Chapter 8: The Comeback and Jhenella's Secret Suitor

29 8 0
                                    


*Dahil din sa pagtutulungan nina Julian at Jhenella, unti-unti na ring nagkakalapit ang loob nilang dalawa.

Jhenella: Hay, success! Whoohoo!
Julian: Oo nga eh. Jhen, may tanong ako.
Jhenella: Hm.. Ano yun?
Julian: Kung galit ka pa ba sa'kin sa mga ginawa ko sa'yo dati.
Jhenella: Hindi na. Kasi napatunayan mo naman sa'kin na mabuti kang tao. Hindi ka masama tulad ng inaakala ko.
Julian: Pero nung nanligaw ako sa'yo, galit ka ba sa'kin nun?
Jhenella: Nanligaw ka ba talaga? As in serious?
Julian: Totoo yung feelings ko. Walang halong biro, pangako.
Jhenella: Medyo, kasi una hindi ako pwedeng pumasok sa relasyon tulad nila Darren at Mayumi ngayon. Kailangan ako ng pamilya ko Julian. Pangalawa, baka saktan mo lang ako. Pangatlo, baka panloloko mo lang iyan. At higit sa lahat, akala ko masama ang ugali mo as my first impression.
Julian: Magtatapat ako. Ikaw ang unang niligawan ko, Unang pinagtapatan ko ng nararamdaman ko, at First Love ko dahil ikaw yung babaeng minahal ko noon hanggang ngayon. Unang babae na sineryoso ko. At baka kung maging tayo, ikaw rin ang unang Girlfriend ko.
Jhenella: Magtatapat ako Julian, pero wag mong masamain ha. Gusto kita, pero malaki ang kalaban mo. Magulang ko ang ayaw akong pumasok sa pakikipagrelasyon. At natatakot din akong pumasok sa bagay na hindi ako sigurado tulad nyan.
Julian: Huwag kang mag-alala, kaya kong maghintay ng matagal hanggang sa oras na handa ka na.
Jhenella: Salamat, Julian. Hayaan mo, pag ikaw na talaga, sasagutin kita sa tamang oras at sa tamang panahon.

*Napagaan ang pakiramdam ni Julian sa mga salitang binitawan ni Jhenella. Niyakap ni Julian si Jhenella bilang simula ng totoong pag-iibigan nilang dalawa. Kinabukasan, nalaman ng lahat ang tungkol sa relasyon nina Darren at Mayumi. Napag-alaman din ng lahat ang tungkol sa "Mutual Understanding Relationship" nila Julian at Jhenella. Isang araw may hindi inaasahang bisita sa buhay ng nakaraan ni Jhenella.

Julian: Uuwi ang pinsan ko ngayon, Jhen. Gusto kitang ipakilala sa kanya.
Jhenella: Sige Julian.
Julian: Ayan na paparating na sya.

*Tumigil ang kotse at nagbukas ang pinto.

Julian: Daryll!
Daryll: Julian! Miss na kita.
Julian: May gusto pala akong ipakilala sa'yo.
Daryll: Sino yan?
Julian: Jhenella Salcedo, nililigawan ko.

*Nagulat si Jhenella dahil nakita nya si Daryll. Si Daryll naman ay hindi makapaniwala sa nakikita nya.

Daryll: Ah. Nice to meet you.
Jhenella: Hi, Daryll.
Daryll: Si Angeline pala, Fiancee ko.
Julian: Ano? 14 pa lang tayo, may fiancee ka na? Si Darren nga 13 lang eh, girlfirend lang yun. Fiancee? Hindi ko naisip yun ha.
Angeline: Hello, I am Angeline Chan from Taiwan. Nice to meet you. Sorry I don't speak Japanese.
Julian: It's okay. Nice to meet you, Angeline.
Daryll: (bulong) Usap tayo mamaya. Magpapaliwanag ako tungkol dito. Tipunin mo rin sila gusto ko silang makita. Miss ko na rin sila.
Julian: Oo sige Kuya Daryll.

*Nagtipon-tipon ang lahat ng mga lalaking kaibigan, pinsan at lahat ng kabilang sa kanilang grupo.

My Amazona Girlfriend Meets My Japanese BoyfriendWhere stories live. Discover now