Chapter 3

1.1K 57 12
                                    

BABE?! BABE?! 

"Babe? I was not informed na baboy ka na pala."

"Sweetheart, it's not what you think."

"Ay, sorry... Mali ba yung nasa isip ko? Ito na ba yung bagong concept ng dinner meeting? Parang type ko na rin makipag-dinner meeting lalo na sa big-shot clients namin." 

Grabe! Gusto ko na siya hambalusin! Ako pa ginawang tanga sa amin? Haller! Summa cum laude ako. You don't mess with me!

"Babe, who's that ba?" Tapos sumilip na rin sa amin yung babae. Conyo conyo pa 'to! Conyatan ko kaya 'to?

"Oh my God!" Nagulat siya. Dapat lang, nasa harap mo ngayon ang girlfriend niyang kalandian mo.

"Is that your sister? Or tita? OMG. Nakakahiya yung suot ko. Sorry po, Ate."

Napakurap ako. Dapat ata ako yung magulat dahil sa naging reaction niya. What? Ako ay napagkamalang ate ni Philip? Worse, tita! 

"Excuse me, Dear hindi niya ako ate or tita."

"So, sino ka?" Tapos tumingin siya bigla kay Philip. "Don't tell me teacher mo 'to?"

"Sino ako? Girlfriend niya. Actually office girl ako pero para sa inyong dalawa pwede akong maging teacher kasi tuturuan ko kayo ng leksyon!" Pagkasabi ko nun hinila ko yung buhok nung babae.

"Walangya ka! Maharot ka!" 

"Let me go, you bitch! Oh God! Philip help me!" Akmang lalapit na si Philip ng tinignan ko siya ng masama.

"Sige, tulungan mo ''tong babaeng 'to! Tutulungan din kita mapalapit sa hukay mo!"

Nagsisilabasan na yung ibang guests sa mga hotel rooms nila pero wala akong pake lalo kong sinabunutan yung babae. Inalis ko rin yung bathrobe niya. Aba! Naka-lacy pa siyang lingerie at Victoria's Secret pa! Malandi talaga.

"Candice tumigil ka na! Nakakahiya ka na." Hinila ako ni Philip kaya nabitawan ko yung babaeng malandi. Tinignan ko siya.

"Nakakahiya? Sino? Ako? Ako pa ba dapat mahiya? 'Di ba dapat ikaw kasi niloloko mo ako? Ang kapal ng mukha niyong dalawa at pinapunta niyo pa ako. Ano? Para ipamukha sa akin yang mga panloloko niyo?!"

"Okay, fine. Sorry wrong sent yun. I didn't mean it."

"So nagso-sorry ka kasi wrong sent?! Pero hindi ka nagso-sorry sa panloloko mo?"

"Look, Candice let me tell you this. Nakakasawa yung relasyon natin kasi puro na lang mga kapatid mo at nanay mo ang first priority mo tapos yung pananamit mo pa pang-matanda. Parang nakakahiya kang isama sa mga parties kasi hindi ka marunong mag-ayos, yan..." sabay turo niya sa suot ko "...yang regalo ko na lang suot mo lagi kapag may special ocassion. Wala na bang iba? Maganda ka naman eh pero ang boring mo and wala kang sex appeal."

"Heh." Napatingin ako bigla kay babaeng malandi, nag-smirk siya. Napatingin ako sa buong paligid ko, nakikita ko yung mga tingin ng tao. They are waiting for my response. They are judging me, I know. I can feel it.

Tinignan ko na rin sa wakas si Philip at napangiti ako.

"AWW! SHIT! FUCK! What the hell Candice?!" Lumapad lalo yung ngiti ko. Yes, I kicked him where it hurts the most.

Tinignan ko ulit yung mga tao at si Babaeng Malandi lahat sila nagulat sa ginawa ko.

"Ay bakit masakit ba? Okay lang yan quits na tayo," medyo nanginginig yung boses ko at nangingilid na ang mga luha ko. "Akala ko iba ka sa mga ex ko pero ganyan ka rin pala. Akala ko naiintindihan mo sitwasyon ko pero parehas ka rin ng iba. Gwapo ka naman eh pero makitid nga lang utak mo. At hanggang ngayon hindi ko alam bakit minahal kita ko ang isang bobo na katulad mo."

After that tumalikod na ako at naglakad papuntang elevator.

"One more thing, itong damit na regalo mo? Madalas ko lang isuot kasi bigay mo pero believe me, napipilitan lang ako. Magkano 'to? P1295? Cheap." Pagkasabi ko nun hinubad ko yung top at hinagis sa kanya. "Kayang kaya ko bumili ng mas magaganda at mas marami diyan."

Nakatitig lang siya sa akin. Well, actually sa boobs ko. Okay, I forgot na naka-tube na lang ako. Nakalimutan ko na bukod sa matalino ako may isa pa akong asset, yun ay yung hinaharap ko

"Titingin-tingin ka ngayon dyan? Nalalakihan ka? Well, sorry na lang sa'yo dahil yang babae na yan ang pinili mo na pang-baby ang size." Sabay turo sa ga-kulangot na boobs ni Babaeng Malandi. Hmp!

Pagkasabi ko n'un saktong bumukas yung elevator. Goodbye Philip, so long bastard! Narinig ko pang naghiwayan at nagpalakpakan mga tao. Feeling ko nanalo ako sa presidential election dahil sa mga reaction ng mga tao.  

***

Pagkababang-pagkababa ng elevator sa basement tumakbo agad ako. At lamig sobra sa loob, naka-tube na lang kasi ako. Binuksan ko agad yung kotse ko then kinuha yung cardigan ko. Hindi ko namalayan na umiiiyak na pala ako.

Bakit? Bakit ko kailangan danasin mga ganito? As far as I know, hindi naman masama na suportahan ang pamilya 'di ba? That should be a turn on to an opposite sex because it shows that you're a responsible being and capable of having a family. 

Napaka-bullshit naman na dahilan na boring ako at dahil sa pananamit ko. I can be spontaneous if I want to and kapag yung kasama ko eh spontaneous din pero sa dalawang taon na relasyon namin ni Philip wala eh. Walang nangyari. Paano ako magiging spontaneous kung siya mismo eh boring? To hell with him, corny kaya siya! Pilit na pilit nga yung mga tawa ko sa jokes niya. Neknek niya. HIndi siya kalbo kaya 'wag siyang magpatawa. On the serious note, hindi ako boring talaga. Sadyang wala lang kaming mapag-usapan ni Philip kasi magkaiba kami ng hilig and come to think of it, I can't be myself whenever I'm with him.

Oh tapos ito na naman? Ano ba talagang problema sa pananamit ko? Okay fine lahat ata pinoproblema pananamit ko pero all along I thought okay lang sa kanya. Duh! Niligwan niya ako na ganun na manamit so I expect na tanggap niya. Wala siyang sinabi. Leche siya. Akala niya wow siya manamit? Mukha siyang model! Model ng bagoong! 

Hayy, okay. Sour-graping at pagiging bitter na ang inaakto ko pero kasi naman 'di ba? Nakakainis. Ewan ko. Ayoko na. I therefore conclude na lahat ng EX ko ay walang kwenta. Wala silang kwenta. Mahal pa rin ako ni Lord kasi iniwas niya ako sa mga kampon ng kadiliman.

***

"Salamat Vicky. Sure, okay lang." I just spoke to Victoria. Hindi siya pwede tonight dahil may date raw siya. Kainis. Tuesday na Tuesday nakikipag-date si Victoria. Oh well, Tuesday na Tuesday din dumi-dinner meeting ex ko sa hotel eh. Pwe. Kasuka. Sana magka-STD siya. Hihi.

Well I guess ako lang mag-isa iinom ngayon sa bar. Nakakalungkot na wala si Victoria. Ito lang talaga ang panget kapag walang kaibigan, wala kang matakbuhan sa oras ng pangangailangan. Wala naman akong maka-vibes sa office kasi feeling ko judged na ako bago pa nila ako makilala ng lubusan tapos si Vicky lang talaga yung mukhang katiwa-tiwala sa office.

Isa lang yan sa mga rason kung bakit si Vicky lang friend ko sa office. Ang main reason talaga eh super strict and poker face raw ako sa office. Parang si Sandra Bullock daw sa The Proposal, ang pagkakaiba nga lang fashionista siya at ako pang-pasyon ang suot. Mehehehe.

On the brighter side, okay lang din na onti lang ang friends kasi less ang gastos at more time sa pamilya. Reasons. Wala lang talaga akong naging super friends kasi bata pa lang, babad na sa trabaho.

"One more mojito please."

***

2 AM na at pauwi pa lang ako. At may pasok pa later. Kaloka! 

*Dug!*

Ano yung tunog na yun? Tinamaan ata ako ng mga ininom ko. Saan nga ba ako naka-park? Teka nga...

"Gulpihin nyo yang hayop na yan!"

Hala? May gulpihan na nagaganap?

My Childish Bucket List [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon