Chapter28 : Oo

5K 158 30
                                    

May ExoluXion daw sa Manila T_T tokwa naman oh! Huhu, di ako makakapunta.

Ilang araw na ba 'kong di nakakapag-UD? Pasensya na ha.. Sobrang busy ko tapos ngayon napakaaga ko pang nagising para sa update na 'to. Sana ma-enjoy nyo!

___

*after one month*

Baekhyun's POV

"Hoy! Jongin, waaag!" sigaw ni Kyungsoo tapos tumakbo sya papalapit sa asawa nya. Pano ba naman kasi, nilulublob ni Jongin yung anak nya sa dagat na pinuntahan nila. "Jusko, Jongin! Maawa ka— anak, okay ka lang ba?" sabi nito sabay karga kay Asher.

"Isang buwan palang ang anak mo! Di mo ba naiisip kung ano mangyayari dito kapag nilulublob mo, ha?! Jongin, magpaka-ama ka naman sa mga anak mo. Nagusap na tayo tungkol dito, 'di ba?" nakasimangot nyang sambit.

Lumapit ako sa mag-asawang malapit nang mag-away. "Oh! Shhh! Natutulog ang anak nyo oh," sabi ko sabay turo kay Asher. "Ahh! Jongeeenn!! Baka patay na 'to! Jusme, kumuha ka ng rosaryo, dali!" sigaw nito.

I rolled my eyes. Ang OA naman kasi netong nanay na 'to.

"Kyungsoo, wag ka ngang ganyan! Kung ayaw mong mamatay ang anak mo, wag ka mag-iisip ng ganyan! Humihinga pa oh! Tsk," I told them.

Umupo ako sa harap nilang dalawa tapos tinitigan ko sila ng ilang minuto.

"Oh, tititig ka lang ba? Sinasayang mo lang ang oras ko," sambit ni Jongin. Maglalakad na sana sya palayo kaso nahawakan ni Kaizer— na tulog, ang pinky nya kaya napigilan ito. "Mag-usap tayo, Jongin tsaka Kyungsoo. Para sainyo rin 'to," mahinahon kong sinabi sa dalawa. Tumango naman sila.

"Kyungsoo, sayo ang problema masyado kang kabado. Oo, minsan medyo loko-loko rin 'tong asawa mo pero sana hayaan mo rin syang gawin ang parte nya. Wag mo syang pagalitan palagi kasi kapag ganun, nabibiyak ng unti-unti ang relasyon nyo," sabi ko sakanya.

"Ikaw naman, Kai. Wag kang maging harsh sa mga anak mo. Pwede mong gawin 'yun kapag siguro apat na taong gulang na sila. Be a nice daddy kasi.. baka hindi ka nila tawaging ganun. Tsaka pagpasensyahan mo na si Kyungsoo minsan. Siga na, magyakapan na kayo," sambit ko.

Nagkatinginan ang dalawa tapos ngumiti sila sa isat-isa. Akala ko nga magyayakapan lang sila eh. Nagfrench-kissing pa. Eww.

"Ah.. Aalis na 'ko," sabi ko tapos naglakad papalayo sakanila. Buti nalang tulog pa yung mga bata.

Pumunta ako sa dalampasigan tapos pinagmasdan ko sina Chen at Xiumin na nagpapabilisan sa paglangoy. Si Luhan naman tsaka si Sehun nagmomoment tapos yung anak nila karga-karga ni Sehun. Medyo malaki na rin si Hunnie.

"Eomma," narinig ko ang boses ng anak ko. Napatingin ako sakanya tapos nakita ko syang gumagawa ng sand-castle. "Bakit?" tanong ko. "Appa is here," sagot nya. Napatingin ako sa matangkad na lalaking nasa likod ni Jesper. Nakaformal pa ito at tsaka may dalang boquet.

Nilapitan nya 'ko tapos agad nya namang hinalikan ang noo ko. "Baekhyun, sorry kung late ako. Natapos na yung meeting namin tsaka may dalawang araw akong day-off. Dito nalang ako," sabi nya tapos binigay sa'kin yung flowers. Ngumiti ako sakanya tapos piningot ko ang magkabilaang tenga nya. Natawa kaming dalawa.

"I mise you," bulong nya sabay himas sa tyan ko. "Ah ganun? 'Di mo 'ko namimiss, 'no? Nakakainis ka, Chanyeol! 'Di ko man lang mamis—" naputol na yung mga sasabihin ko nang halikan nya ang labi ko. "Syempre miss na miss na kita. Tara sa bahay. Mahpapahinga na 'ko. Ang layo kasi nung binyahe 'ko," mahina nyang sinabi. Tumango naman ako bilang sagot.

Why so cold, Daddy?  {MPREG} [ChanBaek]Where stories live. Discover now