Chapter 2

1.1K 43 8
                                    

"Excuse me?" Sabi ko dun sa lalaki na nakatalikod.

Hindi siya tumitingin tapos nakatalikod pa siya. Hindi ko naman matignan kasi hanggang balikat niya lang ako. 

"Excuse me? Binabasa mo ba text messages ko?" 

"Oo, masama ba?" Nakatalikod pa rin siya pero halata kong nagpipigil siya ng tawa. Malamang masama! Message ko ito. Sa akin lang. Anong karapatan niya?

Hahawakan ko na sana siya ng biglang bumukas yung elevator sa 19th floor tapos umalis na siya.

"Manong nakita mo ba yun?"

"Oo Ma'am. Narinig ko pa nga eh."

"Kilala mo ba yun?"

"Ahh.. uhm..." 

Bumukas na yung elevator. Gahd. Nabitin ako sa sagot ni Manong.

"Sige manong, 'wag na lang. Baba na po ako."

Pasalamat yung kumaloids na yun at di ko nakita mukha niya ah? Hindi niya ata ako kilala? Sekretarya lang naman ako ng boss ng kompanyang ito. Ako ang kaliwang kamay. Mwahahahahaha! Saka teka paano niya nabasa yung text message ko kung nakatalikod siya sa akin? Nilingon niya talaga? The hell with that guy.

Huwag na nga pag-aksayahan ng panahon yun, hindi ako yayaman sa kanya.

***

Nakakapagod itong araw na ito tapos kasi ang daming meeting ni Sir sa clients namin at hindi pa kami magkikita ni Philip. Wala akong energy. Huhuhu. Sana magparamdam siya whatsoever.

1 message received.

From: Aa.sweetheart

Babe, room 1103. Dusit Hotel. 9PM. Don't be late.

 


Ha? Ano itong text ni Philip? Babe? Yay! Baka may surprise siya sa akin. Oh my! Nakakakilig. 

Baka magpropose na siya mamaya? Oh shocks. Wait, time check. 6:30 PM. Hala! Onting oras na lang ang preparation ko. I need to go home.

***

Nakakairita! 8:50 na at ang layo ko pa sa Dusit Hotel. Bwisit naman kasi bakit parang ngayon ata naisipan ng mga taong magsilabas? 

Tuesday night ngayon people! Bumalik kayo sa mga lungga niyo. Ugh. Ugh. Ugh. Ang tagal tagal ng usad ng pesteng traffic na yan! 

After ten years sabay ng paglabas ng iPhone 12, sa wakas nakarating na rin ako! May nagbanggaan na dalawang sasakyan sa isang kanto tapos sa isa pang kanto eh dalawang motor plus isang kotse. Bakit uso tanga ngayong Tuesday?

Time check: 9:30 PM. 30 minutes late na ako!

Outfit: check. Suot ko ngayon yung gift sa akin ni Philip na blouse. Actually sheer top siya so I have to wear a tube inside. Makikita ang kaluluwa ko kapag bra lang. Hihi.

Make-up: check. Nag-retouch na rin ako sa washroom bago umakyat. Nilagyan ko siyempre ng bloody red lipstick ang aking lips. Oooooh!

Glasses: check. Yeah, right. Hindi ko nabanggit na naka-glasses ako. Does it matter? I can't wear contacs, masakit sa eyes. Mas okay na ako sa glasses kesa magtiis ganda sa contacts.

Hair: check. Naka-half pony ako. Mas okay na nakalaglag ang wavy hair ko kesa nakapusod. 

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Habang papalapit ako sa hotel room ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ano ito? Simple dinner? Proposal? What? Never pa nag-aya si Philip ng ganito so I think this is a very special one.

I'm already 26 years old and I think pwedeng pwede na ako magpakasal. Okay lang naman siguro sa family ko na magpakasal na ako, right? May katuwang na ako sa buhay at sa pag-aaral ng mga kapatid ko. Oh my! I get so excited just by imagining it, what more kung ito na talaga? 

Nakakatatlong press na ako sa doorbell nitong hotel room. Ano ba yan Philip! Huwag mo nga akong pinapa-excite. Gosh! Gusto kong himatayin sa sobrang kilig. 

Ano kayang gaga--

"What do you need?! Istorbo ka sa amin!" Biglang bukas ni Philip na halatang galit na galit at nagulat ako sa kanya.

"Ca-ca-candice? Wh-what are you doing here?" Mas nagulat ako dahil nakasuot lang siya ng tuwalya sa lower part ng body niya. 

"Babe? Babe, sino yung nag-doorbell?" 

Pinaka-nagulat ako sa pangatlong realization ko. May babae sa loob ng hotel room niya, naka-bathrobe lang ito at halatang kaka-shower lang at tinawag siyang Babe. BABE?!

---------------------------------------------------------------------------------------------

Guys may realizations din ako sa buhay. HINDI PALA AKO MARUNONG MAG ON-GOING. HAHAHAHAHA. 'DI KO ATA KAKAYANIN! BWAHAHAHA! NAKAKALOKEY! :)) At leche, one page lang update ko? Hahahahaha! Tapusin ko na nga 'to!

My Childish Bucket List [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon