CHAPTER 8

43 4 0
                                    

CHAPTER 8:

It's been 5 days simula nung magkakilala kami nung strange girl; I mean ni Lhara. Minsan nagkakasabay kaming kumain sa resto pero hindi naman kami masyadong nag-uusap. Magkasabay kaming umuwi pero wala namang imikan. Sa umaga mag-gogood morning lang kami sa isa't isa.

Tinatawagan ako ni mama araw-araw. She forces me everyday to go home and meet that woman she want me to marry; peor ara-araw ko namang sinasabi sa kanya na ayaw ko. Bakit ba nya ako pinipilit? Bakit hindi nalang sya ang magpakasal?

Gabi na ngayon at niyaya ako ni Lhara na maggala. Actually, she's nice naman. We're friends na kahit hindi kami masyadong nag-uusap. She's such a nice person kahit pangalan lang nya ang alam ko.

"Hey, lets go?" sabi ko sa kanya. Papalabas na kami ng apartment.

"Wait, Jayold, may nakalimutan ako." bumalik sya sa loob. I wonder kung ano yun?

Sasama nalang ako sa kanya ngayon kasi wala naman akong kakilala dito maliban sa kanya. "Let's go." sabi nya. Hindi ko naman alam ano ang binalikan nya sa loob. Wala naman syang dalang malaking bagay.

*****

Pumunta kami sa mataas na parte ng lugar dito. "Wow, ang ganda naman dito." tuwang-tuwa nyang sabi.

"Yeah, it's nice here." maganda naman talaga ang view ng kinatatayuan namin ngayon. Makikita mo ang mga ilaw ng mga bahay sa baba. Malamig but the view could make you stick to that place. Umupo kami sa may grass doon. Naglakad lang kasi kami papunta dito kaya hindi kami nakadala ng mat.

"Here." inabot nya sa akin ang left side ng earphone na nakaconnect sa maliit na mp3. So yun siguro ang binalikan nya sa loob.

"Thanks." sabi ko. Nakaupo lang kami dun habang nanunuod sa magandang view ng Baguio at nakikinig sa mp3 nya. Ang gand ng mga music nya. Parang pareho kami ng type sa music.

"Alam mo ba kung bakit ako nandito sa Baguio?" bigla nyang banggit. Bigla naman akong napatingin sa kanya.

"Nagvacation ka diba?" tanong ko. Magkatabi kaming nakaupo ngayon.

"That's one of the reasons, but the main reason is a stupid one. Hwag na nga natin pag-usapan yun."-sya.

Napabuntong hininga ako. "Ako, I went here because my mother wants me to marry a woman I haven't met." sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ko sinasabi sa kanya ang mga yun. Ever since wala pa akong napagsabihan ng problema ko.

"Really? I think it's selfish. Kasi dapat tayo ang pipili ng mamahalin natin hindi ang mga taong nakapaligid sa atin." tumingin sya sa akin. She's right its selfish.

Nag-usap lang kami ni Lhara ng kung ano-ano. We decided not to bring out our problems this night. We talk about food, movies, colors, animals, celebrities at iba-iba pa. I admit masaya syang kasama. Tila nawawala ang problema ko sa mga tawa at ngiti nya. I haven't felt this ever since my ex break up with me. I admit hindi naman sya mahirap magustuhan.


Love a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon