CHAPTER 16

41 4 0
                                    

CHAPTER 16:

Ang saya-saya ko. Kahit papaano nakatulong din pala ang ginawa ng mga magulang namin.

Araw-araw lage kong binibigyan ng flowers ang babaeng gusto, ay hindi..mahal ko. Araw-araw magkasabay kaming kumain. Araw-araw lage ko syang sinusundo sa kanila at sa office nya pag-uwian na. Masaya ako sa ginagawa ko. Masaya ako dahil napapasaya ako ng babaeng mahal ko, si Lhara Lim.

Ngayong gabi. I set up a special dinner date. Sabi nya papunta na raw sya. Ngayon ko na tatanungin sya kung 'yes' or 'no' ba. Basta alam nyo na yun. It's been 2 weeks ko na rin syang nililigawan. Kinakabahan ako! Ano kayang isasagot nya? Nakaset-up ang lahat dito sa rooftop ng building ng company namin.

May table for two. Candles para romantic, flowers at iba pa. But all of these are useless. Decoration lang ang mga to. Ang importante ay ang babaeng naglalakad papunta sa akin.

"Hi." I was stunned. Ang ganda nya talaga.

"Hi." para lang kaming una pa lamang nagkakilala. Tsk. Puro 'hi' lang.

I grab a chair for her at ibinigay sa kanya ang isang red rose.

"Thanks." sabi nya.

"Lets eat." at ayun kumain na kami. Pagkatapos naming kumain kinuha ko ang gitara na nasa ilalim ng lamesa. Yeah. I hid it there.

I started to strum the guitar at kumanta.

(Walang Iba by EZRA BAND)

{Ilang beses ng nag-away, hanggang sa magkasakitan na di na alam ang pinagmulan. Pati maliliit na bagay na napag-uusapan bigla nalang pinag-aawayan}

I sing ng first part of the song habang nakatingin sa babaeng mahal ko. Mula sa likod ko naman kung saan madilim na bahagi, isa-isang lumapit ang mga mahal namin sa buhay na kinumsaba ko at ibinigay sa kanya ang mga rosas na pula.

{Ngunit kahit na ganito; madalas na 'di tayo magkasundo. Ikaw lang ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko}

Naalala ko nung una naming pagkikita at pagtatalo dahil sa key chain. Minsan din hindi nagtatalo kami dahil sa pagkain. Naalala ko lahat ng panahon na nakakasama ko sya.

{Kahit na binabato mo ako nang kung anu-ano Ikaw parin ang gusto ko. Kahit na sinasampal mo ako't sinisipat nasusugatan mo. Ikaw pa rin walang iba. Ang gusto kong makasama. Walang iba. Walang iba.}

Patuloy parin ang pagbibigay nung mga bulaklak sa kanya.

{Nagsimula sa mga asaran; hanggang sa magkainitan. Isang eksenang bangayan na naman. Ba't ba kasi pinagpipilitan Ang hindi maintindihan; di naman kinakailangan.}

Naalala ko nung inalagaan nya ako dahil may sakit ako. Tumulo nalang ang luha ko. Hindi ko akalain na mamahalin ko ang isang babaeng kinaiinisan ko noon.

{Ngunit kahit na ganito Madalas na di tayo magkasundo. Ikaw lang ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko.}

Sa lahat ng mga rosas na binibigay sa kanya may mga letrang nakasulat doon na magfoform ng isang tanong. Isa-isa naman nya itong nilagay sa mesa para maform ang sentence.

{Kahit na binabato mo ako nang kung anu-ano Ikaw parin ang gusto ko. Kahit na sinasampal mo ako't sinisipat nasusugatan mo. Ikaw pa rin walang iba. Ang gusto kong makasama. Walang iba. Walang iba. Hwag ka ng mawawala. Hmmm..walang iba.}

Sana hwag na syang mawala sa akin. Parang di ko kakayanin. 

A/N: Malapit na pong matapos ang short story na to...keep in touch..love you



Love a StrangerWhere stories live. Discover now