CHAPTER 2

64 4 0
                                    

CHAPTER 2:

Matapos kong makausap si mama tinignan ko ang wrist watch ko. Tsk. 6 a.m palang. My mom called me kasi hindi nila ako mahanap. Nagtatago ako. Pumunta ako dito sa Baguio at nagrent nang-isang maliit na apartment upang di nila ako masundan. I didn't went to our resthouses kasi alam kong pupuntahan lang nila ako dun at pipiliting magpakasal sa anak ng kasosyo nila sa negosyo. I know I became selfish kasi they told me it's for my own good but just this once; I want to decide whom I will marry.

Bumangon na ako at dumiretso sa maliit na c.r sa nererentahan kong apartment. May sarili naman kasi akong c.r dito. Nagpapasalamat din ako kasi wala akong kapitbahay. What I mean is walang nakatira sa katabi kong kwarto kaya hindi maingay ang pamumuhay ko. hehe... Matapos kung maligo at magbihis, syempre alangan namang maglakad akong hubad sa labas, lumabas na ako ng apartment at naghanap ng restaurant na pwede kong pagkainan ng almusal.

Baguio is such a nice place. It's a little bit cold but it's wonderful ang peaceful here. May mga nagtitinda ng souvenirs sa may daan. Namili ako at may nakita akong isang key chain na may nakaukit na dalawang tao. Nakaakbay ang lalaki sa babae. Ang cute. "Manang nasaan na po yung key chain na sinabi kong bibilhin ko pagbalik ko?" napalingon ako sa babaeng nagsalita sa tabi ko.

"Ah...manang I want to buy this." sabi ko sa tindira at ipinakita ang key chain na hawak ko.

"No, ako naunang nagsabi kay manang na ako ang bibili niyan." humarap sa akin yung babaeng nasa tabi ko. So ito pala ang sinasabi rin nyang key chain na nais nyang bilhin.

"Miss, ako ang may hawak nito kaya ako ang bibili nito. Eh, bakit mo pa kasi iniwan." nakita kong napataas ang kilay nya.

"Hoy, mister binalikan ko lang ang pera ko dun sa apartment ko pero ako naunang nakakita niyan." bulyaw nya.

"Ah..sir, mam...marami pa naman pong key chains dito.."


Love a StrangerUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum