Chapter 5

1.1K 57 15
                                    

"Ang sarap Maaaaa! The best talaga ang kaldereta mo ever!"

"Tayong dalawa na lang andito Candice anak, 'wag mo ng bolahin si mama mo."

"Ehhhh! Ma naman eh. Hindi kaya kita binobola. Ano ka kulangot para bolahin?"

"Ikaw talaga! Manang mana sa ama mo." Tapos kiniliti niya ako. "Nasasabi mo lang yan kasi baka hindi masarap ang pagkain sa office niyo."

Napaisip ako. Tama nga si mama parang paulit-ulit na lang kasi pagkain sa office, isama mo pa na madalas walang lasa.

Office?

Office?

Office?

"Ma! Nakalimutan ko magsabi sa office na hindi ako makakapasok!" Tumakbo ako sa kwarto para hagilapin yung cellphone ko. Patay ako niyan! Baka tumawag na ng tumawag si Sir sa akin. Nawalan na nga ng boyfriend, 'wag naman sumunod yung trabaho ko. 

Hinanap ko sa bag, wala. Lumabas ako sa garahe kasi baka nasa sasakyan, negative. Binuksan ko lahat ng drawers baka naitago ko dun, waley.

"Maaaa! Kinuha na lahat sa akin! Maaaaaaa!" Para akong bata rito na nagta-tantrums. Nakasalampak ako sa sahig. Nakakainis!

"Ano iyon anak?"

"Ma, yung cellphone ko wala. Nawawala. Iniwan na nga ako ni Philip pati ba naman yung cellphone ko?"

"Baka naiwan mo lang somewhere? Yuck nag-english daw ako? Hahaha. Sorry nak, di bagay sa akin." Naloka ako kay mama. Nakuha pang mag-joke. 

"Sorry na nak, di ko na uulitin. Ganito, isipin mo mabuti kung saan mo pwede naiwan o nahulog yun. Kung saan ka ba nagpunta bukod sa office." Saan nga ba? Office? Andoon pa yun, natanggap ko nga yung text ni kumaloids eh! 

Hotel? Hindi natawagan ko pa si Victoria para mag-inom sa bar pagkatapos kong gumawa ng eksena.

Bar?

Bar?

Bar?

"Ma! Sa bar! Baka sa bar ko naiwan!"

"Ay, wala na yun tiyak!"

"Hala Ma! Paano na kaya yun? Andoon pa naman lahat ng contacts ko."

"Subukan mo pa rin balikan sa bar baka naman may nagmagandang loob na nakakita at iniwan." Dali-dali akong naligo at nagbihis tapos nagpunta na ako sa bar.

***

"Ma'am sorry po. Tinawagan ko na po yung guard na duty kagabi rito pero wala raw pong nag-iwan ng kahit ano po sa office namin." 

"Salamat kuya and sorry po sa abala." Bagsak ang mga balikat habang pabalik sa kotse. Walang nagbalik ng cellphone ko. 

Buong araw tulala ako. Ito ang masasabi kong two in a row. Una boyfriend tapos ngayon cellphone. Baka isipin ng iba ang OA ko pero sa isang sekretarya na katulad ko, kalahati na ng buhay ko ang cellphone. Andoon lahat ng contacts ko pati ng clients ni sir.

***

"Ate, bakit ka malungkot diyan?" Sabi ni Candy pagkapasok niya ng bahay. Weekend ngayon at kasalukuyan akong nagmumukmok. NA NAMAN.

"Nawala cellphone ko eh."

"Eh di bili na lang ikaw ng bago."

"May mga mahalaga kasi doon kaya nanghihinayang ako."

"Isipin mo na lang ate na mas maganda na nawala yun para nawala na rin contact mo kay Philip, 'di ba? Saka para hindi ka na mag-emo diyan habang tinitignan sweet messages niya dati pati pictures niyo."

My Childish Bucket List [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon