Chapter 4

1.1K 51 21
                                    

Tekaaa! Bakit dun sila naggugulpihan sa harap ng kotse ko?! Grupo ito ng mga kabataang lalaki na mababa ang mga pants. Wow. Idol si Justin Bieber.

"Hoy mga kolokoy! Tumabi nga kayo."

"Oh bakit? Sino ka para makialam? Superhero ka 'te?" Sabi nung isang panget na hipster na swagger na mukhang hindi naliligo na lalaki.

Aba, aba. Edukado akong tao pero may mga panahon talaga na kailangan mong umakto na parang taga-kanto para may paglagyan 'tong mga ganitong tao. Ngayon lang 'to, nakainom naman ako at heartbroken so valid ang reason ko.  

"Mukha ba akong may costume na suot para maging superhero? Pake mo kung nangengealam ako?"

"Aba, mga dre sumasagot si Ma'am oh?!" Yun na. Yun ang cue word. MA'AM. This means WAR.

"Ma'am? Joke yun? Tatawa na ako?" Naiinis na ako. Sensitive ako ngayon lalo na sa MA'AM na yan. Naaalala ko na naman yung malandi babae na naka-lacy na Victoria's Secret na lingerie.

"Hindi umiyak ka Ma'am." Inulit mo pa ah. Sinusubukan talaga ako ng gangster gone wrong na 'to.

"Ang corny mo, pwede ba? Can you die like now na?" Sabi ko pero medyo yung dugo ko nasa leeg ko na papaakyat na sa ulo ko. Isa pang banat tapos aalis na ako. "Hoy! Kayong mga kabataan na hindi alam ang salitang belt kung gagawa kayo ng gulo 'wag yung sa nakikita ng maraming tao para hindi kayo nakakaabala."

"Pinag-aaral kayo ng mga magulang niyo pero puro kayo bulakbol. Pati pagsusuot ng belt nakalimutan niyo na." Shet! Wait! Dapat sinasabi ko lang sa utak ko yung mga huli kong sinabi. Nasabi ko pala!

"Ayos ka ah! Dami mong alam! Kung sampolan ka kaya namin?" Tapos bigla na lang sila nag-form na parang Voltes V. Siyempre ano pa bang gagawin ko? Tumakbo na ako!

"Waaa! Tulong! Tulong!"

"Hoy bumalik ka ditong babae ka!"

"Ayoko nga! Ano ako shabu girl?" Maabutan na ako ng sakto nakita kami ng bouncer ng bar.

"Ma'am, may problema po ba?"

"Kuya bouncer, itong mga batang 'to gusto akong saktan. May ginugulpi ata sila sa harap ng sasakyan ko eh siyempre concerned citizen lang naman ako, pinaalis ko sila ng maayos tapos ganito?"

"Hoy! Anong maayos pinagsasabi mo?!" Akmang sasaktan ako nung parang leader nila na gangster wanna be pero siyempre matalino ako so...

"Kuya oh? Tulungan niyo ako." Pagmamakaawa ko dun sa bouncer. Basag na nga puso ko, papayagan ko pa ba pati mukha ko?

Ayoko na i-elaborate ang mga kagagahan ko ng gabing yun. Basta may dumating na mga pulis at hinuli yung mga swagger-gangster-wanna-be na kiddos tapos may dumating pang ambulance. Seryoso? May ganung effect? Hostage taking ang ganap? 

Hindi na ako nakiusisa kasi masakit na ang ulo ko at yung I know, yung heart ko. Heartbroken nga 'di ba? So umalis na ako sa scene of the crime. Chos. Umalis na ako dun sa bar.

***

"Anak, inumaga ka na ata?" Nagkakamot pa naman ako ng likod ng biglang magsalita si mama sa likod ko. Napadiin pa ata yung kuko ko sa likod. Masakit!

"Ma namaaan! 'Wag ganun. Nakakagulat eh."

"Anong nangyari? May dinner meeting ka bang inattendan?" CUE WORDS. DINNER MEETING. Seryoso? Kailangan ulit-ulitin sa ulo ko ang karumal-dumal na trahedya kanina sa hotel?

My Childish Bucket List [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon