CHAPTER 16

3K 114 8
                                    

CHAPTER 16

JESSIE'S POV

Nasa classroom ako ngayon at tulala akong nakatingin sa may bintana. Kaunti lang naman kami nasa classroom walang Kyler at walang Warren kaya tahimik ako buhay ko ngayon. Wala pa din kaming klase kasi college day pa din namin at malapit na ang finals ng Mr and Ms. Engineers, dalawang araw na lang mula ngayon.

At dahil tulala nga ako sa may bintana, may biglang nagpiring sa mata ko.

"Hulaan mo kung sino ako" sabi niya na may mababang boses 'yong parang dwende.

"Tarantado ka Kyler, papatayin kita kapag 'di mo tinanggal 'yang kamay mo" sabi ko.

Inalis niya naman agad ang kamay niya at kumuha siya ng upuan at tumabi sa akin.

"Bakit ka tulala?" Tanong niya.

"Walang basagan ng trip" sabi ko sabay irap sa kanya.

"Oo nga pala may sasabihin ako sa'yo" sabi niya.

"O?" Walang gana kong sabi habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana.

"Kami na ni Erica" masaya niyang sabi, Ewan ko ng sinabi niya 'yon parang may something sa puso ko, ano nangyari?

"Ano naman? 'Di ko tinatanong" sabi ko.

"Ang kj mo talaga" sabi niya na kunwari tampo pa.

"E 'di congrats" sabi ko sabay tayo sa pagkakaupo ko at labas ng classroom. Ano ba nangyayari sa akin? Na-e-engkanto na yata ako bakit ang wierd ko bigti na lang kaya ako.

"Oy Kyle!" Tawag sa akin ni Kyler, 'di ko na lang siya pinansin.

"Kyle, saan ka pupunta?!" Sigaw niya habang hinahabol na ako, kaya naman mas binilisan ko ang lakad ko.

"Aw" sabi ko ng may nabunggo akong tao.

"Oy ikaw pala Jessie, sorry ha" sabi ni Warren at hinawakan pa ang baba ko.

"Hindi okay lang" sabi ko habang tinatanggal ang kamay niya sa baba ko.

"Tara libre na lang kita ng ice cream" sabi niya.

"Oy Kyle! Lampa mo talaga, o" sabi ni Kyler.

"Paki mo" sabi ko.

"Bakit galit ka na?" Tanong niya.

"Wala" sabi ko sabay hila kay Warren papunta nasa sa canteen pero nahawakan agad ako ni Kyler.

"Ano na naman?" Asar na tanong ko.

"Bakit ka nga galit?" Tanong niya.

"Lagi naman akong galit sa'yo" sabi ko.

Sasagot pa sana siya ng biglang dumating si Erica.

"Kyler nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap" sabi ni Erica sabay lapit kay Kyler kaya naman binitawan na ako ni Kyler, bakit ganoon ng binitawan niya ako parang nasaktan ako? Napakawierd ko talaga o, pakamatay na talaga ako.

"Hi Jessie, hi Warren" sabi ni Erica.

Nginitian ko lang siya, ganoon din si Warren.

"Nasabi na ba sa inyo ni Kyler na kami na" sabi ni Erica sa amin tumango lang ako sa kanya.

"Talaga? Kayo na? Congrats!" Sabi ni Warren na tuwang-tuwa.

"Oo " masayang sabi ni Erica.

"Kailan pa?" Tanong ni Warren.

"Kahapon lang" sagot ni Erica.

"Nice, ako ba Jessie kailan mo sasagutin?" Biglang tanong ni Warren.

My Pervert SeatmateWhere stories live. Discover now