Chapter 49: The beginning of forever (part2)

59 5 0
                                    


Eucha

        
          Grabe lang! May hang over pa ako hindi lang sa alak, kung hindi pati na rin sa mga nangyari kagabi. Pero heto kami ngayon sa airport. Waiting for our flight.

        Akala ko paggising ko kaninang umaga, panaginip lang ang lahat. Pero nagulantang ako nang pasukin ako ni Mommy sa kwarto ko. Mahuhuli raw kami ni Caleb sa flight kaya bumangon na ako. Siya na nga ang nag-empake para sa akin, eh.

        Hindi ko na kailangan na sabihin sa pamilya ko ang tungkol sa mga nangyari dahil inunahan na ako ni Gab. Ang daldal talaga ng babaeng iyon.

        At 'yung mga magulang ko? Mas excited pa kesa sa akin. Hindi na nga nila ako hinatid dito sa airport, eh. Malaki na raw ako. Ang hihintayin daw nila ay ang pamamanhikan ng pamilya ni Caleb.

          Tsk! Hindi halatang botong-boto sila sa mokong na ito.

       Pero infairness, ang haba ng hair ko last night, ha. Nag-proposed na siya sa akin in front of many people sa bar. And with, pakikisabwatan sa mga leshe kong kaibigan. Pinag-kaisahan ako. Mukha akong tanga. Imagine naglasing pa ko?

        Pero kapag naaalala ko 'yung ginawa niya, kinikilig ako. But still, ang sakit ng ulo ko sa hang over. Tapos sasakay pa kami ng eroplano? Goodluck na lang sa akin.

         "Hey! Ready for our flight? Masakit pa ba ang ulo mo?" Caleb asked me.

          "Medyo, eh," maarteng tugon ko naman na may pahawak-hawak pa da sentido. Pabebe, Eucha?

         "Hayaan mo later mawawala rin 'yan. Kapag umepekto na 'yung gamot na ininum mo. Halika nga rito. Excited na ako na malaman nila Mommy ang goodnews." Inakbayan niya ako.

         E!kilig naman ako. Ang gwapo ng boyfriend ko. Correction! Fiance ko na siya ngayon. Kaya wala ng makakaagaw pa sa kanya.

        "Ako kinakabahan. Ngayon ko na lang ulit sila makikita,"

        "For sure matutuwa sila. Na-miss ka na rin nila, eh. At ngayon makikilala ka nila as my fiancee," Caleb said, habang nakaakbay pa rin sa akin.

        "Totoo na talaga ito 'di ba? Tayo na forever?" Hindi makapaniwala at naninigurado na tanong ko kay Caleb.

        "Yeah. Unless umatras ka sa kasal," Caleb joked.

         "Never, noh!" Mabilis naman na kontra ko na umiiling pa.

         "At hindi rin naman ako papayag, noh," nangingiti na saad ni Caleb. Napangiti rin tuloy ako.

         Bago pa kami langgamin dito. Buti na lang tinawag na ang flight namin.

         E! This is it! Me and Caleb na talaga forever.

******

          Now playing: "I do" by Colbie Callait.

          E! This is it, pansit!

         Tomorrow is the day!

         Caleb and I, stayed in California for almost one month.

        And I'm very happy. Kasi welcome na welcome ako sa family niya. Caleb even introducing me, sa iba pa nilang relatives sa California.

        Totally okay na ang dad niya pati na rin ang kompanya nila. And his dad decided to open another branch of their company sa Pilipinas. Kung saan si Caleb ang magma-manage.

       Na-meet ko na rin si Wendy. Friends na nga kami, eh. She's nice naman pala.

         After ng pagliliwaliw namin sa California, we decide to go back sa Pilipinas. At siyempre kasama na ang family niya para mamanhikan at para na rin sa kasal. Two weeks after nilang mamanhikan isinet ang kasal namin. At bukas na ang araw na iyon.

         I know dapat nag-bu-beauty rest na ako para bukas. Kaya lang hindi ako makatulog, eh.

         I still can't believe that this is really happening. Who would thought na after ng emote ko for the past months na nagkahiwalay kami ni Caleb, kame pa rin pala ang magkakatuluyang dalawa.

         Who would thought, na nalagpasan namin 'yung mga challenges na ibibigay sa amin.

         'Yung business namin ni Gab, ayon may branch na sa California. At dahil business partner namin doon si Catherine, siya ang nagma-manage ng branch doon.

         At dahil na-miss ko ang banda nila Macky, present sila sa kasal namin. They will sing for us. Sa simbahan at sa reception.

        Wendy, Catherine,Valene, Tj and Yule is part of the entourage naman.

         At sino pa ba ang best man at bridesmaid? Siyempre sina Enzo at Gab at wala ng iba pa.

        Hay... I guess dapat matulog na ako. Baka naman magka-eyebag ako nito. Dapat ako ang pinakamaganda bukas. Tama! Dapat matulog na 'ko. Iinum ako ng gatas para makatulog na ko.

        Bumaba ako ng kusina para magtimpla sana ng gatas. Pero mukhang nahulaan na ni Mommy na hindi ako makatulog. Naabutan ko siyang nagtitimpla ng gatas sa kusina.

        "Mommy..." Niyakap ko siya mula sa likod.

        "Hindi ka makatulog, noh? Ito pinagtimpla kita ng gatas." Ibinigay sa akin ni Mommy ang isang baso ng gatas.

        "Salamat po..." Hindi ako umalis sa pagkakayakap ko sa kanya kahit hawak ko ang baso ng gatas.

        "Hay... Ang baby ko ikakasal na bukas... After ng kasal niyo hindi na kita baby. Baby ka na ni caleb," Mom joked. Pero, I know nagpipigil lang 'yan na maiyak.

         "Mommy naman, eh! Kahit ikakasal na ako. Ako pa rin ang baby mo. Tsaka rito muna kami titira ni Caleb after ng honeymoon sa California 'di ba?" Wiw! Kinilabutan ako sa honeymoon thing, ah.

         "Oo na. Bigyan niyo kami ng maganda at gwapong apo na made in California, ha," pabirong bilin ni Mom.

        "Mommy! Ikakasal pa lang kami bukas, noh." Kumalas ako sa pagkakayakap kay mommy. "Gusto mo na akong palitan agad bilang baby mo?" Naka-pout kong maktol.

         "Asus! Mag-aasawa ka na, noh. Kaya 'wag ka ng pabebe, anak. Kahit bigyan mo ako ng madaming apo, ikaw pa rin ang baby ko." This time si Mommy naman ang yumakap sa akin.

         And I hugged her back. "Madami talaga, Mom? 'Yung kamukha ko ba?"

         "Hindi. Gusto ko 'yung kamukha ni Caleb," Mom replied. Napanguso tuloy ako.

          "Si Mommy talaga." Kanina naiiyak na ako. Pero ngayon natatawa naman.

         "Hay... Sige na. Inumin mo na itong gatas mo ng matulog ka na," Mom said to me.

          "Thank you, Mommy! I love you!" I kissed her sa cheeks.

          "I love you, too, anak," Mom responded and kissed me too.

          Ang drama naming mag-ina, noh? Wala pa 'yan. Siguradong mas ma-drama bukas.

         Gosh! Ngayon pa lang kinakabahan na ako. Tomorrow, I will be Mrs. Caleb Buenaventura.

Started with a ChatWo Geschichten leben. Entdecke jetzt