SC#2 : That Christmas

4.1K 120 35
                                    


___

Chanyeol's POV

"Daddy, saan mo nilagay yung couple shirts natin? Yung binigay ni mrs. Park? Yun ang gusto kong isuot. Pwedeng pakiabot?" sabi ni Baekhyun mula sa loob ng banyo. "Sige, hahanapin ko. Sandali lang," sabi ko at nagpunta doon sa cabinet ng kwarto. Nakitang kong nakasampay iyon, kaya agad ko itong kinuha.

Alam kong hindi naglolock si Baekhyun ng banyo kaya binuksan ko ito kaagad. Pagkabukas na pagkabukas ko nito, agad na bumungad sa harap ko ang isang nakahubad na Baekhyun na naglalagay palang ng towel. Sanay na ako, pero hindi ko kayang hindi mamula sa nakikita ko. Ang ganda ng katawan nya. Napakaganda.

"Chanyeol, nakanganga ka dyan?" Agad akong bumalik sa sarili ko nung nagsalita sya. Lumabas sya doon sa bathtub tapos pumunta sa lababo. Ang tanging nakataplos lang sa katawan nya ay ang pambabang parte, kaya hindi ko parin mapigilan ang sarili kong tumitig sa mala-gatas nyang katawan. "Chanyeol, huy! Ano bang tinitignan mo? May dumi ba yung likod ka?" tanong nya.

Umiling ako tapos ngumiti. Pumunta ako sa likod nya tapos niyakap ko sya. Hinalikan ko din ng dalawang beses ang leeg nya. Natawa naman sya tapos kinurot nya ang pisngi ko. Pagkatapos nyang magsipilyo, dumiretso kami sa kwarto tapos nagbihis sya. Sinuot namin yung damit na may 'honey' at 'darling' (remember? ;>)

"Daddy, okay lang ba??" tanong nya tapos umikot sa harap ko. "Oo naman," sagot ko tapos hinila sya sa bewang nya. Ngayon, magkaharap kami sa isa't isa. Maghahalikan na sana kami nang biglang may kumatok sa pinto. Napabuntong hininga naman ako tapos pumunta sa pinto at binuksan ito. "Anong kailangan mo?" Agad kong tanong. Isang Jongdae ang nasa harap ko ngayon. "Tawag na kayo ng mama mo. Bumaba na daw kayo," sabi nito. Sabay kaming tatlong bumaba.

Pumunta kaming lahat sa sala kung saan nandoon lahat ng mga kaibigan namin. Binigay ni Luhan si Yeohyun kay Baekhyun tapos si Jesper naman umupo sa hita ko. Lahat kami nakaupo sa sahig.

"Sige. Kung may ibibigay kayong regalo sa mga kaibigan nyo ibigay nyo na," sabi ni mama.

Pumunta sa harap ko si Ate Yura tapos binigay nya sakin ang isang malaking kahon. Agad akong naexcite dahil sa laki nito kaya binuksan ko ito agad. "Aish! Anong klaseng regalo to?!" reklamo ko tapos tumingin sakanya. Sumandal sya sa balikat ko. "Yan ang tinatawag mong Yura collection. Lahat ng magaganda kong picture nilagay ko dyan para hindi mo ko makalimutan," sambit nya. Inikot ko nalang ang mata ko. Baka sa mga susunod na araw magkaroon na sya ng museum sa bahay namin.

"Oh, Jongdae, ano naman tong binigay mo sakin?" tanong ni Jongin habang nakatingin sa maliit na box na binigay sakanya ni Jongdae. "Edi buksan mo." Binuksan ni Jongin ang regalo sakanya. Bumusangot ito sa nakita nya. "Bibigyan mo talaga ako ng condom sa pasko? Para saan ko naman to gagamitin? Di na namin kailangan ng proteksyon kasi—" kinuha ni Kyungsoo yung supot ng condom mula sa asawa nya tapos pinagmasdan ito. "Babes, ako gagamit nito. Susubukan kong pumasok sayo. Gagamitin ko 'to para hindi ka mabuntis."

Lahat kami tumingin sakanya. "What? Susubukan lang naman diba? Kawawa naman yung manhole ko. Laging pinapasukan! Gusto ko sya naman yung makaramdam ng sakit na nararamdaman ko!" sabi nito. Tumingin sakanya si Luhan na parang nandidiri samantalang si Baekhyun naman ay parang nasusuka.

