Chapter 49: Destiny Will Not Be Escaped

10 1 0
                                    

49

-Paris, France 12:06am-

Yumi: Best, sigurado ka ba dito? Pwede kang bumalik dun.

Jhenella: Hindi na. At alam kong may mangyayari saking masama.

-Flashback-

Habang naglalakad ako papunta sa mall..

Manang Adelle: Iha, taga Pilipinas ka ano?

Jhenella: Ho? Pano nyo po nalaman?

Manang Adelle: Manghuhula ako gusto mong hulaan kita?

Jhenella: a.. Magkano po ba?

Manang Adelle: Hindi na. Libre lang to.

Jhenella: Ah.. Sige po.

Manang Adelle: Ako pala si Adelle, ikaw?

Jhenella: Jhenella po.

Manang Adelle: Sa nakikita ko, may nobyo kang Hapon.

Jhenella: O? Opo.

Manang Adelle: At malapit na ang inyong kasal.

Jhenella: Opo.

Manang Adelle: Pero aalis ka at pupunta ka sa isang lugar kasama ang iyong mag-asawang kaibigan.

Jhenella: Po?

Manang Adelle: Hindi ka nya papayagang umalis dahil takot syang mawalay sayo iha.

Jhenella: Sino po?

Manang Adelle: Ang nobyo mo iha. Pipigilan ka nyang umalis para magkasama kayo.

Jhenella: Tapos? Ano po?

Manang Adelle: Hindi matutuloy ang kasal ninyo.

Jhenella: Bakit?

Manang Adelle: Maaaksidente ka iha.

Jhenella: A-ano p-po?

Manang Adelle: Kaya kung ako sayo, sundin mo ang sinabi ng iyong nobyo na wag ka nang umalis, dahil matatagalan pa bago kayo ulit magkita.

Napaluha ako sa sinabi ni Manang Adelle. Matatagalan pa bago ulit kami magkita? Ibig-sabihin ba.......... Mawawala na ako at hindi na kami magkikita pa?

Manang Adelle: Iha, Okay ka lang ba?

Jhenella: Opo Manang Adelle. Maraming salamat po sa lahat.

-Sa bahay-

Julian: Jhenella, Okay ka lang?

Jhenella: Ok lang ako.

Julian: Bakit ka umiiyak?

Bigla na lang akong napatingin sa mata nya. Hindi ko akalaing darating ang araw na iiwan ko sya.

Jhenella: Julian!

Julian: Shh.. Bakit ka umiiyak? May problema ba?

Jhenella: Ayoko na!!

Julian: Iiyak mo lang lahat yan. Nandito lang ako.

Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak at hindi ko sinasabi sa kanya ang tunay na dahilan dahil baka masaktan ko lalo ang damdamin nya. Higit pa dun, ayaw kong pigilan ang nakatadhana sakin. Kung dun na matatapos ang lahat para sakin, tatanggapin ko kaya lang baka sya ang hindi.

Aalis na ako papuntang Paris. Alam kong eto ang lugar na tinutukoy ni Manang Adelle. Patawarin mo ako Julian.

Julian: Jhenella!

Jhenella: Huh?

Tumatakbo sya papalapit sa akin at sa huling oras bago ang alis ko hinalikan nya ako. Hindi ko sya kayang iwan. At alam kong hindi lang sya ang masasaktan sa gagawin ko, silang lahat din. Naniniwala kasi akong Kung ano ang nakatandhana sayo, masama man o mabuti tanggapin ko ito ng maluwag sa loob dahil pagdating ng araw magiging masaya ka rin.

Aalis na ako Julian pero hindi ko kayang iwan ka. Sa tingin ko, maraming tao ang nakatingin samin ngayon. Sana bagalan nyo ang oras ayoko nang umalis sa tabi nya habangbuhay kaya lang hindi maaari.

Julian: Mag-iingat ka Jhenella. Mahal na mahal kita.

Ang mga salitang yan ang huli kong maririnig sa kanya. Patawad kung hindi na ako makakabalik pa. At kung hindi ko matutupad ang pangako kong pagbabalik dito ulit. Mahal na mahal kita. Paalam na, Julian.

]a

My Amazona Girlfriend Meets My Japanese BoyfriendWhere stories live. Discover now