Chapter 10

447 24 16
                                    

"Omigosh! Omigosh!" Sigaw ko sa kotse habang pinapaypayan ang sarili ko.

"Ano ba kasing nangyari, Ate?" Tanong ni Calvin habang dahan-dahang bumabagal yung takbo ng sasakyan namin.

"Ewan ko dyan kay Ate Candice, Kuya. Masyadong OA, maling kasal lang naman yung napagsigawan niya," sagot ni Candice na parang maliit na bagay lang yung ginawa ko.

"Eh mali lang pala eh, anong proble-," tinitigan ko siya na parang siya na yung pinakatangang tao na nakilala ko.

"Ate! Anong ginawa mo? Sabi ko na nga ba kalokohan lang 'tong mga pinaggagagawa mo tapos kinonsinte ka pa namin nila Mama."

"Hindi ko naman sinasadya eh, sorry na."

"Huwag ka sa'kin mag-sorry, d'un sa dapat ikakasal. Sinira mo yung buhay." Lumupaypay na lang yung balikat ko sa sobrang disappointment, ayoko na ngang bumalik d'un e. Hindi naman makukuha ng isang sorry lang yung kagagahan na ginawa ko.

"Oh sige, babalik tayo para humingi ng sorry pero ikaw na humingi ng dispensa d'un kila Direk saka d'un sa bakla kong make-up artist. Okay lang ba?" Nakita ko yung paglaki ng mata ng kapatid ko dahil sa huli kong sinabi.

"Si...sigu...siguro mapapatawad ka naman nila kasi nga ang Diyos marunong magpatawad, kung talagang para sila sa isa't-isa kahit anong tigil ng kasal nila magkakatuluyan sila. 'Di ba, Ate?" Ha! Gumana yung plano ko.

"Kuya Calvin, takot ka po ba sa baklang make-up artist ni Ate?" Gusto ko na talagang tumawa ng malakas, napaka-taklesa nitong ni Candy.

"Hindi ah, ang sinasabi ko lang mahal na ang gasolina ngayon kaya dapat magtipid na tayo. Umuwi na tayo."





Umuwi na kami sa bahay at nagtext na lang ako kila Caleb na sila na lang mag-isip ni Mimi ng rason bakit nawala ako. Nag-sorry na rin ako kay Vicky dahil iniwan ko siya sa hotel.

Pagkauwi namin ay naabutan naming tulala at mukhang balisa si Mama pero baka namalik-mata lang ako kasi nakangiti naman siya n'ung tumingin ako ulit. Kinuwento ko na rin kay Mama lahat ng nangyari at mukhang hindi siya galit dahil tumawa pa.

"Huwag mo ng masyadong isipin yun anak, baka blessing in disguise ka pa nga n'ung dalawa. Malay mo hindi talaga sila ang para sa isa't-isa, ginawa ka lang instrumento ng Panginoon," ngumiti na lang ako kay Mama bilang sagot, baka nga tama siya.







Inubos ko na lang ang oras ko sa pagtitinda ng sigarilyo at candy sa daan at naging takatak girl na lang, charot lang siyempre, inubos ko na lang ang oras ko sa pagmo-movie marathon habang kumakain ng mga pinaka-healthy na pagkain: junk foods, popcorn, ice cream, at malamig na malamig na coke, hanggang sa 'di ko namalayan Lunes na pala.


Pagkarating ko sa office medyo aligaga lahat ng tao. Nakasalubong ko si Vicky sa elevator habang may dala-dalang mga kape.

"Vicky, what's happening? Bakit parang aligaga ang mga tao?"

"Mr. Smith is here."

"Oh ano naman? Boss natin yun malamang andito yun, though sabi niya wala dapat siya this week pero andito siya kaya weird, pero ano naman? May problema ba?"

"Mainit ulo niya."

"Ahh, yun lang. Bakit daw?"

"Ewan namin. Alam mo naman minsan lang magalit si Sir kaya scary talaga."


Kinabahan tuloy ako, bakit kaya galit si Sir? Hindi kaya maganda yung dapat na 'important' meeting niya kaya mainit ulo niya? Sana 'di ako madamay, marami na akong pasaning problema.

Mahigit sampung sign of the cross ginawa ko bago kumatok sa office ni Sir pero bago pa ako kumatok, nabuksan niya na yung pinto.

"Oh, Candice. You're here already," muntik ko ng makatok yung mukha ni Sir. Buti na lang!

"Ye-yes Sir. Uhm, good morning. Do you want some coffee?"

"Sure, double expresso please," he said while smiling. And here I thought bad mood siya. Masyado lang paranoid mga tao. Todo smile kaya si Sir, kita pa nga gilagid eh.


After fifteen minutes, I knocked at his office to give his coffee, "Your coffee, Sir."

"Thank you, Candice." Nag-smile ako bilang sagot at tumalikod na nang magsalita ulit si Sir, "Candice, this Friday may party na magaganap for my very special guest and I want you to organize it."

Good thing the party will be on Friday dahil Saturday pa naman yung birthday ko.

"Okay Sir, no problem. Where do you plan to hold the party?"

"At Manila Hotel." Lumuwa yung mata ko, buti nasalo ko.

"Sir, come again?"

"I'm sorry, nagkamali ako. Sa Shangri-La Makati pala, nalito lang ako."

"Okay Sir, leave it to me. Ako na pong bahala sa lahat," tumayo na ako agad at nagpunta na sa table ko bago pa magbago isip ni Sir at sabihing sa Manila Hotel ang party.


Buong araw pagtawag at booking lang ginawa ko sa hotel at sa kung ano-ano pang may kinalaman sa party, medyo short notice kasi si Sir. Less than five days to organize a bonggang-bonggang party? Sino ako? Si Kris Aquino?


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Childish Bucket List [On-going]Where stories live. Discover now