Chapter 33: Ukelele

55 5 0
                                    

Eucha

           Hindi ko akalain na seseryosohin pala talaga ni Mr. Antipatiko ang pagtuturo sa akin na tumugtugtog ng gitara.

          Kaya naman halos almost every weekend, namin siyang kasama.

          Sa shop, sa bahay nila Enzo, at minsan sa bahay namin. And yes, na-meet na siya nila mommy at daddy. And it seems na they like them.

          Mabait naman pala siya. Antipatiko lang talaga.

         "Mabilis ka naman pa lang matuto. Marami ka ng alam na chords. Pero parang may mali, eh." Nakahawak sa chin niya si Macky na waring nag-iisip ng malalim.

          "Mabilis talaga akong matuto, noh. Matalino kaya ako. Ano namang mali?" Naka-crossed arms kong tanong sa kanya.

          "Psh! Conceited? Parang hindi sa'yo bagay 'yang gitara, eh," napapaisip pa rin na sabi ni Macky.

           "Conceited your face. Ikaw kaya ang ganoon. At ano? Hindi bagay sa'kin ang gitara? Ang yabang mo talaga. At kanino lang bagay? Sa'yo ganoon?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko.

           "That's not what I mean. Alam ko na. May dala ka bang pera?" Macky asked me.

           "Ano  namang gagawin mo sa pera? Mangungutang ka ba sa'kin?" I asked him back.

          "Tsk! Of course not. Tara! May pupuntahan tayo." Bigla siyang tumayo at hinila ako paalis ng boutique.

          "Hey! Saan kayo pupunta? Mag-de-date kayo?" tanong ni Gab na nadaanan namin sa may kaha ng botique.

          "Hindi ko ide-date 'to, noh. May pupuntahan lang kami sandali. Tell Enzo about it." Macky said, na sandaling huminto at humarap kay Gab.

           "Okay. Takecare," Gab said, saka bumalik sa ginagawa.

           So, ganoon? Ipapaubaya niya ako sa lalaking 'to? Paano na lang kung saan niya ko dalhin?

            Paranoid much?

            Sumunod na lang ako kay Macky. Mukha namang wala siyang balak huminto o sabihin man lang sa'kin kung saan kami pupunta, eh.

              Saan nga ba kami pupunta?

            Later on, napansin ko na papunta ng mall ang direksyon namin.

             Walking distance lang kasi sa mall ang boutique namin ni Gab.

             At ano namang gagawin namin dito? Mag-de-date?

              No! Sabi niya nga 'di ba, hindi niya ako ide-date. Feeling masyado. As if namang gusto ko.

             "Teka nga! Ano ba'ng gagawin natin dito? Makahila, ha." Reklamo ko sabay bawi o hila sa kamay ko na hawak niya.

             "Tsk! Sumunod ka na lang okay?" Masungit na tugon niya saka ako tinalikuran.

               Antipatiko talaga.

              Sumunod na lang ako sa kanya. At huminto siya sa isang tindahan ng mga musical instrument.

              Ano'ng gagawin namin dito? Bibili ba siya?

             Pagkapasok ko sa loob ng shop na 'yon, I saw him na tumitingin sa mga gitara.

             "Bibili ka ba ng bagong gitara?" tanong ko kay Macky.

Started with a ChatDonde viven las historias. Descúbrelo ahora