Chapter 24: Darren and Mayumi Breakup

19 5 0
                                    

24

Julian: (mind) Pero hindi mo alam Jhen, alam kong ikaw na talaga yung taong iyon.

***

Darren: Mayumi, may tanong lang ako.

Yumi: Hm? Ano yun?

Darren: Sa tingin mo ba, may mga taong magtatagal sa relationship ng hindi nag-aaway?

Yumi: Nakakaintriga yang tanong mo ha.. Pero.. Oo, kasi kung talagang mahalaga yung relationship nyo, magtatagal kayo. Syempre, depende pa rin yan kung gaano nyo kamahal ang isa't-isa. Ang pag-aaway, natural na sa relationship yan. Pero laging tatandaan na magiging mabuti din ang lahat sa dulo. Paikut-ikutin mo man ang problema nyo, magkakaayos din kayo. Bakit mo pala naitanong?

Darren: Pero kung sakaling magkaroon ako ng iba. Pero sa ibang paraan. Magagalit ka ba?

Yumi: Ha? Pa'nong sa ibang paraan? Example.

Darren: Tulad ng kay Kuya Daryll. May ibang taong nagdesisyon sa buhay nya, halimbawa gusto kang ihanda sa kasalang hindi ka pa handa, hindi mo gusto, at hindi mo naman mahal yung taong iyon.

Yumi: Magagalit ako. Kasi bakit hindi nya ba ako kayang ipaglaban? Kung hindi nya naman alam, pwede nya naman sabihin. Basta, maraming paraan. Kung talagang mahal nya ako, gagawa sya ng paraan para magpatuloy yung relationship namin. Bakit?

Darren: Wala.

Yumi: Bakit nagsisimula ka nang umiyak? May problema ka ba?

Darren: I'm very sorry Mayumi. Ginawa ko na lahat pero nagdesisyon na sila. Ok lang kung iiwan mo na ako, kasalanan ko naman yun eh. Wala akong nagawa para sa relationship natin.

Yumi: Anong pinagsasabi mo Darren?

Darren: May itinalaga na sa'kin si Papa at yung lolo ko na babaeng ipakakasal sa'kin pagdating ng tamang panahon.

Yumi: Ano? Bakit hindi mo man lang sinabi sa'kin?

Darren: Alam kong magagalit ka sa oras na sabihin ko sa'yo. Kaya..

Darren: I'm Breaking up.

Mayumi: Mas mabuti na to sa'ting dalawa. Kaysa masaktan pa ako, I'm breaking up.

Darren: Tanggap ko na, at matagal ko na ring pinag-isipan. Ayaw kong masaktan ka dahil--

Mayumi: Dahil ano Darren! Dahil mahal mo ako? Wala ka ngang nagawa. Sumang-ayon ka na lang. Basta ka na lang sumuko at pumayag sa gusto nila. Ayoko na Darren.

*Walk-out

Xander: Mayumi, anong nangyari?

Yumi: Sya ang tanungin mo Xander.

Yurika: Ano yun Darren? Bakit ka umiiyak?

Darren: Hayaan mo na sya, kasalanan ko naman eh. Wala akong nagawa para sa'min. Kasalanan ko to kaya I deserve to have this as my consequence.

Jiereck: Hay naku! Doon nga tayo kila Julian.

*Papunta pa lang sila sa kinaroroonan nina Julian at Jhenella, nakita na nilang hindi maganda ang lagay ni Darren.

Julian: Darren? Bakit ka umiiyak?

Darren: T_T Kuya!

*Niyakap ni Darren si Julian ng mahigpit. Labis syang nagsisisi sa nangyari sa kanilang relasyon. Ilalahad ni Darren lahat simula sa unang pangyayari para maintindihan nila ang kalagayan ni Darren.

Jhenella: Kumalma ka muna Darren. Sabihin mo muna sa amin lahat simula sa umpisa.

Julian: Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Mayumi. Bakit ganun na lang yun.

Jadelle: Sana maayos nyo yan Darren. Mahigit na sa taon ang relationship nyo tapos It's Over agad?!


My Amazona Girlfriend Meets My Japanese BoyfriendWhere stories live. Discover now