Chapter25 : Chanyeol's Reaction

5.7K 202 21
                                    



__

Baekhyun's POV

isang linggo na ang lumipas simula noong nalaman kong buntis nanaman ako. Hindi ko inaakala na mabubuntis nanaman ako. Ano kayang magiging reaction nila kapag nalaman nilang nagdadalang tao nanaman ako? Si Chanyeol kaya?

"Jesper, don't tell it to appa, okay?" bulong ko sakanya. Halos araw-araw ko nang binubulong sakanya 'yon. Si Kyungsoo kasi eh. May nalalaman pang pasecret-secret. Isusurprise ko daw si Chanyeol. "Eomma, Jesper no tell" sagot naman nya. Ngumiti ako sakanya tapos ginulo ko ang buhok nya.

Lumabas ako sa kwarto ni Jesper tapos pumasok naman ako sa kwarto namin. Iniwan ko si Chanyeol kanina habang natutulog sya. Pero ngayon gising na sya. nakaderp pa.

"goodmorning mommy" yes. Tinawag nya na 'kong mommy simula kahapon T^T. "Goodmorning daddy." sagot ko. Umupo ako sa tabi nya tapos pinatong ko yung ulo ko sa balikat nya. Hinaplos nya naman yung mukha ko. "Anong bang nilalagay mo sa mukha mo ha? Bakit ang kinis?" tanong nya. "Malay ko. Nasa lahi ko na 'yan Chanyeol. Lahi ko yan. Dyosa. Dyosa ako" sabi ko kaya natawa naman sya.

"Bakit ka tumatawa? So ngayon pinapamukha mo na sakin na hindi ako dyosa? Aba putangina mo Chanyeol!" sabi ko tapos hinagis sakanya yung unan sa tabi ko. "sshh.. Bakit ang init ng ulo mo?" tanong nya. "Kasi bunti-- bunti boom~ shalalala" sabi ko tapos sumayaw habang tumatawa

napakunot naman yung noo nya. "bakit parang ang weird mo?" tanong nya "weird? bakit naman ako magiging weird? huhu.. weird ba talaga ako?" tanong ko with watery eyes. "Tss.. tara na nga! Papagluto kita ng almusal" sabi nya.

Tatayo na sana ako kaso binuhat nya naman ako in bridal style. "Chanyeol, ibaba mo 'ko!" sigaw ko pero hindi nya 'ko pinansin. Bumaba na kami sa hagdan. Inupo nya 'ko sa upuan doon sa dining area tapos tinitigan nya 'ko ng matagal.

"Bakit?" tanong ko. Umiling sya. "Bakit ang bigat mo? Kain ka siguro ng kain!" sigaw nya. Napapout naman ako. "oo na. Ako na mabigat" sagot ko naman. He chuckled "Cute ka parin"

pumasok sya doon sa kusina tapos nagluto sya.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na rin sya. Inilapag nya na sa lamesa yung mga niluto nya tapos naglagay na rin sya ng mga plato. "Tao, pakikuha nga si Jesper sa taas" utos nya. Ginawa iyon ni Tao. Bumaba sya habang karga-karga si Jesper.

"Open your mouth, mommy. Say aahh" sabi ni Chanyeol tapos tinapat nya yung kutsarang may pagkain sa harap ko. "Aah~" ginawa ko naman.

Umubo ako nang matikman ko yung niluto nya. Eww, ang pait.

"Chanyeol, ang pait!" reklamo ko. "Ha? Sinarapan ko na nga yan eh. Oh ikaw Jesper. Tikman mo" sabi nya tapos sinubuan si Jesper. "Thalap" sabi naman nito. "Oh, masarap naman diba? Baka nilalagnat ka kaya mapait ang panlasa mo. Halika ka nga dito" sabi nya. Lumapit ako.

Niyakap nya 'ko ng mahigpit tapos hinalikan nya yung noo ko. I smiled in his kiss. Ang sarap, nakakabusog.

