Chapter 39: Heartache

5.8K 142 28
                                    

"Sorry for caring, sorry for trying, sorry for all but most of it, I'm sorry I let you"

***

Eiffel's PoV

I walked and walked and unconsciously I arrived at our house, I stood there as I look at it.

There were so many memories I had with him in this house... The times we shared laughing, smiling and me loving him... For the seven months I lived with him he became my everything.

Tears started to stream down from my eyes again. I wish to go back in those moments... Even if they were all lies. Kahit magpakatanga ako ay ayos lang. Kahit hindi niya ako mahalin pabalik ay tatangapin ko at kahit na pilit niya akong ipagtabuyan ay lulunokin ko ang pride ko wag lang niya akong iwan...

This is our house... I am his wife and he is my husband... Bakit hindi nalang magstay ang lahat sa ganoong ayos?

B-Bakit..?

Tumalikod ako at naglakad na papalayo. I guess this would be the last time I'll be able to see this house. Everything happened inside it is now on the past... just old memories...

We are already at the point where there is no turning back anymore.

I don't have any reason to be here. It will only cause me more heartache staying in a place where all lies occurred.

"""""

Eiffel hired a cab and went back to her parent's house. When she arrived at the gate, she buzzed and the guard opened it for her.

"Lady Eiffel?! Bakit ganyan ang itsura niyo?" tanong nito but she didn't answer, no she couldn't answer. She almost lost her voice from whining and crying. She just stood there with her dead eyes. There're no more tears she can shed.

"Halikayo lady Eiffel naku basang basa kayo, Manang Rosy? Manang!" Sigaw nito habang inaakay siya papasok.

"Ano ba naman yang isinisigaw mo diyan Berto? Oo matanda na ako pero di pa naman ako bingi!" Pabalik na sigaw ng yaya Rosy niya.

"Manang! Si Lady Eiffel po andito! Basang basa. Naulanan!"

"Ano? Bakit andito ang alaga ko?" Mabilis itong lumapit sa kanya na may dalang twalya.

"Tawagin niyo si senyora Pauline! Madali!" Utos nito sa mga maids na agad namang sinunod at tinawagan sa Intercom ang mama niya.

"Anak, anong nangyari sa iyo at ganyan ang itsura mo? Bakit di ka nagsasalita?" Nagaalalang tanong ni Yaya Rosy.

Nang makapasok sila sa sala ay nakita niya na humahangos pababa ng hagdan ang Mommy niya "Eiffel?" Gulat na tanong ng Mommy niya.

Hindi niya napigilan ang sarili at agad tinakbo niya paakyat ang ina at hindi na hinayaan pang makababa.

Samantala ay litong lito naman si Pauline sa nangyayari sa kanyang anak. Basang basa at maga ang mga asul na mata nito.

"Manang, please prepare a warm bath for Eiffel." Utos niya kay manang Rosy habang inaakay niya ang anak papasok ng kanyang kwarto.

Nang makapasok sa kwarto ay ipinaupo niya si Eiffel sa kama at lumuhod sa harap niya. Hinawakan ang magkabilang pisngi at Pinagmasdan ang mukha ng anak niyang walang tigil ang pagbuhos ng mga luha sa kanyang mga mata.

Ngayon lamang nagpakita ng ganitong kahinaan ang anak niya kayat sobrang nagaalala siya sa maaaring mangyari dito.

"Anak, what happened? Why are you crying?" Sunod -sunod niyang tanong. Ngunit tuloy-tuloy pa rin itong lumuluha.

Marry Me Kuya! (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon