Chapter 9: The Past

25 7 0
                                    

*9
*Sa kwarto ni Julian..

Julian: Ano yun Kuya Daryll? Fiancee talaga?
Darren: Ang aga mo namang magdesisyon ng ganyan Kuya Daryll.
Daryll: Si lolo ang pumili sa kanya, sya ang nagdesisyon na ihanda ako sa kasalang hindi ko naman gusto. Hindi ko rin sya gusto para sa'kin dahil may minamahal akong iba.
Julian: Bakit naman ginawa ng lolo mo yun?
Daryll: Julian, isa akong Half-Filipino Half-Taiwanese. Ang isang Taiwanese, lolo mo ang nasusunod hindi ang kaligayahan mo kaya wala akong magawa.
Darren: Eh hindi naman ata katwiran yun.
Daryll: Tradisyon yun Darren.
Julian: E, kamusta naman yung babaeng mahal mo?
Daryll: Sa tingin ko, ibang tao na ang nangangalaga sa kanya.
Julian: Naging kayo ba?
Daryll: Hindi.
Julian: Sino ba sya?
Daryll: Nakaraan ko na yun Julian, matagal nang wala. Pero ang nangangalaga sa kanya ay kakilala ko rin.
Darren: Gusto mo puntahan namin para sa'yo?
Julian: Oo nga. Yun lang ang pwede namin maibigay sa iyo.
Daryll: Hindi na Julian, masasaktan ang damdamin ng lalaking iyon. Pinapahalagahan ko rin ang pagsasama namin, dahil baka masira yung turingan namin bilang magkapatid.
Darren: Sige nauunawaan ka namin.
Nathane: Pero ok lang ba sa'yo na gawin ng lolo mo yan sa'yo?
Daryll: Hindi Kuya Nathane, pero matanda na si lolo. Inuunawa ko na lang ang desisyon nya, dahil ginagawa nya lang ito para kapag nawala na si lolo alam nyang nasa maganda ang kinabukasan namin.
Nathane: Wala akong magagawa para sa'yo Daryll pero mahahanap mo rin ang taong mahal mo.
Daryll: Nahanap ko na sya, pero may iba nang nagmamahal sa kanya. Sige pahinga muna ako. Pahangin lang ako sa labas.

*Sa labas ng bahay, nandoon si Jhenella at inungkat ang dati. Ikinagulat nya ang pagbabalik ni Daryll at mas nagulat sya ng malamang kamag-anak ito ni Julian.

Jhenella: Naguguluhan ako. Pa'no na si Julian kung malaman nya na si Daryll ang tinutukoy kong taong nagustuhan ko dati. Magagalit ba sya? Magtatampo? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko pa rin si Daryll hanggang ngayon. Naguguluhan na ako. Ano ang gagawin k...
Daryll: Anong ginagawa mo dito sa labas?
Jhenella: Daryll! Bakit ka pa bumalik?
Daryll: Sorry kung nagawa kitang iwan noon.
Jhenella: Tapos ano, babalik ka para ipamukha mo sa'kin na meron ka nang ipinalit sa'kin!
Daryll: Hindi ganun, Jhen. Hayaan mo akong magpaliwanag.
Jhenella: Hindi! Bakit pa?!
Daryll: Mahal pa rin kita hanggang ngayon.
Jhenella: Pwes ako hindi kita minahal!
Daryll: Alam ko yun Jhen, pero wag mo nang sabihin sa'kin dahil nasasaktan lang ako kapag nakikita ko kayo ni Julian na magkasama.
Jhenella: Bakit nagagalit ka? Wala kang karapatan! Ayoko nang makipag-usap sa'yo. Kalimutan mo na ako. Marami lang masasaktan.

*Nahablot pa rin ni Daryll ang kamay ni Jhenella...

Julian: Anong nangyayari dito sa labas? May problema ba kayo Kuya Daryll? Jhen?
Jhenella: Wala naman Julian. Aalis na ako.
Julian: Hatid na kita, Jhen.
Jhenella: Hindi na, Julian.
Daryll: Papasok na ako Julian.
Julian: Sige na Kuya Daryll.
Jhenella: Aalis na ako Julian.


My Amazona Girlfriend Meets My Japanese BoyfriendWhere stories live. Discover now