CHAPTER 1

99 7 1
                                    

CHAPTER 1:

"Ma, ano ba, hindi nyo ba naiintindihan? Ayaw ko nga!" sigaw ko sa kabilang linya at binaba na ang telepono. Pangalawang araw ko na ngayon sa Baguio. Pumunta ako dito upang maiwasan ang plano ng aking ina. Gusto nya kasi akong ipakasal sa babaeng hindi ko naman kilala. Paano naman yun? Ipapakasal ka sa hindi mo mahal! Nakakainis.

Ako nga pala si Jayold. I'm already 23 years old pero lahat pa rin ng ginagawa ko dinidikta ni mama. I want some freedom. Nakakasakal na. Dapat ba palagi sya nalang nasusunod? Paano naman yung gusto ko? I'm an only child kaya ganun. Iniwan kami ng papa ko para sa ibang babae pero good thing kasi hindi naman mahirap ang pamilya ni mama at nabuhay naman kami kahit wala ang lintik kong ama. I'm already old enough to decide for my self; pero bakit pati sa babaeng papakasalan ko kailangan si mama at lolo pa ang mamili.

Umalis ako sa amin dahil gusto ni mama na ipakilala sa akin ang babaeng papakasalan ko raw. Ayaw ko pang magpakasal sapagkat hindi ko pa nahanap ang tamang babae. Baguhan pa nga lang ako na brokenhearted dahil tinaksilan ako ng girlfriend ko, tapos ganito lang? Ipapakasal ako sa isang stranger? Stupid!

Lahat naman ng gusto niya sinusunod ko dahil alam kong yun ang makakapagpasaya sa kanya kahit iniwan kami ng papa ko. Nag-aral ako ng business para kay mama kahit na pangarap ko talagang maging doktor.I enter into our family business para sundin si lolo at si mama. Pumayag ako na idikta nila sa akin ang lahat simula bata pa ako pero ngayon; I think I can't. 


(A/N: Sorry for the typing errors. I hope you will be considerate to my typing errors and wrong grammars. Thanks.)


Love a Strangerحيث تعيش القصص. اكتشف الآن