Chapter 51: The wedding 2 (Final Chapter)

86 4 0
                                    

Eucha

         Naglalakad pa lang ako sa aisle papunta sa altar, umiiyak na ako.

         Lalo na ng makita ko na siya. He looks so handsome sa suot niya ngayon.

        Ang swerte ko naman ang gwapo ng mapapangasawa ko. Well, may time na masungit siya. Pero, I find it cute. Kaya mas iniinis ko pa siya.

        At ngayon, ito na talaga. Palapit na ako ng palapit sa kanya.

         Beside him is his dad and my best friend.

         And I'm hearing Macky's voice singing "God gave me you". Buti naririnig ko pa 'yung kanta. Kahit na ang lakas sobra ng tibok ng puso ko.

         Nakakabingi.

          "Nak, nanginginig ka, ha." Napansin pala ni Mommy.

          "Anak, ikakasal ka. Dapat happy. Bakit ka umiiyak? Naiiyak na rin si daddy, eh," Dad said,  na nasa kabilang side ko naman.

         "Tears of joy, dad," sagot ko.

         "Hay... Masaya rin kami for you, anak. Basta nandito lang kami lagi para sa'yo. Kahit may asawa ka na," Mommy said to me.

         "Oo nga. Ikaw pa rin ang baby namin kahit magkaanak ka na," Daddy said, na teary eyes na.

         "Dad, naman! Ikakasal pa lang ako. Anak agad?" Natawa tuloy ako kahit na umiiyak ako.

        We reach them. At after ng bilin ng parents namin. Niyakap at hinalikan nila kami. Bago iniabot ni dad ang kamay ko kay Caleb.

         He kissed my hand.

         "This is it! Wait! Are you crying?" Caleb asked me.

         "Ikaw din, eh," I said.

         "Tears of joy?" tanong ni Caleb.

         "Yeah. Tears of joy," sagot ko sa kanya.

         "Let's go? The priest is waiting." Kumapit na ako sa braso niya at sabay kaming naglakad palapit sa altar.

          Mabuti na lang nakakapit ako sa braso niya. Nanginginig pa rin kasi ako.

           Sinimulan na ng pari ang seremonya.

         "We are all gathering here for this special day of Caleb Buenaventura and Eucharist Bautista," simula ng Pari.

        Marami pa siyang sinabi pero hindi ko na halos maintindihan. 'Yung malakas na tibok ng puso ko kasi ang naririnig ko, eh.

       "Do you, Caleb Buenaventura, take Eucharist Bautista to be your lawfully wed wife? To have and to hold, richer or poorer. In sickness and in health. Til death do you part?" tanong ng pari kay Caleb.

         "Yes, Father. I do," sagot ni Caleb na sa akin nakatingin.

         "Do you, Eucharist Bautista, take Caleb Buenaventura to be your lawfully wed husband? To have and to hold, richer or poorer. In sickness and in health. Til death do you part?" tanong ng pari sa akin.

           It's my turn to answer. Lumunok muna ako ng laway bago makasagot. "Y-yes, Father. I do." Sagot ko.

         After ng ilan pang chuchu, it's time for the exchange of rings and vows.

        During our exchange of vows, Gab is singing Ikaw by Yeng Constantino.

         Kaya sino ang hindi maiiyak 'di ba?

Started with a ChatWhere stories live. Discover now