Chapter 25: Cupcake

63 6 0
                                    

Eucha

"Nakakainis naman, eh! Bakit hindi ko maperfect, 'to! Kanina pa ako rito, ah. Nakakapikon na." Dabog ko sabay bagsak ng pot holder na hawak ko.

Paano ba naman gumising ako ng maaga para ipag-bake ng cupcake si Caleb. Pero tanghali na wala pa akong nape-perfect. Puro palpak ang nagagawa ko na cupcake.

Excited pa naman ako na gumawa ng cupcake.

"Sabi ko naman kasi sa'yo bumili ka na lang sa bakeshop, eh. Hindi ka na sana napagod at sigurado pa na masarap," pang-asar na sabi ni Enzo sa akin. Kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

Oo. Nandito sila ni Gab. Taga-tikim. Nagpatulong din ako kaya ko sila pinapunta rito sa bahay. Pero para namang wala rin silang naitulong sa akin.

"Oo nga, Eucha. Pinapagod mo lang ang sarili mo, eh," segunda pa ni Gab sa sinabi ni Enzo.

"Wow, ah. Salamat sa moral support ninyo, ha. Iba kasi kapag pinaghirapan, noh. May personal touch, work of love. Ganoon 'yon." Sabay lagay ko ulit ng cupcake mixture sa bowl at hinalo ito.

"Bakit ikaw babe hindi mo ako pinag-bake ng kahit ano?" Baling ni Enzo kay Gab.

"Bakit ko naman pahihirapan ang sarili ko, noh?" mataray na balik tanong ni Gab. Basag si best friend ko.

"Sabi ko nga, eh. Bakit hindi ka nagpaturo kay tita?" Enzo asked me.

"Umalis sila ni daddy. Nag-date. Haist! Bakit noong pinanood ko sa youtube parang ang dali lang nito? Kainis!" Malapit na akong sumuko. Pero hindi puwede. Para kay Caleb 'to, eh.

"Hay naku! Accept it, Eucha. Baking is not for us. Babe, date na lang tayo. Baka malason pa tayo kakatikim sa cupcake ni Eucha, eh," Gab said, sabay kapit sa braso ni Enzo.

"Good idea, babe. Goodluck na lang sa cupcake mo, bestfriend, ah." Sabay tapik ni Enzo sa balikat ko.

"Iiwan talaga ninyo ako?" hindi makapaniwala na tanong ko sa dalawa.

"Balitaan mo na lang kami. Bye, Eucha!" Kumakaway pa na sabi ni Gab.

At nilayasan na nga ako ng dalawa.

"Ang sweet talaga ng mga kaibigan ko. Hay... Kaya mo 'to, Eucha. Para kay Caleb." Cheer ko na lang sa sarili ko saka pinagpatuloy ko na lang ang aking ginagawa.

Para ng binagyo ang pinakamamahal na kitchen ni Mommy. Lagot ako nito. Mabuti na lang umalis sila ni Daddy. Lilinisin ko na lang itong kusina pagkatapos kong gumawa ng cupcakes.

After ng isang dekada. May
na-perfect din ako sa wakas.

Achievement 'to mga dre! Hindi ko patitikimin nito 'yung dalawang nang-iwan na 'yon.

Pagkatapos kong magligpit ng sangdamukal na kalat, ni-ready ko na ang cupcakes ko. Bumili pa ako ng box para rito, ah. Para naman magmukhang presentable at special ang ibibigay ko na cupcakes sa boyfriend ko.

Excited na akong makipagkita kay Caleb para ibigay ito sa kaniya.

Sana lang magustuhan niya. Para naman hindi sayang ang effort ko.

To show him how valuable he is to me, I made the effort to bake cupcakes for him.

And even though it's my first time making them, I hope he will enjoy the cupcakes I made for him.

Caleb

Can I do these?

Tanong ko sa sarili ko. Saka ako huminga ng malalim bago ko pinindot ang doorbell ng bahay nila Eucha.

Nakangiti siyang lumabas ng bahay nila at pinagbuksan ako ng gate.

"Tatawagan na sana kita, eh," she seems so excited and happy.

I felt something in my chest. Nasasaktan ako para sa kaniya. Para sa aming dalawa. But I have to smile. Para hindi masira ang mood niya.

"Bakit parang excited ka? Na-miss mo agad ako?" biro ko na lang sa kaniya.

"Hmp! Yabang!" Inirapan niya ako. "Tuloy ka. I made something for you." Nauna siyang pumasok sa loob ng bahay nila.

Sumunod naman ako sa kaniya.

Kaya ko ba talagang gawin ito? Mukha pa naman siyang masaya. But I have no choice. I have to do this even if it is hard for me.

"Wait lang, ha. May kukunin lang ako. Diyan ka lang." Iniwan niya ako sa sala at nagpunta naman siya sa kusina.

Pagbalik niya may dala siyang box.

"For you." Nahihiyang iniabot niya sa akin 'yung box.

"Ano 'to? Hindi naman siguro ito sumasabog o nangangagat 'di ba?" Nakangiti ko'ng tanong sa kaniya.

"Hindi, noh! Pinaghirapan ko 'yan. Hindi nga ako tinulungan nila Gab at Enzo, eh." Naka-pout niyang reklamo.

Mami-miss ko ang cuteness ng girlfriend ko.

"Ano ba 'to?" Binuksan ko 'yung box. At ang laman? Cupcakes? "Wow! Ikaw ang may gawa nito? Thank you." Kumuha ako ng isa at kakagatin ko na sana pero pinigilan niya ang kamay ko.

"Mamaya mo na kainin kapag nasa hotel ka na," nahihiya na sambit ni Eucha.

"Bakit naman? Ngayon na para malaman natin kung masarap," I said to her.

"Masarap 'yan! Wala ka bang tiwala sa gawa ko?" Naka-pout na naman siya.

"Siyempre meron," I said, then I hug her from the back. "Thank you. I really appreciate it. Nag-effort ka pa talaga, ha. Ganoon mo ako kamahal?" Tanong ko pa sa kaniya.

"H-ha? S-siyempre naman. Mahal na mahal kita noh," nag-stammer na sagot niya. Siguradong nagba-blush rin siya.

"Mas mahal kita. 'Wag mong kakalimutan 'yon ha." Napapikit ako. Paano ko ba sasabihin sa kaniya? Sobrang hirap nitong gawin para sa'kin.

We stay in that position for a while. I want to take advantage of our time together while we still have it by making the most of it.

Kung puwede lang talaga na 'wag ko na lang gawin. Kung puwede lang sana na magpaka-selfish ako. Pero hindi, eh. Hindi ko kaya.

I have to do this.

I have to let her know.

I have to let her go even if it means her heart will be broken because of me. even if it will break my heart too. I really have no choice.

Parang ayaw ko na siyang bitiwan. Pero wala na akong oras. Kailangan ko ng umalis at bumalik sa States.

Kailangan ko na siyang saktan kahit na ayoko. Kahit na masasaktan din ako.

Started with a ChatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon