Chapter 23

2.7K 97 0
                                    

CHAPTER 23

Jessie's POV

"Ayoko na bwisit suko na ako" sabi ko sabay bato sa notes, libro, ballpen, yellow pad, at calculator ko.

Kaya naman napatingin sa akin ang mga kasama namin na sila Erica, Kyler, Keila, Menard at Mira.

Napabuntong-hininga lang si Warren na katabi ko lang, bago tumayo at pulutin isa-isa ang mga pinagtatapon ko, badtrip na trigonometry napakahirap.

"Walangjo katakot ka 'te, relax lang naman" sabi ni Mira tiningnan ko lang siya, bago tumingin ulit kay Warren na pinupulot ang calculator ko.

"Naku naman ate, akala ko ba magaling ka sa math, buti na lang at mabait na tutor si Warren" sabi ni Keila.

"Sabi na kasing ako magtuturo sa'yo e, bobo kasi 'yang Lorenzo na 'yan" sabi naman ni Kyler kaya tingnan ko lang siya ng masama.

"Kyler, paano ba ito 'di ko kasi magets?" Biglang tanong ni Erica kay Kyler.

Nang mapulot na lahat ni Warren ang mga binato ko lumapit siya at umupo ulit sa tabi ko.

"Tingnan mo nasira 'yong calculator mo, paano na lang pag nag quiz tayo wala kang calculator?" nahinahon na sabi niya.

"E 'di i-me-mental ko" asar na sabi ko.

Natawa naman siya sa sagot ko kaya tiningnan ko siya ng masama.

"'Di mo nga masolve 'yong pinapasolve sa'yo tapos i-me-mental mo pa, aba matindi" sabi ni Kyler habang kunwari na nagbabasa ng librong hawak niya, at dahil asar na asar pa rin ako binato siya ng calculator kong nasira na at bulleyes sapol sa noo niya.

"Masakit Kyle, ha" sabi niya inirapan ko lang siya at tumingin ako kay Warren, buti na lang 'di nagagalit sa akin ang mokong na ito kahit na 'di ko talaga magets ang bwisit na trigonometry namin.

"S-sorry" sabi ko kay Warren.

"Wala pagalingin mo muna ang bukol ko" sabat ni Kyler.

"K kang gago ka as in potassium, putang assumero" Sigaw ko sa kanya.

Bigla naman pinalo ni Warren ang bibig ko.

"Ano ba?" Asar na sabi ko kay Warren.

"'Wag kang magmura" sabi niya inirapan ko lang siya.

"Kyler hayaan mo na si Jessie at Warren, ako na lang turuan mo 'di ko talaga magets, e" sabi ni Erica kay Warren, 'di ko na lang pinansin si Kyler kasi tama naman si Erica busy sila mag aral, tinuturuan kasi ni Kyler si Erica sa trigonometry rin.

Napatingin ako sa iba kong kasama, nakita ko si Keila na naupo at nakasandal sa puno habang may earphones at nagbabasa ng libro, si Menard naman nakahiga at nakalagay ang libro niya sa mukha niya habang kinakausap siya ni Mira, nice ha buti na lang at 'di pinapagalitan ni Menard si Mira na iniistorbo siya bago 'yon, a.

"O siya focus ka na dito, ganito kasi 'yan" sabi ni Warren habang nagsusulat na sa yellow pad ko.

"Ito kailangan mong ma-is-solve" sabi niya habang tinuturo ang given na nasa libro ko tumango lang ako. Mayamaya nilabas na ni Warren ang calculator niya at pinagamit sa akin.

At ang gagong calculator syntax error daw, tangina kung akin lang ang calculator na 'to sira na ito.

"Relax Jessie, 'wag kang maasar may mali ka kasi. Sige ulitin mo, pagnakuha mo 'yan libre kita ng ice cream" sabi niya at dahil ililibre ako ng ice cream pinagbutihan ko na ang pagsosolve, ice cream 'yon, e.

My Pervert SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon