CHAPTER 32

2.3K 104 7
                                    

CHAPTER 32

Jessie's POV

"Sorry" mahinahong sabi ni Warren, nilapitan niya ako at hinawakan ang dalawang pisngi ko at pinunasan ang luhang pumapatak sa mata ko.

"Sorry Jessie kung nasigawan kita, sorry" sabi niya sabay yakap sa akin.

"'Wag ka nang umiyak please" sabi niya habang niyayakap ako.

Tinulak ko siya at lumayo sa kanya, habang siya naman ay nakatingin lang sa akin.

"Ano ba kasi ang problema pati ako naguguluhan na rin" sabi ko.

"'Di mo na kailangan malaman" sabi niya habang iniiwas ang tingin sa akin.

"Bakit?" Sigaw ko.

"Masasaktan ka lang!" Balik sigaw niya.

"Bakit nga, please paki explain naman sa akin o, mukha akong tangang 'di kayo maintindihan!" Sabi ko.

"Mahal kita Jessie at ayokong masaktan ka kapag nalaman mo 'yon, kaya layuan mo na si Marcelo!" Sabi niya, nagulat naman ako sa pagconfess niya, napansin ko rin siya na pati siya nagulat.

"Jess--"

"Iwan mo ako, gusto kong mapag-isa" sabi ko.

"I-u-uwi na lang kita," sabi niya sa akin tumango lang ako, pinasakay niya ako sa kotse niya at sumakay ako, hinatid niya ako sa bahay, pagdating namin doon bumaba agad ako at deritsyo pumunta sa kwarto ko.

Tsk!

Ano nga ba?

Gusto O mahal ko na nga ba si Kyler?

Walangya!

Ang wierd ng araw na ito.

Humiga muna ako sa kama ko at natulog.

****

Naalimpungan ako sa nagsisigawan sa labas ng kwarto ko, dahan-dahan akong bumangon at lumapit sa may pintuan.

"E gago pala ang bestfriend mo na 'yon kuya e, dapat lang na ilayo natin siya kay ate Jessie, naku! Naku paki paalala sa akin bukas kuya masasapak ko talaga 'yon, pero in fairness ha, ang  pwede na rin 'yon para sa kanila ni ate" sabi ni Keila.

"Ano ba talaga Keila kanino ka ba kampi, ha?" Asar na tanong ni Menard.

"Ewan?" Sabi ni Keila.

"Tsk"  sabi ni Menard.

Pati ba naman ang dalawang 'to nag-aaway na rin? Ano ba talagang nangyayari?

Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko kaya naman napatingin silang dalawa sa akin.

"K-kanina ka pa ba diyan, ate?" Tanong ni Keila.

"Sakto lang" walang gana kong sagot.

"Ano nga pala ang ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila.

"Dito na muna kami" sabi ni Menard kunot-noo ko siyang tiningnan.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Baka pumunta dito si Kyler Luke, iba na 'yong nandito ako, wala na akong tiwala sa kanya ngayon" sabi niya, sa asar ko padabog kong sinaraduhan ang pinto ng kwarto ko ni-lock ko pa.

Narinig ko na nagsisigaw si Menard habang kinakatok ang pintuan.

Bwisit nakakaasar sila. Ano ako bata? Tsaka kaya ko naman sarili ko.

Ta's isa ba bakit ba lahat sila galit kay Kyler, ayaw naman nila sabihin ang dahilan, nakakaasar sila bahala sila, bwisit.

Mayamaya wala na ang kumakatok at nagsisigaw sa labas ng kwarto ko, mabuti naman at nagsawa na siya.

My Pervert SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon