CHAPTER 7

43 4 0
                                    

CHAPTER 7:

A/N: Kim Chiu as Lhara ...nasa taas po yung photo nya. Thanks for reading.

Ang tagal-tagal na naming nakatayo dito pero ganun parin kalakas ang ulan. Ano ba naman yan. Nakakainis na talaga. Tinignan ko ang wrist watch ko. Its already 10:43 p.m. Wala na akong choice kun di sumukob sa ulan. Tumakbo ako. "Hoy, baliw ka ba? Ang lakas ng ulan oh. Hoy, lalaki, bumalik ka dito!" narinig kong sigaw nung babaeng stranger; ngunit hindi ko sya pinansin. Ano bang pakialam nya? Pinagpatuloy ko ang pagtakbo ko bahala nang mabasa. "Hey you idiot! Gusto mo bang magkasakit? Gusto mo bang mamatay, ha?" napatingin ako sa likod ko. Nakita ko ang babaeng nakakainis na tumatakbo papunta sa akin. Napahinto nalang ako. Bakit ba sya nakikialam. Nakakainis na sya, sobra.

"Are you crazy? Bakit ka nagpaulan?" bulyaw ko sa kanya.

"I'm not the only crazy here. Ikaw nga rin, nagpaulan eh." oo nga ako rin pala nagpaulan. Tsk. She open her umbrella na kanina pa nya bitbit. Hay naku..bakit pa sya nagpaulan eh may payong naman pala sya. Bobo rin pala to. Lumakad sya at tumabi sa akin at pati ako pinayongan nya. I found it sweet. I was shock. Bakit nya ginawa yun samantalang hindi naman kami magkakilala.

"Hey, don't stare at me that way. Ang ginaw-ginaw na baka matunaw ako." ay palaka. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya.

"I don't need your umbrella."-ako

"Ang OA mo, hwag ka ngang mag-inarte kita mo naman ang ginaw dito sa Baguio tapos magpapaulan ka pa? Ano ka ba, wala naman tong bayad eh. Libre to." oo, nga naman maginaw talaga. Teka nga..bakit halos tama sya palagi? Psh.

Hindi nalang ako pumalag. Hinayaan ko nalang syang payongan ako. Bahala syang mangalay dyan. "Ah..saan kaba nagsestay?" bigla nyang tanong. Tama, paano kung hindi nya alam ang tinitirhan ko? So lakad lang kami ng lakad hanggang sa dulo ng kalsada?

"***** apartment." sinabi ko sa kanya ang address ko.

"Wow, so we're heading to the same place? Ang galing no?"-sya

"Huh?" pagtataka ko.

"Ah..I live there too. What I mean is dun din ako nagstay ngayon. Nagvacation kasi ako dito. My bestfriend own that building kaya libre lang ang pagsestay ko dun for months." ang daldal naman nya.

Hindi na ako nagsalita maski sya hanggang nakarating na kami sa apartment. Pumasok na ako sa loob pero napansin ko nakasunod pa rin sya sa akin. "Hey, are you following me?" naiinis kong sabi.

Tumaas naman ang kilay nya. "I'm not. Dun kaya yung room ko. Hwag kang assuming." sabay turo sa room na katabi ng room ko.

"What? Your a woman tapos dito ka? Eh most of the occupants here are boys or families."-ako

"Well, as I told you, my bestfriend own this apartment kaya ok lang." sabi nya then she open the door of her room. Pero bago pa sya makapasok unexpected words came out from my mouth.

"Ah..thank you." sabi ko. Tsk. Minsan lang talaga ako nagtethank you. Tumingin naman sya sa akin at ngumiti.

"You're welcome." ang ganda ng ngiti nya. Tsk. Stupid Jayold. Papasok na sana ako ng bigla din naman syang magsalita. "Hey, by the way, I'm Lhara."

"Jayold." maikli kong sabi tapos pumasok na sa kwarto ko. Nagbihis ako kasi nabasa ako ng kaunti. Pero salamat sa payong ng babaeng yun, hindi ako masyadong nabasa.


Love a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon