Chapter 31: Drunk Hubby

6.2K 168 7
                                    

"Do you ever wonder why love is like drinking beer? It's because once you have too much of it, you start to act stupid"

***

Clyde's PoV

Such a nice weather, maaliwalas ang asul na kalangitan, presko ang simoy ng hangin at sinabayan pa ng mga huni ng ibon. Nagbabasa ako ng report na inie-mail sa akin ng secretary ni Dad habang nakaupo sa coffee table namin sa garden.

The white roses we planted bloomed so beautiful, madaming mga paroparo ang nagliliparan.

Tahimik at ang sarap ng simoy ng hangin.

Usually ay very focus ako sa binabasa ko lalo na't tungkol ito sa records ng Fuentabella Group for the past ten years.

But right now...

I really can't focus at all.

Kanina pa pabalik-balik ang tingin ko sa kaliwang parte ng bahay namin.

Exactly at my wife's room...

It's been two days already nang magsimula siyang magkulong sa kuwarto niya. Lalabas lang siya kapag magluluto at kapag kailangan.

Minsan nga binibilisan niya ang pagkain at babalik agad sa kuwarto niya.

And now I am really curious kung ano ang pingakakaabalhan niya. I already asked her pero sabi niya ay wala lang.

Naiinis na napabuntong hininga nalang ako.

I'm starting to feel neglected and unloved by my wife.

Hugh... I'm becoming more dramatic when it comes to my wife.

Napatuwid ako ng upo ng lumabas ng bahay si Eiffel at lumapit sa akin.

Ayos na ayos siya at halata ang excitement sa mukha niya.

"Hubby, aalis muna ako ha?" masayang pagpapaalam niya.

Agad kumunot ang noo ko "Saan ka pupunta? Samahan na kita" at tumayo ako agad.

"W-Wag na! I can handle myself! Nakapagluto na ako, kumain ka nalang pag gutom ka na, sige see you later!" mabilis na sagot ni Eiffel at umalis na.

Naiwan akong nakatayo at hindi mapalagay.

Tuwing aalis siya ay ayos lang naman kung sasamahan ko siya minsan nga ay mas gusto pa niya iyon para magkapagbonding kaming dalawa pero ngayon ay siya mismo ang umayaw.

Eiffel has been acting so strange these past days, at ngayon lang niya ako tinangihan.

Hindi sa hindi ko siyaat pinagkakatiwalaan. It's just that masyado siyang nakakapagtaka ngayon.

Agad kong kinuha ang wallet ko at phone saka kinontact ang taong pinakakailangan ko ngayon.

''''

"Brad, akala ko ba napagusapan niyo na to ni Tita Sophie dati?" nakasibangot na tanong ni Willam sa akin.

Nakatago kami sa likod ng nakaparadang kotse at kanina pa minamanmanan ang target namin. Pareho kaming nakasuot ng mask, shades at sombrero. Kanina pa kami nakakatangap ng mga weird na tingin mula sa mga taong nakakakita sa amin but I didn't pay any attentions to them.

My only focus for now is my wife.

"Something is just not right Willam, and I have to know it" sagot ko lamang at lumipat sa kasunod na kotse.

Aliw na aliw sa paglalakad si Eiffel at walang kaalam alam na kanina pa namin siya sinusundan.

"Look brad, your intuition is not always exact, maybe you're just being paranoid like what you always are" Tugon ni willam na nakasunod sa akin.

Marry Me Kuya! (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon