Chapter 2: Amazona Jhenella

92 12 0
                                    

*2
Jhenella: (pagalit) Hello!

*Hindi nakasagot si Julian dahil natulala lang ito kay Jhenella.
Jhenella: Hoy! Hello!
Julian: Teka, ang sungit mo naman. Makikipagkilala lang naman eh.
Jhenella: Eto na nga eh! Helloooo!
Julian: Ewan ko sayo. Sungit!
Jhenella: No! Eh kung batukan kaya kita dyan. Wala akong pake kung Hapon ka o amerikano.

*Sa totoo lang pang-aasar lang iyon ni Julian kay Jhenella para magpapansin. Habang si Jhenella ay asar na asar sa mga pang-aalaska nya, si Julian naman ay tuwang-tuwa.

Yurika: Dyan nagsisimula ang LOOOVE STORY.
Jhenella: Love Story ka dyan! Hindi kailanman lalong-lalo na sa lalaking ito. Che!

*Walk Out*

Yumi: Hayaan mo na sya Julian. Ganyan talaga yan sa mga lalaki.
Julian: Ok lang. Nakakatuwa nga sya eh. Masaya na agad ako kahit kadarating ko lang.
Yumi: Teka! Easy lang. Masyado kang padalos dalos. Para kasi ang dating sa 'kin, may gusto ka kay Jhenella.
Julian: Hm. Parang ganun na nga. May sasabihin ako sa inyong sikreto.
Lahat: Ano yun?
Xander: Wag kang mag-alala, mapagkakatiwalaan mo kami.
Julian: Parang nagkakagusto na ako sa kanya.
Xander: Whoa! Chillax lang bro. Kakakilala mo pa lang sa kanya, mahal mo na agad!
Julian: Etong singsing na suot ko ang palatandaan sa babaeng minamahal ko. Nangako kami sa isa't-isa na kami ang magkakatuluyan sa dulo. Fiancee ko na yung babaeng yun noon pa. Kaso baka masira ko ang pangako na yan dahil kay Jhenella. Ang gaan kasi ng loob ko sa kanya eh.
Jiereck: Naku, baka ako yang destiny mo.
Xander: Narinig mo naman sya. Babae di ba. Hindi Bading.
Jiereck: Alam mo ang sarap mong batukan noh.
Michelle: Destiny na ang magtatagpo sa inyo. Makikita mo rin sya. Wag ka munang padalos-dalos kay Jhenella, baka paghanga lang yan.
Julian: Baka nga siguro. Pero salamat kasi kaibigan ko na kayo kahit sa unang bungad ko pa lang at hindi pa tayo magkakakilala.
Cedie: Ok lang yun. Pahinga ka na muna. Hayaan mo, didiskartehan ka namin kay Jhenella.
Julian: O sige salamat. Pero pahingi ako ng tulong para mahanap ko yung First Love ko. Matutulungan nyo ba ako?
Cedie: Naku, mahirap yan pero, try namin.
Julian: Salamat.
Jadelle: Pasok na Mr. Prince. Inaantay ka na ng family mo sa loob.

*Kinabukasan sa school..

Xander: Ba't hindi mo pinapansin yung bagong dating doon sa atin kahapon? Ang sungit agad ng dating mo sa kanya.
Jhenella: Wala akong pake! Echosero sya.
Jadelle: Siguro baka may gusto si Jhen kay Julian, kaya ganun kasi tinamaan ata agad.
Lahat: Ayiiee!!!!!!
Jhenella: Lolo nyo! Hindi ko sya magugustuhan noh.
Jadelle: Bakasyon na tayo sa March. January na ngayon day! Lagi na kayong magkikita ni Mr. Genius.
Jhenella: Wala akong pakialam sa mukhang aso na yan. Kahit na sya na lang ang tao sa mundo.
Xander: Weh! Hindi ako naniniwala.
Jhenella: Bahala nga kayo dyan!

*Pagkatapos ng klase.

Michelle: Musta na Mrs. Morales?
Jhenella: Ano? Sinong tinutukoy mo? Sarili mo? Siguro ikaw ang may gusto dun sa Chinitong Espasol na yun.
Michelle: Sus baka ikaw. Itinatanggi mo lang. Deny pa. Halata namang type mo yang si Julian no?

My Amazona Girlfriend Meets My Japanese BoyfriendWhere stories live. Discover now