Chapter22 : again

4.8K 197 60
                                    

dedicated sayo \m/


sino sainyo nakapanood ng law of the jungle ep1. >< Chanyeol mentioned Baekhyun there waahh~~~ T^T sorry.

__

Baekhyun's POV


tatlong araw na ang lumipas pero hindi parin kami umuuwi sa bahay namin. Sa totoo lang namiss ko na si Chanyeol. Siguro, masyado nga akong nagreact dun sa nangyari. Nakalimutan ko kasi nung time na 'yon yung plano ni Yura. Sa tingin ko sya ang nagplano nun. Bakit naman makikipaghiwalay sa'kin si Chanyeol? .. siguro kaya ako naging ganun kasi ayaw ko nang masaktan.


"Eomma" kinalabit ako ni Jesper sa tagiliran. "Bakit?" tanong ko. Nagpout sya tapos umiyak. "appa.." he whispered. Biglang bumigat ang damdamin ko. 


"Baekhyun naman kasi! Umuwi na kayo. Namimiss na ng anak mo si Chanyeol." narinig kong sigaw ni Kyungsoo mula sa kusina. "Kyungie, hindi pa 'ko handa. Baka hindi kami magpansinan.. or worst" sambit ko. Lumitaw yung ulo nya sa pinto ng kusina. "Edi gumawa ka ng plano. Alam mo Baek, gusto ko sanang reypin ang asawa ko kaso hindi ko magawa kasi nandyan kayo.. hehe joke lang"


I rolled my eyes. Buntis na nga manlalandi pa. "Sige, uuwi na kami.. pero kakain muna hehe"


pagkatapos magluto ni Kyungsoo hinanda na namin ang pagkain sa lamesa. Sabay sabay kaming kumain kasama si Jongin. "Hindi daw dadalhin ni Luhan si Hunnie?" tanong ko. He shook his head. "Day off nya ngayon. Magpipicnic daw sila" sagot nya. Napa 'aahh..'nalang ako.


__

"babye Jesper! babye Baekhyun! babye! babye!" naiiyak nyang sambit. "Ano ka ba? para namang hindi na tayo magkikita. Sige na, bye" sagot ko. Jesper waved his hands.


Sumakay na kami sa loob ng kotse nila ni Jongin. "Jongin, sorry kung--" he cut my words. "Hindi. Okay lang." sagot nya tapos ngumiti. Nagmaneho na sya. 


Parang kinakabahan ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero ang bilis ng tibok ng puso ko. After a few minutes nakarating na kami sa tapat ng gate ng bahay. Tinulungan ako ni Jongin na ibaba ang gamit namin. "Thank you ha.." sambit ko. "welcome" sabi nya at pumasok muli sa loob ng kotse nya. Umalis na si Jongin leaving Jesper and me infront of our gate.


Dahan dahan kong binuksan ang maliit na pinto sa gate tapos pumasok kami sa loob. Huminga ako ng malalim bago ko pa buksan ang pintuan ng bahay. I tilted the doorknob slowly until it was opened. Wala kaming taong nadatnan sa sala. Sabay kaming umakyat nni Jesper papunta sa kwarto nya. 


Pumasok kami sa loob ng kwarto at nakita ko dun si Chanyeol na nakatalikod at nakaharap sa bintana. "Bakit pa kayo umuwi?" matigas nyang sinabi. Hindi ko sya pinansin. Nilagay ko ang maleta sa isang tabi tapos inayos ko ang medyo magulong kwarto ni Jesper.


"Bakit pa kayo umuwi?!" pasigaw nyang tanong. Napakagat ako sa labi ko kasi hindi ko alam ang isasagot ko. Napatingin nalang ako kay Jesper na naglalakad papunta sa daddy nya. Niyakap nya ang binti nito. "appa~" sambit nya pero hindi sya nito pinansin.

Why so cold, Daddy?  {MPREG} [ChanBaek]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora