Chapter 7

832 54 36
                                    

EPAL MODE: Hi. So after how many months nai-type ko na rin ito. Sobrang tamad ko lang talaga these past few weeks? :))) Tapos ko na itong story the moment na sinulat ko ang prologue pero sadyang nakakatamad lang talaga sa fingers i-type. Mag-imbento na ako ng voice prompt lappy para salita lang ako ng salita. Hihihi.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Kasalukuyan akong nasa mall ngayon kasama si Candy para bumili ng undergarments para kung sakaling masilipan ako ulit, maganda na yung makikita nila. So may balak pala ako magpasilip ulit? My gosh! 

Anyway, kapag naiisip ko talaga yung nangyari sa bar, naiinis ako pero mas nahihiya ako. Bakit pa ba kasi ako nagpa-cute sa random guy na yun? Sana hindi ko na siya makita ulit. 

"Ate, anong brand yung gusto mo?" Tanong ni Candy habang tumitingin tingin sa mga damit. Wala ako sa mood dahil may kuliti ako. Siguro kakatitig ko sa hinaharap ko n'ung gabing yun, tinubuan ako ng kuliti at hindi pa rin naaalis.

"Hindi ko alam eh, basta yung mukha namang disente kahit hanginin."

"Victoria's Secret?"

"Ha? Ayoko n'un kasi yun yung suot ng babae ni Phillip saka meron ba n'un dito sa mall na ito?"

"Wala."

"Oh wow! Bakit sinuggest mo pa?"

"Wala lang, gusto lang kitang asarin. Hahahaha! Mukhang effective."

"Ayos ka rin 'no? Bored ka? D'un na lang tayo sa Bench para makabili ako ng mga suot ni Lovi Poe."

Naglalakad na kami ng makaramdam ako ng sakit. 

"Candy..."

"Bakit Ate?"

"Huwag na tayo tumuloy."

"Bakit naman? Andito na tayo, aatras pa ba tayo?"

"Hindi ko na kaya, hanggang dito na lang ako."

"Bakit Ate? Huwag kang susuko! Ang layo na ng narating natin, ngayon ka pa magkakaganyan? Ang dami mo ng effort na ginawa. Ate, huwag kang ganyan! Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil may isang random guy na sinabing panget ang bra mo"

"Candy, huwag OA. Pwede? Please? Natatae kasi ako. Palabas na, 'di na kaya ng muscles ng pwet ko."

"Ah 'kay! Antayin na lang kita sa labas ng cr. Kadiri ka po Ate."

Siguro thirty minutes akong nakikipaglamay sa inidoro pero walang lumalabas kaya naghugas na lang ako at lumabas na ng cr.

"Uy, wala namang lumalabas baka false alarm."

"Baka namamahay ka Ate?"

"Pwede baka shy type yung ano ko---" Natigil ako sa pagsasalita dahil may nakita akong di kaaya-aya. Sino pa bang hindi kaaya-aya sa storya ko na ito? Malamang eh 'di...

Si Phillip.  At kasama niya yung babae niyang inariba ko sa hotel. Sa lahat ng lugar na pwede ko silang makita bakit sa mall pa? Pwede naman sa eskinita para magawan ko ng masama. 

"Ate, nakikita mo ba yung nakikita ko?"

"Oo! Kitang-kita ng apat kong mata. Nakakainit ng ulo! Halika, puntahan natin." At hinila ko si Candy papunta sa Department Store kung nasaan pumasok yung damuhong kong ex.

Mabilis kong tinahak yung daan nang biglang tumigil si Candy.

"Saan ka punta Ate?" 

"Eh 'di kay Phillip! Ano ka naman?"

My Childish Bucket List [On-going]Where stories live. Discover now