Chapter 5: The Painful Truth

8.5K 182 1
                                    

"Honesty will always get you farther in life than lies ever could. A lie may open many doors but they will only be slammed in your face when the truth comes out"

***

Eiffel's PoV

"Eiffel!" Tawag sa akin ni Tita Sophie nang bumaba ako mula sa hagdan. Nakangiting lumapit ako at niyakap siya.

"Merry Christmas Tita, Tito" bati ko sa kanila.

"Merry Christmas too our dearest adorable princess" comment ni Tito Gene at napangiti na lang ako.

"Siyempre, sa akin yan pinaglihi ni Pauline eh! We bought you souvenirs from Paris dear" sabi ni Tita at binigay ang limang paper bags sa akin.

"Merci Beaucoup Tita" nakangiwing pasalamat ko, lumapit sa akin si Ate Ekay at kinuha ang mga iyon para dalhin sa kuwarto ko.

"Buti po at nakarating kayo," saad ko at napatingin sa bintana. Today is Christmas pero napakalakas ng ulan simula kagabi pa kaya akala ko ay hindi na sila matutuloy.

"Oo nga e, ang lakas kasi ng ulan sa labas" Tito Gene agreed.

Tita Sophie sadly looked at me and patted my head "Your Kuya Clyde wasn't able to come with us" pahayag niya and I shook my head.

"No, it's ok Tita, kuya Clyde is a college student now and for sure he will be spending the holiday with his group of friends" maunawaing saad ko, pilit na tinatago ang kalungkutan.

"Mama and Papa are inside their room and waiting for you, let's go?" aya ko at tumango naman sila.

"You just turned eleven last month right Eiffel?" tanong ni Tito Gene habang naglalakad kami.

"Yes Tito, but sadly hindi pa po ako tumatangkad" kwento ko at natawa sila.

"Wag kang magmamadali Eiffel, enjoyin mo ang kabataan mo"

"Everyone says that Tita, pero nakakapagod nang laging pagkamalang nine years old e" Hindi ko alam kung bakit but my height is not really appropriate for my age, nawawalan na nga ako ng pagasang tumangkad pa eh.

"That's ok, you act like thirty naman" biro ni Tita na nakapagpatawa sa akin.

Pagdating namin sa tapat ng kuwarto ay kumatok ako.

"Mama, Papa, andito na po sila Tita at Tito"

"Let them in anak" bilin ni Mama at binuksan ko ang pintuan.

Pumasok sila at binati sila Mama at Papa.

"Aalis muna po ako, I'll go get some refreshments" paalam ko. Papa smiled at me "Just let Manang Rosy do that Princess"

"Yes Papa" sagot ko at bahagyang yumukod saka umalis na ako para makapagusap sila.

Pagdating ko sa kusina ay umupo ako sa isang stool sa counter.

"Oh, Lady Eiffel. Bakit po kayo naririto?" tanong ni ate Ekay habang may dala dalang bowl.

"Hindi kasi pwedeng makinig sa usapan ng matatanda at tapos ko narin ang mga assignments ko. I'm bored" nakangusong sagot ko. All our servants are busy preparing for our Christmas Party for later. Every year, we spend this holiday with them for they are already a family to us.

"Hmmm, naku problema to, nabobored ang aming prinsesa" singit ni Manong Roberto habang umiinom ng tubig.

"Bumalik ka na nga sa pagbabantay ng gate Berto! Napakachismoso mo talaga!" sita ni Aleng Cora, isa sa mga kusenera namin.

Marry Me Kuya! (Book 1)Where stories live. Discover now