Chapter 22: Treasured Moments

72 6 0
                                    

Caleb

It's my second day here in the Philippines. And I'm going to make every second of my stay here memorable with Eucha, of course.

Sabi niya ipapasyal niya ako today. Yeah. Siya ang magpapasyal sa akin dahil siya ang tagarito.

Maaga pa lang ready na ako.

Excited, eh.

Magkasama pa lang kami kagabi pero miss ko na siya agad. Paano pa kaya kapag... Haist! Screwed that! Hindi ko muna 'yun iisipin sa ngayon.

What is important now is that we are together. And I will treasure every second na magkasama kami.
Kaya hindi ko muna iisipin 'yon.

Lumabas na ako ng hotel room ko at sumakay ng elevator.

Sabi ni Eucha magkita na lang daw kami sa coffee shop sa may tapat ng hotel. Magco-commute lang daw kami para ma-enjoy namin ang pamamasyal. Buti naman hindi sumama 'yung dalawang asungot.

Mukha namang pinagbibigyan nila ako na masolo ko si Eucha.

Pagkarating ko sa may coffee shop, nakita ko kaagad si Eucha. She's wearing casual clothes pero ang lakas pa rin ng dating niya.

Ngumiti siya nang makita ako.

"Hi, girlfriend!" Bati ko sa kaniya pagkalapit ko sabay halik sa pisngi niya.

Ang cute! Nag-blush siya.

"H-hi, B-boyfriend," nahihiya at nabubulol na bati niya naman sa akin.

Pinigilan ko ang sarili ko na tumawa. Mahirap na baka mapikon pa soya.

"So, saan ang first stop natin?" tanong ko sa kaniya.

"Hmmm... Dito. Mukhang masarap ang frappuchino nila, eh. Tsaka 'yung chocomousse." Nakangiting sabi niya pagkaupo namin.

"Okay. Tamang-tama hindi pa ako nag-breakfast." Naupo na rin ako sa tabi niya.

Umorder na kami and then kumain afterwards.

"So, ano'ng balak mo today? Saan mo ako ipapasyal?" tanong ko kay Eucha pagkatapos naming kumain.

"Amusement park." Cheerful na sagot niya.

"Seriously? Pang-bata naman 'yun, eh." Natatawa na wika ko.

"Of course not! Now a days dating place na rin ang amusement park, noh. Let's go." Excited siyang tumayo at hinila na ang kamay ko.

Napatingin ako sa kamay namin na magka-intertwined. It feels good to hold her hand every time na magkasama kami. Parang ayoko na siyang bitawan.

Pagkalabas namin sa coffee shop, tatawag na sana ako ng taxi nang pigilan niya ako.

"Why?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi tayo magta-taxi. Doon tayo sasakay, oh." Sabay turo ni Eucha sa may mga nakapilang jeepney.

"Seriously?" 'Di makapaniwalang tanong ko. Mas gusto niya na roo kami sumakay kesa sa taxi na may aircon?

"Ang arte? Tara na!" Hinila niya na naman ako.

Kaya no choice na ko. Pagkasakay namin sa jeep pang-dalawa na lang ang puwesto na kulang. Sakto. Pero parang mas gusto ko siyang kalungin para wala siyang ibang katabi. Kaya lang ang awkward, eh. Kaya inakbayan ko na lang siya.

Hay... Mukhang kailangan kong sakyan ang mga trip niya.

Nang marating namin ang Enchanted Kingdom, pumila agad siya para sa bilihan ng ticket. 'Yung ride all you can ang binili namin.

Started with a ChatWhere stories live. Discover now