__

"Chanyeol, wag ka munang pumasok, please..? masama pakiramdam ko eh" sabi ko habang nakahiga doon sa kama. "Sige. Dito ko nalang gagawin yung mga gagawin ko. May gusto ka ba,ha?"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Sopas sabaw gravy"

sa una, muka pa syang nagtataka kung bakit 'yon ang sinabi ko, pero ginawa nya rin.

"Eto ang masarap, hindi yung kanina." sabi ko habang ngumunguya. "Tinikman ko yan, Baek. Lasang tae" sabi nya. "ang sama mo.." bulong ko "Ha?"

"Thank you."

__

Kasalukuyan akong nasa loob ng kwarto ni Jesper habang tinitignan ko silang dalawa ni Chanyeol. Di ko kasi mapainom ng gamot si Jesper kaya si Chanyeol nalang ang nagpainom sakanya.

ang sama talaga nitong lalaking tao. Malulunod na sa tubig yung anak nya pero panapalagok parin -___-

"Appa! Jesper wants dog. Arf arf!" umakyat sya sa leeg ni Chanyeol. "Pweaseu?" ginawa nya pa ang puppy eyes. "Bawal ka sa aso anak." sagot naman nito tapos binuhat nya si Jesper sa leeg nya. "But Jesper wants pet" nagpout sya. "I'll buy you fish. Three fishes. One is eomma, two is Jesper and three is appa." ngumiti sya tapos binaba nya si Jesper.

Niyakap ni Jesper ang binti nito. "Tenchu appa!"

__

Chanyeol's POV

"Baekhyun, yung totoo. Bakit ka nagkasakit? Kanina ka pa sumusuka dyan!" sigaw ko habang nasa labas ng banyo. Ano ba kasing meron sakanya? baka nafood-poison?

"asdfghjkl" yun ang narinig ko mula sa banyo. I sighed. "Pag tapos ka na maguusap tayo."

humiga ako sa kama tapos napatingin ako sa dingding. Para kasing familiar ang mga pangyayari ngayon. Nanguari na ba 'to dati? O baka nahawa lang ako sa laway nya.

Lumabas sya mula sa banyo tapos umupo sya sa tabi ko. Pinatong nya yung ulo nya sa balikat ko tapos niyakap nya 'ko.

"Ano ba kasing... nangyari sayo?" tanong ko. "Hindi ka magagalit" sabi naman nya. Tumango ako tapos binigyan ko sya ng madaling halik. "Hindi" sabi ko.

Huminga sya ng malalim. "Bu-- bu-- buntis.. a-- a-- ako." sagot nya.

Lumaki bigla ang mata ko tapos napatalon ako sa tuwa. "Talaga? Daddy nanaman ako?" tanong ko sakanya. Tumango sya. "woohooo! Daddy na si Chanyeol ulit! Jesper! Magiging kuya ka na!" sigaw ko.

"Jusko chanyeol. Natutulog na ang kapitbahay." sambit nya.

Pumatong ako sakanya (syempre yung hindi matatamaan ang tyan ni Baek) tapos hinalikan ko sya ng malalim. Hindi naman bawal ang humalik,diba?

He responded to my kiss. Pinulupot nya ang braso nya sa leeg ko tapos sya pa yung lumalim sa halik.

humiwalay ako para huminga at ganun din ang ginawa nya. Pinatong ko ang noo ko sa noo nya tapos hinalikan ko ang ilong nya. "Hindi na 'to kagaya ng dati, Baekhyun. Aalagaan na kita. I'll be the best father of your two kids. I love you" bulong ko.

"I love you, too"

amoy suka pa sya. Ibig sabihin..

"Hindi ka nagtoothbrush?"

"Hindi pa.. hihi"

__

T B C

Berthdey pala ng doctor ni Baekhyun. Lagot ka baek! Di mo binati ><

okey medyo baduy. \(? _ ?)/

#HAPPYCHENDAY
#HAPPYBIRTHDAYCHEN

Why so cold, Daddy?  {MPREG} [ChanBaek]Where stories live. Discover now