"Dad, what manhole? Is that where the poop comes out?" tanong ni Jesper. Tinignan sya ni Baekhyun ng masama. "And how do you use that condom? Do you poo in it?" tanong nya ulit. Napaface-palm si Luhan at Minseok dahil doon. Si mama naman binigyan si Kyungsoo ng shut-the-fck-up look.

"Shh.. Mag icecream nalang tayo okay? Eto oh, may cone pa," sabi ni Minseok at binigay kay Jesper yung icecream na hawak nya kanina na para kay Jongdae dapat. Napakibit balikat naman si Jesper tapos dinilaan nalang yung icecream.

"Luhan, may regalo ako sayo." Lumapit sakanya si Sehun. "Nasan Sehun?" tanong ni Luhan sakanya. Lumuhod si Sehun sa harap nya tapos kinuha nya ang kanang kamay ni Luhan. May kinuha sya sa bulsa nyang pulang box tapos binuksan nya ito sa harap ni Luhan. "Luhan, will you marry me?" tanong ni Sehun. Nagulat dito si Luhan kaya agad syang naiyak. "Sehun, I've been waiting for this to happen. Yes. Yes, I'll marry you." Sinuot ni Sehun ang singsing sa kamay ni Luhan tapos naghalikan sila.. kaagad..

Hinila ni Baekhyun ang kamay ko tapos niyakap nya ko habang tumitingin sa dalawa. "Minseok, pakasal na rin tayo?" tanong ni Jongdae tapos hinalikan sa noo si Minseok. Sinuntok naman sya nito ng mahina sa tiyan. "Date muna tayo, Okay?"

Kumain na kaming lahat sa hapagkainan ng mga luto ni Kyungsoo. Pagkatapos nun, nanonood kaming lahat ng Fifty Shades of Grey sa sala habang natutulog ang mga bata sa loob ng isang kwarto. Malapit na sana yung magandang part kaso biglang..

"Yixing, ah.. Ang sakit ng tyan ko!" agad kaming lumingon sa direksyon nila. Tumakbo si Yixing papunta kay Suho tapos binuhat nya ito papunta sa labas ng bahay. Agad kaming sumunod at pumunta sa mga kotse namin. Lahat kami kinakabahan sa mangyayari kay Suho.

Nandun sila Minseok at Baekhyun sa loob ng emergency room samantalang kami nila Jongin at Sehun naiwan sa labas. Pumasok si Jongdae at Luhan para tignan kung ano ang nangyari.

Naghintay kami doon ng ilang minuto tapos maya maya, isang umiiyak na Baekhyun ang lumabas. Tumakbo ako papunta sakanya tapos niyakap nya ako kaagad. Tinanong ko sya kung ano ang nangyari tapos ang sinagot nya ay, "Patay na yung anak nila Suho."

___

Third Person's POV

Limang araw na ang lumipas. Nalungkot ang lahat dahil sa nangyari pero mas lalong nagluksa sina Yixing at Suho.

"Suho, kumain ka na. Pumapayat ka na," sabi ni Luhan at tinapat sa bunganga ni Suho ang kutsarang may pagkain. "Luhan, ano kaya sana ang itsura nya? Babae kaya sya o lalaki?" lumuluhang tanong ni Suho. Pinunasan ni Baekhyun ang luha nya tapos tinabihan nya ito. "Sa tingin ko magiging gwapo o maganda yung anak mo. Wag ka nang malungkot kasi magkikita kayo ulit." sabi nito sakanya.

Habang pinapagaan nila Baekhyun, Luhan, Kyungsoo at Minseok ang pakiramdam ni Suho, ang mga iba naman ay sinasabayan si Yixing sa pag-inom ng alak.

___

"Hindi ko alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ni Suho, pero masaya ako't hindi nangyari yun saatin," malumanay na sambit ni Baekhyun habang pinagmamasdan ang mga bituin kasama ang asawa nya. "Oo nga. We're so lucky, Baekhyun. I'm so glad to have you, Jesper and Yeohyun in my life."

"Uuwi na tayo bukas, diba?" tanong nya. Tumango si Chanyeol. "Sana maging maayos na ang pakiramdam nila Suho at ni Yixing."

___

:(

Ang ewan nitong special chapter na to.

Why so cold, Daddy?  {MPREG} [ChanBaek]Where stories live. Discover now