CHAPTER 11

39 5 0
                                    

CHAPTER 11:

A/N: So tired na po...haish...pero dahil po sa inyo continue pa rin po ako sa pag uupdate. Thanx 4 reading..love yaah!!!

It's my 3rd week here at Baguio. Masaya ako dahil may nakilala akong tao na nakakapagpalimot ng problema ko kahit sandali at nakakapagpasaya sa akin. Lage kaming magkasama ni Lhara. Misan nanunuod kami ng movie sa apartment nya o di kaya sa apartment ko. Nung isang araw nga naglaro kami dun sa may damuhan. Naghahabulan. Wala lang trip lang namin. Para kasi syang bata minsan eh. Minsan din gumagala kami at kumakain ng ice cream. Nagbabatopik at ang matatalo sya ang manlilibre. The more na mas nakilala ko si Lhara the more na ayaw ko syang mawala. The more na nagugustuhan ko sya. Her smile makes me feel better and comfortable. Nakakatawa ako ng totoo kung andyan sya. Feeling ko I'm free with her. I'm real when I'm with her and most of all I feel complete. Parang centrum. Kahit na hindi pa kami gaano katagal nagkakilala ganun na ang nararamdaman ko. I don't know why.

Masaya ako. Totoong masaya pero ang pinag-aalala ko ay ang mga magulang ko. Paano kung ipapakasal talaga nila ako sa hindi ko pa kilala? Sasaya kaya ako kahit wala si Lhara? Mabubuo pa kaya ang buhay ko? Minsan gusto ko nalang huminto ang oras pagmagkasama kami upang wala ng mangyaring masama.

"Race tayo." sabi ni Lhara. Ngayong araw napag-isipan naming magbisiklita.

"Sige ba. Ang matatalo sya ang manlilibre ng snack. hahaha..." nakakatawa talaga ako ng totoo dahil sa kanya.

"Game!" at ayun na nga nagrace na kami. Ang galing nyang magbisiklita. Nauna na sya sa akin. Ilang mintuto pa magkasabay na kami. Her hair flows naturally because of the wind. She looks more gorgeous by that.

Ilang sandali pa naunahan ko na sya. Patuloy lang ang pagbibisiklita ko hanggang sa nakarinig ako ng sigaw sa likuran ko. "Wait! Ahh!!" napahinto ako at lumingon sa likod ko. I saw Lhara on the ground. Nasa tabi nya ang kanyang bike at ang isang bata. Kinakabahan na ako. Dali-dali akong lumapit sa kanya.

I saw blood! "Shit!" nasabi ko nalang. I saw her closing her eyes. No! Nauntog sya sa bato dahil sa pag-iwas sa batang tumawid sa daan. Nalaman ko yun dahil yun ang sinabi ng bata. Binuhat ko si Lhara habang walang malay. "Help us! Please call an ambulance!" I shouted. Sobrang kaba na talaga. "Lhara! Wake up!" I know bisiklita lang yun pero makita syang duguan at walang malay? Parang pinapatay ako. This is my fault! Kung hindi ko sana sya inunahan siguro this will not happened.

Ilang minuto pa dumating na ang ambulansya na tinawag nung mga tao na nakasaksi sa mga pangyayari. I brought her to the hospital. Pagdating sa hospital dali-dali naman syang inasikaso ng nurse at doctor. Nanatili lang ako sa labas.

Nakaupo ako sa labas ng room ni Lhara, hinihintay yung doktor at nurse na lumabas sa kwartong pinagdalhan sa kanya. I saw my shirt stained by her blood. Sana wala lang mangyayaring masama sa kanya. I can't forgive myself if something bad happen to her. Napaiyak na ako at ginulo ko ang buhok ko. "Arrg!" sambit ko nang biglang tumunog yung cellphone ko sa bulsa ko.

"Hello!" napasigaw talaga ako.

"Anak, please umuwi ka na. Your lolo is critical. Isinugod namin sya sa hospital ngayon. Joyold, please" si mama pala ang tumawag.

"WHAT?" napatayo ako. Ano ba ang nangyayari?

"Jayold, inatake sya sa puso dahil hindi ka umuwi for a month. Please umuwi ka na Jayold. He needs you. The company needs you bago pa ito tuluyang masara. Kailangan mo ng magpakasal sa anak mga Lim bago tuluyang mawala ang pinaghihirapan ng lolo mo buong buhay nya." Hinay-hinay akong umupo sa upuan. Ano na ang gagawin ko? Kailangan ako ni lolo ngayon. He stand as my father nung kailangan ko ng ama. He's very important to me. Ayaw ko syang mawala dahil lang sa akin. Ayaw ko ring mawala ang pinaghirapan nyang negosyo dahil lang din sa akin. Pero paano si Lhara?


Love a StrangerNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