SC#4 : I Like You

3.8K 116 54
                                    

Dedicated kay @-baekhyunee :) bhe, ginamit ko lang naman yung pangalan mo xD

Sorry kung na-misunderstood nyo yung sinabi ko sa last chapter. Akala nyo siguro after 14 years ako maguupdate xD

___

This part is all about Jesper and his crush.

AFTER 14 YEARS

Third Person's POV
(Jesper at the mm)


"Jesper anak! Gumising ka na, may pasok pa kayo!" sigaw ni Baekhyun mula sa kusina habang naghahanda ng almusal. "Ma, five more minutes please," sagot nya at gumulong gulong sa kama. "Anong five minutes? Kanina ka pa nag-five minutes! Jesper bumaba ka na dyan! Isa! Dalawa! Tat—"

"Tatlo!" sigaw ni Chanyeol at binuksan ang pintuan ng kwarto ni Jesper. Nagulat si Jesper doon kaya naman napaupo ito kaagad mula sa pagkakahiga nya. "Goodmoring, dad!" bati nito at agad na bumangon. Hindi na sya sanay na yinayakap ang papa nya kaya dinaanan nya lang ito at bumaba papunta sa kusina.

Pagkarating nito doon, agad na  niyakap ni Jesper si Baekhyun mula sa likuran at binati ng good morning. Pagkatapos, umupo sya sa tabi ng kapatid nya at sabay silang kumain ng almusal.

"Kuya, nasabi mo na ba sakanya?" tanong ni Yeohyun habang nililigpit ang pinagkainan nya. "Ano? Kanino?" tanong nito sabay punas sa bibig nya. "Si ate Kim? Yung kinukwento mo sakin na maganda tsaka—" hindi natuloy ang sasabihin nito nang sinubuan sya ni Jesper ng tinapay.

"Shhh.. Nandyan sila papa," bulong nito. Inirapan nalang sya ni Yeohyun sabay lunok sa tinapay na sinubo sakanya. "Sabihin ko nyan kay Asher na gusto mo sya eh."

"Argg! Kuya naman eh!"

Bumalik na si Jesper sa kwarto nya at naghanda para sa pagpasok sa school. Pagkalabas nya sa kwarto, nakahanda na rin si Yeohyun. Sabay silang bumaba papunta sa harap ng bahay.  Hinintay nila yung sundo nila ng ilang minuto hanggang sa dumating na ito.

Pero hindi pala yung sundo nila yung lumabas. "Appa, ikaw maghahatid saamin?" tanong sakanya ni Yeohyun. "Bakit, ayaw mo ba?" tanong ni Chanyeol sabay kindat sa anak nya.

Kung si Jesper nakuha ang mukha ni Baekhyun, si Yeohyun naman mukha ng papa ang nakuha. Parehas sila ng mata, bibig at ilong pero yung tenga nya hindi ganun.

Pumasok na sina Jesper at Yeohyun sa sa likod ng kotse. "Ma, bakit ka nandito?" tanong ni Jesper kay Baekhyun na nasa tabi ni Chanyeol. "May pupuntahan kasi kami mamaya. Hindi muna pala kami makakauwi kasi bibisitahin namin yung lola nyong may sakit," sagot nito. "Ma, pakisabi kay lola na magpagaling sya at tsaka mahal namin sya. Pakisabi na rin kay tita Yura na ang ganda ganda nya."

Gusto sanang sabihin ni Baekhyun na 'bakit ko naman sasabihin 'yon? eh mas maganda naman ako' pero alam nya naman na isasagot ni Jesper na sya ang pinakamagandang tao sa buong mundo. Tsaka kapag tinanong nya pa 'yon, magseselos si Yeohyun sa sagot ng kuya nya kaya wag nalang.

***

"Bye, ma, pa! Ingat po kayo," sabi ni Jesper at sabay silang kumaway ng kapatid nya. Umalis na sina Chanyeol at Baekhyun pagkatapos nilang magpaalam.

Pumasok silang dalawa sa loob ng malaki nilang paaralan. Habang naglalakad, hindi mapigilan ni Jesper ang sarili nya sa pag-ayos ng buhok nya para kapag nakita nya si Kim, gwapo sya tignan.

"Kuya, ayan na sya!"

"Si Kim? Nasan?!"

"Hindi Kuya, si Asher. Si Asher at si..." bumuntong hininga sya bago nya ituloy ang sinasabi nya. "Kaizer..."

Why so cold, Daddy?  {MPREG} [ChanBaek]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon