Chapter 9

1K 64 44
                                    

Nakakainis na nakakairita na nakakaewan ang feeling ko today. Kasi naman, dalawang linggo na lang at mag-birthday na ako eh kapag nag-birthday ako ibig sabihin tapos na yung deadline ko sa bucket list ko. 

Bakit ko ba kinokomplika ang buhay ko? Bakit mananalo ba ako ng house and lot kapag natapos ko ang bucket list ko? Sobrang arte ko lang, pwede ba?

"Candice, hindi mo pa nagagalaw yung lunch mo, may problema ka ba?" Tanong ni Victoria na nagpabalik ng ulirat ko. Napabuntong-hininga ako.

"Oh bakit? May problema ba sa pamilya mo?"

Umiling ako, "Vicky, gusto ko kasi mag-artista," tapos malamang batok yung natanggap ko.

"Yun talaga problema mo?" Tumango lang ako.

"Yun talaga? Wala na bang mas lalala d'yan? Tinalo pa kasi ng problema mo yung problema ng Pilipinas eh. Very good ka talaga, 'Teh!" Tinignan ko lang siya, yung tingin na bored.

"Oh tapos ka na? Tapos ka nang mambasag ng trip? Eh sa yun nga yung problema ko, may magagawa ka ba? God's will ito!" 

"Oh 'eh di sige, andoon na tayo sa first world problems mo, bakit gusto mong mag-artista? Kulang na ba ang sweldo mo para sa family mo?"

"Hindi yun pero kasi ganito yun," so kinuwento ko kay Vicky yung mga kagagahan ko a.k.a bucket list at na-gets naman niya agad.

"Bakit ba kasi ganyan yang listahan mo? May pasigaw-sigaw pa sa simbahan yung peg mo! Oh paano yan? Sana naman may makuha ng raket yung gf ng kapatid mo para happy-happy na!"

At parang isang magic, nag-vibrate ang cellphone ko. 

From: Caleb

Te Candz, may nakuha na raw si Mimi. Usap daw kayo later sa bahay pagkauwi mo.

"Vicky, ito na ang katuparan ng aking mga pangarap," sabi ko pagka-reply na pagka-reply ko kay Caleb.

"Push mo yan! Support kita"

Matapos namin kumain ng lunch ay hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Gustung-gusto ko na umuwi pero siyempre bawal pa.

Malapit na ang uwian nang biglang nag-intercom si Mr. Smith, ang aking dakilang boss, at pinapapunta ako d'un immediately.

Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang mga kung ano-anong papeles na nakahatag sa mesa niya. 

"Candice, I called you here to tell you that I'll be gone for a week. I'll be very busy so lahat ng appointment ko for the coming week, kindly move it. Okay?"

"Okay po, Sir. No problem po."

Saan kaya punta ni Sir? This is the first time na hindi niya sasabihin saan ang punta niya. Mukhang top secret ito, 'di kaya drug lord si Sir at may shipment sa pier at maraming sindikato ang involve?

Natapilok ako sa swivel chair ko kakaisip sa mga pwedeng bad side ni Sir. Ang lakas lang ng imagination ko. Kapag hindi sinabi durugista agad? Hahaha. Muntanga lang yung imagination ko.

"Psst, bakit ka tulala? Nakita kong bumaba sa elevator yung kaluluwa mo sa sobrang tulala mo," biglang pasok ni Vicky sa office namin at may dala pang kape.

"Talaga? Binati ka? Corny mo, wala nag-iimagine lang ako ng mga bagay-bagay."

"Wushuuu, nae-excite ka 'no? Balitaan mo ako ah?" 

Tumango lang ako kay Vicky habang unti-unti kong inaayos mga gamit ko para madali na lang sa uwian.

Pagpatak pa lang ng five o'clock ay bumaba na ako sa basement para umuwi. Nae-excite na ako sa pag-uusap namin nila Mimi mamaya. 

My Childish Bucket List [On-going]Where stories live. Discover now