SC#5 : (Part One)

2.7K 96 15
                                    

PLEASE READ MY NOTE AT THE END OF THIS SPECIAL CHAPTER.

***PLUG: The Player's Feelings
___

Third Person's POV

"Yeohyun!!!"

"........"

"Yeohyun, anaaaaakkk!!"

"Hmmm~ hmmm~"

"YEEOOOHHYYUUUNN!!!" sigaw ulit ni Baekhyun mula sa banyo ng kwarto nila ng asawa nya. Hindi sya naririnig ni Yeohyun kasi may headphone sya sa tenga nya.

"Uy, Yeo." Tinanggal ni Jesper ang headphone nito. Tumingin si Yeohyun ng masama sa kuya nya dahil sa ginawa nito. "Bakit ba? Nananahimik ako dito eh. Uutusan mo nanaman ba akong maghatid ng bulaklak kay ate Kim bukas? Oo na, alam ko na yung drill ko kaya iwan mo na---"

"YEEEOOHHYYUUN!!"

Nginisian naman sya ni Jesper at kinindatan. Yeohyun just rolled her eyes then went upstairs. Binuksan nya ang pintuan ng kwarto ng mga magulang nya at kumatok sa banyo doon.

"Ma, what's your problem?" tanong nito. "Saan tinago ng daddy mo yung damit ko? Naliligo lang ako dito kanina tas biglang nawala sa banyo yung mga susuotin ko," sabi ni Baekhyun sa anak nya. "Ma, I don't know where dad put your stuff. Hindi naman ako manghuhula—"

"Goodmorning.." Napatingin ang mag-ina sa taong pumasok sa kwarto. Si Chanyeol ito at may bitbit syang mga damit. "Daddy, kanina pa hinahanap ni mom yung mga damit nya. Saan nyo po ba tinago?" tanong ni Yeohyun sa tatay nya. "I didn't hide it. Ibinalik ko lang sa closet nya. I brought new clothes.." sambit nito sabay abot kay Baekhyun ng damit.

"Bakit mo naman binalik yung damit ko kanina? Para saan ito?" tanong nya habang nagbibihis sa loob ng banyo. "Uhm... Baekhyun, it's our anniversary today. I just want to go out with you for a couple of days." Lumabas si Baekhyun mula sa banyo at umupo sa tabi ng asawa nya. "Saan naman tayo pupunta? Pwede bang sumama sina Jesper saatin?" tanong ni Baekhyun. "No because this day is only for the two of us. Madali lang naman yun eh, ayaw mo ba?" Umupo naman si Yeohyun sa gitna ng mga magulang nya tapos yumakap sa braso ni Chanyeol. "Dad, okay lang naman kung iiwan nyo kami dito. Kuya and I can handle ourselves na. But if you and mom are leaving, can we invite our friends here for a sleepover?"

"Yeah, no problem. One thing, no boys in your room okay? Bawal naman ang mga babae kay kuya, remind him that." Tumango naman si Yeohyun tapos nagsabi ng isang mahinhin na 'thank you'. Pagkatapos nun bumaba na sya para sabihin ang lahat sa kuya nya. "Chanyeol, seryoso ka ba? Aalis tayo? Teka lang, maghahanda na 'ko," sabi nito at agad na tumayo pero hinila naman ni Chanyeol agad ang kamay nya. "Hinanda ko na ang lahat, Baek. Lahat ng gamit natin dinala ko na doon. Ang ihanda mo nalang ang sarili mo.."

"Ready na 'ko! Tara na, excited na 'ko," sabi nito at niyakap ng mahigpit si Chanyeol. Sabay silang bumaba papunta sa sala upang magpaalam sa mga anak nila. "Wag kayong magpapapasok ng kung sino-sino sa bahay natin. Ingatan nyo ang sarili nya ha.. Sige aalis na kami," pagpapaalam ni Baekhyun. Hinalikan naman sila ng mga anak nila bago sila umalis.

Sabay silang pumasok sa loob ng kotse ni Chanyeol. "Chanyeol, saan ba tayo pupunta? Sa motel ba?" tanong nya. "Basta... I know you will like it there," sagot nito tapos kinuha ang kamay ni Baekhyun upang halikan ito. Pinaandar na ni Chanyeol ang kotse nya at nagmaneho na papunta sa lugar kung saan sila magbabakasyon ng ilang araw.

"Ilang oras pa ba bago tayo makarating doon, daddy?" tanong ni Baekhyun. "Mga dalawang oras pa. Nakalimutan mo ba ang tungkol sa anniversary natin?" tanong sakanya ni Chanyeol. "Muntik na. Kung hindi mo pinaalala sakin, hindi ko maaalala."

Pinatong ni Chanyeol ang kamay nya sa hita ni Baekhyun. "Ikaw talaga. Dapat may parusa ka dahil dyan." sabi nito at minasahe ang hita ni Baekhyun. "Chanyeol naman, tumigil ka nga! Nakikiliti mo 'ko eh," sambit ni Baekhyun at tinabig ang kamay ni Chanyeol.

"Pero bibigay mo yun sakin 'pag dating natin doon ha.." Tumango si Baekhyun bilang sagot. Tinignan sya ng saglit ni Chanyeol at napansin nitong sumasara at bumubukas ang mga maliit na mata ni Baekhyun. "Baekhyun, mukhang inaantok ka. Matulog ka na muna, gigisingin nalang kita kapag nandoon na tayo."

At dahil antok na antok si Baekhyun dahil sa inuman nilang magkukumare kagabi, sinunod na nya kaagad ang utos ni Chanyeol na matulog muna sa biyahe.

***

AFTER 1 HOUR

Hininto ni Chanyeol ang kotse sa gilid ng kalsada dahil sa parang sira nito.

"Ano ba naman yan. Kung kailan isang oras nalang, tsaka pa kami nasiraan."

Nagising agad si Baekhyun sa boses ni Chanyeol at lumabas ito para samahan ang asawa nya sa labas. "Chanyeol, nandito na ba tayo? Bakit parang puro puno ang nakikita ko?" tanong nya habang pinagmanasdan ang paligid. "Wala pa tayo Baekhyun, pero isang oras nalang sana nandoon na tayo. Itetext ko nalang yung isa sa mga driver natin tapos magpapahatid ako ng taga-gawa ng kotse. Kaso maghihintay pa tayo ng matagal." Kinuha nya ang cellphone mula sa bulsa nya at nagsimulang magtext sa kanilang driver.

"It's okay, Chanyeol. May pwede pa naman tayong gawin dito eh. Teka." Pumunta si Baekhyun sa likod ng kotse at kinuha ang picnic blanket nila. Nilatag nya ito sa tabi ni Chanyeol tapos umupo sya dito.

Napangiti naman si Chanyeol sa ginawa ni Baekhyun tapos tumabi sya dito. "Magusap nalang tayo tungkol sa mga bagay na hindi pa natin pinagusapan noon. Magbibigay ako ng tanong tapos dapat honest ka. Pagkatapos, ikaw naman yung magtatanong. Ganun lang. Sige, sisimulan ko na. Anong naging reaksyon mo nung unang beses mo kong nakita?"

"Unang beses? Nandiri ako nun agad sayo. Hahah—aray"

"Gago, noong unang beses kitang nakita nagwapuhan ako sayo! Nagkunwari lang akong nandidiri. Sabi ko nga sa sarili ko kung hindi ko kasama noon si Sehun, papayag ako kaagad."

"Haha. Ako naman. Nagseselos ka ba noon sa tuwing magkasama kami ni Dara?"

"Oo naman. Wala na kasi akong Sehun noon tsaka crush na kita. Nagseselos ako tsaka nagagalit ako kasi may anak ka saakin pero sakanya ka dumidikit."

"Talaga? Sorry ulit."

"Ayos lang. Basta masaya ako ngayon kasi saakin ka na talaga." Ipinatong ni Baekhyun ang ulo nya sa kanang balikat ni Chanyeol. "Ako naman. Masaya ka ba noong unang beses mong nakita si Jesper? Kahit na mukhang galit ka saakin noon?"

"Sobrang saya ko noon, Baek, hindi mo lang alam. Naramdaman ko nun na madami na kong respobsibilidad. Sorry ulit kung grabe ang pagkagalit ko noon sayo."

"Ayos lang."

Puro tanungan lang ang ginawa ng mag-asawa habang naghihintay sa mag-aayos ng kotse nila.  Halos isang oras na ang lumipas nang dumating ang taga-ayos ng kotse nila. 30 minutes pa ulit ang hinintay nila para matapos ang sasakyan.

***

"Chanyeol, ang ganda dito. Ang presko ng simoy ng hangin."

"Sabi ko na nga ba magugustuhan mo dito," sabi ni Chanyeol at niyakap si Baekhyun mula sa likod habang nakatingin sa alon ng dagat.

SC TO BE CONTINUED

______

PLUG MUNA XD THE PLAYER'S FEELINGS. CHECK IT ON MY PROFILE, PROMISE I WONT DELETE IT!

Note: ANG THE CHANBAEK SECRET NAKA-DRAFT. Pagkatapos ng hiatus ko nakalimutan ko na kung ano yung ilalagay ko xD iisipin ko ulit. Pasensya na kung matagal akong hindi nagupdate. Sa palagay ko nga wala nang nagbabasa nito xD Pero okay lang. Hindi ko kayang gumawa ng drama na book TT^TT ang hina ko sa genre na yun. Sana po basahin nyo yung THE PLAYER'S FEELINGS. Itutuloy ko talaga yun kung may magbabasa ;--; hindi sya drama o kung ano mang nakakalungkot. Parehas lang sya nitong WSCD na sweet, nakakatawa at masarap basahin (kung oo man)

Yun lang naman po. Thanks for reading :*

Why so cold, Daddy?  {MPREG} [ChanBaek]Место, где живут истории. Откройте их для себя