Chapter 7: Status: Mutual Understanding

34 8 0
                                    

*7
Darren: Oo para sa'yo Mayumi, gagawin ko ito. Papatunayan ko sa'yong seryoso ako, desidido ako, at karapat-dapat ako.

*Sa gitna ng kanilang pag-uusap, biglang lumabas ang mama ni Mayumi at nagtaka dahil may binata sa labas ng kanilang bahay.

Mama: Yumi, sino sya?
Mayumi: Ah.. Eh mama?
Darren: Hello po. Ako si Darren Morales, anak po ni Geraldine Morales-Takenara.
Mama: Ah. Hello sa'yo. Pumasok muna kayo.
Darren: Ay hindi na po.
Mama: Sige na Darren.

*Sa loob ng bahay, tila kabado ang nararamdaman ni Darren dahil sa unang pagkakataon haharap sya sa magulang ng ibang tao.

Mama: Magpakilala ka sa'kin. Wag kang mahiya, hindi ako nangangain ng tao.
Darren: Haha... Alam ko po yun Mrs. Bernardo.
Mama: Tita Julie na lang.
Darren: Ah.. Tita Julie.. Ako po ay anak ni Daiyuki Takenara at Geraldine Morales-Takenara. Isa po akong Half-Filipino Half-Japanese. Niakaru Takenara po ang Japanese name ko. Pangatlo po ako sa aming magkakapatid, Pero baka pang-apat na po dahil may kambal ang kuya ko. Nag-aaral po ako sa Tonan High School sa Japan. Class A po.
Mama: Ay, Hapon ka pala. Pero balak mo ba ligawan ang anak ko, Mr. Morales?
Darren: Ah.. Eh.. Kung Ok lang po sa inyo.
Mama: Hmm.. Sa bagay, hindi lang naman ikaw ang unang nanligaw sa anak ko.
Darren: A..a..ano po? Wow.
Mama: Hindi mo pa ba alam?
Darren: Hindi na po ako magtataka kung saan nagmana ng kagandahan si Mayumi.
Mama: Hahaha.. Palabiro din pala itong batang ito.
Darren: Pero may naging boyfriend na po ba si Mayumi?
Mama: Wala pa naman.
Darren: Bakit po?
Mama: Kasi mapili sa lalaki si Mayumi. Ayaw nyang mangyari yung mga nasa paligid nya sa kanya.
Darren: Ganun po ba?
Mayumi: Kaya Go lang ng go. Hangga't kaya mo, pero reminder lang Mahirap ako magpagawa ng pagsubok. Tumatagal ng taon para hindi ako magkakamali sa pagpili sa'yo. Marami na kasi ang sumuko. The 1 million Question is: Kaya mo ba?
Darren: Oo kaya ko yan. Ganun ako kaseryoso manligaw, Mayumi.

*Matapos manligaw ni Darren, araw-araw puro pagsubok ang binigay ni Mayumi kay Darren. Sa tulong din ni Jhenella nahuhulog din ang loob nya kay Darren. Sa tulong naman ni Julian kay Darren, nagagawa nya ang mga pagsubok ni Mayumi. Hindi alam ni Julian at Jhenella na sila ang nagiging tulay para magkalapit ang dalawa. Matapos ang 1 taon at 3 buwan...

Darren: Mayumi, matagal na akong nanliligaw sa'yo. Gusto kong iparating na kaya kong mag-antay kahit gaano pa katagal tulad ng nararamdaman ni Kuya kay Jhenella.
Mayumi: Darren, hindi mo na kailangang mag-antay pa.
Darren: Ok lang kahit na hindi ako yung gusto mo. Dapat maging sports ako. Para maging fair ako sa ka..
Mayumi: Oo na Darren.
Darren: Ano?
Mayumi: Oo na. Tayo na. Sinasagot na kita.
Darren: Thanks, Mayumi. Ang saya ko! Higit pa ang patutunayan ko sa lahat. Mas higit pa sa mga pagsubok mo sa akin. Asahan mo ang mga pangako ko, Mahal kong Mayumi Bernardo.

*Tuwang-tuwa si Darren sa naging sagot ni Mayumi sa kanya. Dahil sa tulong dalawa kaya "In a Relationship" status nina Darren at Mayumi.


My Amazona Girlfriend Meets My Japanese BoyfriendOnde as histórias ganham vida. Descobre agora