Tapos ganiyan ka." Naka-pout na reklamo niya.

       Parang bata! Pero ang cute niya.

      "Kasalanan ng bestfriend mo. Napakapabaya niya." Inis pa rin na wika ko.

      "You know what? I can't believe na nasa harapan na kita ngayon. Akala ko hindi na tayo magkakaroon ng koneksyon simula noong hindi ka na nagparamdam sa socila media, eh," Eucha said while looking at me.

       "Sorry naging busy kasi ako sa company. Tini-train na kasi ako ni daddy para pumalit sa kaniya. Kaya wala na akong time sa social media." Apologetic na sabi ko. Half truth. Kasi iniwasan ko muna siyang maka-chat dahil nalilito pa ako sa nararamdaman ko.

       Pero ngayon na nasa harapan ko na siya, sigurado na ako. I like her. I like Eucharist Bautista.

Eucha

        Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko si Caleb ngayon. He said sorry kasi naging busy daw siya kaya hindi siya nakakapag-social media.

      
       "Okay lang. Pero infairness na miss kita, ha. Ikaw na-miss mo rin ba ko?" Ops! Ano ba 'yung nasabi ko? Me and my big bubbler mouth.

      Nakakahiya ako.

      I saw him smile. My gosh! Smile pa lang ulam na.

      Eucha, kalma lang.

       Pero feeling ko. Pulang pula na ang mukha ko. Gusto kong magtago sa ilalim ng table.

       Lalo na nang magsalita siya.

      "Really? Na-miss mo ko?" Nakangising tanong niya sa akin. Halatang nang-aasar.

      "I mean. Na-miss kitang ka-chat. 'Yun! 'Yun lang 'yon." Natatarantang palusot ko.

      "Wala ng bawian. Nasabi mo na, eh. Tsaka na-miss din naman kita, eh. Akala ko nga imagination ko lang kanina na nakita kita. Pero totoo pala. You're here. And I'm happy to finally see you in person. For the first time," he said.

    Na lalong nagpalakas sa kabog ng dibdib ko. Feeling ko nangangamatis na ang aking mukha sa pagkapula.

     "You're blushing." Inasar pa ako ng mokong.

     "Malamig kasi! Kanina pa ako  naglalakad  sa labas 'di ba?" Palusot ko na lang. Iniiwas ko sa kaniya ang tingin ko saka ininom ang kape sa aking harapan.

      Tsk! Tuwang-tuwa pa siya. Nakakainis!

      "Mas masarap ka pa lang asarin in person," hirit pa niya.

     "Nakakainis ka! Pasalamat ka iniligtas mo ako kanina kaya hindi kita papatulan ngayon." Nakasimangot na reklamo ko sa kaniya.

     Pinagtawanan lang ako ng mokong.

      I was about to say something nang mapatingin ako sa may pintuan ng coffee shop.

       Nakita kong papasok sina Enzo at Gabby.

      "Eucha!" Namalayan ko na lang na yakap na ako ni Enzo. "I was so worried to you. Bakit bigla ka na lang nawala." Alalang-alala na sabi nito habang yakap ako.

       "Hey! Ako rin payakap!" Kinalas ni Gab ang pagkakayakap sa akin ni Enzo at siya naman ang yumakap sa akin. "What happened? Are you okay?" Tanong ni Gab saka lumayo sa akin.

       "Kanina ka pa namin hinahanap. Saan ka ba nagpunta, ha? We are freakin worried, Eucha," Enzo look frustrated while saying that.

     "Hey! Easy. Okay lang ako. And sorry. Paglingon ko kasi wala na kayo, eh," paliwanag ko naman sa kanilang dalawa.

      "Oh my God! Sino 'tong kasama mo, Eucha? Sumama ka sa kaniya? Hindi ka dapat nagtitiwala agad. Baka masamang tao siya." Exaggerated na ani ni Gab while looking to Caleb.

       "Excuse me? Do I look like a bad person to you, Miss?" 'Di makapaniwala na tanong ni Caleb.

      "Sandali, you look familiar." Pinakatitigan ito ni Enzo. "Tama! Ikaw 'yung chatmate ni Eucha."

       "Chatmate? As in?" Gab asked.

       "Guys, meet Caleb. Caleb, he is Enzo my bestfriend and she is Gab his girlfriend. Guys, siya ang tumulong sa akin kanina." Ipinakilala ko sila sa isat isa.

        "Okay. I knew it. Siya nga. Pero, wait! Tumulong? Bakit may nangyari ba kanina noong nahiwalay ka sa amin?" Ayan na naman ang worried face ni bestfriend.

      "I saw her kanina na sinusundan ng dalawang lalaki. Hindi mo dapat pinapabayaan ang bestfriend mo lalo na kung hindi siya pamilyar sa lugar." Caleb said, while looking seriously to Enzo.

      "Hey! Bakit sinisisi mo ang boyfriend ko, ha!" Singhal dito ni Gab.

      "Guys, guys! Relax okay? Wala namang nangyari sa akin, eh. Tsaka nakita niyo na ako. Kaya tama na 'yan." Awat ko sa kanila. Pumagitan ako kina Enzo at Caleb na masama ang tingin sa isat isa.
   
      Hay... Ano ba ang problema nila?

     "Okay. Thanks for taking care of her. Let's go, umuwi na tayo." Hinila na ako ni Enzo sa braso.

    "Wait!" Pigil naman ni Caleb.

     "Kami nang bahala kay Eucha okay? Bye! Diyan ka na," sabi ni Gab bago sumunod sa amin ni Enzo.

       "Bye, Caleb! Thanks!" 'Yun na lang ang nasabi ko sa kaniya bago kami makalabas ng coffee shop. Ngumiti naman siya sa akin at kumaway.

    Hay... Umiiral na naman ang pagka-over protective ng bestfriend ko.

Started with a ChatWhere stories live. Discover now