Chapter14 : Say Yes

7.1K 240 71
                                    

Dedicated sayo :D

Chanyeol's POV

(After one week)

Nana is still my assistant. Sinabi ko na rin sakanya na may mahal akong iba at may anak na 'ko. Nagulat ako nung malaman kong may nararamdaman pala sya para sa'kin. Sa una nagalit ako, gusto ko pa nga syang sesantihin, kaso kaibigan nya pala si ate kaya hanggang ngayon, sya parin ang assistant ko.

*short flashback: one week ago*

"Sir, minahal ko po kayo noon.. hanggang ngayon." . Yumuko sya pagkatapos nyang masabi 'yon.

"I-- hindi pwede 'yan sa trabaho, Nana. Work is work, bawal ang ganyan--"

"Pero sinasabi ko ang totoo. I really have -"

"Stop this nonsense. I don't care if you like me. Just do your job as my assistant and never say those words again to me. I love someone and that's NOT you. I already have a son. Aish! We're wasting time."

"I'm so sorry sir. I'll do my job, now.

But remember this.

I'll try everything to have you."

Tumayo sya at lumabas ng opisina. I scratched the back of my neck. I'll never love you, sorry.

*end of flashback*

Day-off ko ngayon, and this day, I'm planning to have a date with Baekhyun. Isang linggo ko na rin syang sinubukang ligawan pero puro 'no' parin ang natatanggap ko. This day I'll try to make him say yes.

"Jesper, don't wake eomma okay? Maiiwan ka dito mamaya. Be good to yaya Sitaw." I said. Tumango naman sya at ngumiti.

Buong linggo ko nang plinano ang mangyayari ngayon. I hope this date will end with a kiss ;).

Sumakay na 'ko sa kotse ko at pumunta doon sa park kung san magaganap ang date namin. Hindi ko pinili ang restaurant dahil gusto kong maging simple ang araw na 'to. Gusto ko rin na ako ang naghanda ng mga pagkain.

Baekhyun's POV

I slowly opened my eyes. Tumingin ako dun sa alarm clock ng kwarto ni Chanyeol. Hala?! 9:30am na tapos 'di pa nila 'ko ginigising? T_T

Sinuot ko ang bunny slippers ko tapos bumaba ako. I saw Jesper playing with Tao outside the house. May maliit kasing playground na pinagawa si Chanyeol dun.

Pumunta ako sa pwesto nila. "Baby, ba't di mo ginising si eomma?" I asked Jesper who's now riding his horse. "Appa told Jesper" sagot nya . Kinamot ko ang magulo kong buhok. "Kumain na kayo, Tao?" I asked. Tumango naman sya.

Pumasok ako sa loob ng bahay at pumunta ako dun sa kusina para kumain ng almusal. Pumunta ako sa may reff pero ang nakakuha ng atensyon ko ay isang pink na sticky note na nakadikit dito.

Kinuha ko 'yon at binasa ko ang nakasulat dito.

'Dear Baek,

Pinatago ko kay Sitaw lahat ng pagkain na meron tayo :D alam ko naman na hindi mo kayang hindi kumain kahit almusal lang. If you want to eat, pumunta ka dito sa *** park. I cooked food for you. Don't ask them kung ba't sa park pa. Just come okay? I love you

Why so cold, Daddy?  {MPREG} [ChanBaek]Where stories live. Discover now