CHAPTER 43

2.3K 99 3
                                    

CHAPTER 43

Jessie's POV

"Sayo pala ha" mapang asar nasabi sa akin ni Kyler kaya naman, sinabunutan ko siya at hinila pababa ng mini stage.

"Aww masakit Kyle," pagrereklamp niya 'di ko na lang siya pinansin, hanggang sa nakakita ako ng cottage na walang tao pumunta ako doon habanga hawak ang buhok ni Kyler, nagrereklamo na siya na masakit pero 'di ko siya pinansin.

Pagdating namin doon binitawan ko na ang buhok niya at tiningnan siya ng masama.

"O? ano na naman kasalanan ko?" sabi niya sa akin.

"Hoy Kyler Luke baka nakakalimutan mong 'di pa tayo okoy, ang landi landi mong gago ka, wala lang ako sa tabi mo nakikipaghalikan ka na agad " sabi ko, nakangiti naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Nagseselos ka ba, sorry na 'di namam kami nagkiss noon nuh, dumating ka kasi agad" sabi niya sa akin.

So ako pa ang sinisisi niya, tinulak ko siya at tiningnan ng masama.

"Ako pa sinisisi mo huh" sabi ko tumawa naman siya.

Aba't kanina pa 'to a, bwisit na Kyler 'to, aalis na sana ako ng cottage ng bigla niya akong pigilan.

"Oy Kyle joke lang" sabi niya kaya naman tiningnan ko siya ng masama.

"O siya explain na, baka magbago pa isip ko 'di na kita bigyan ng second chance" sabi ko sa kanya.

"Ganito kasi yon kina---"

"Gago hindi yon, explain mo sa akin kung bakit mo tinago at ginamit mo pa akong hayop ka!" sabi ko.

Sumeryoso naman ang tingin niya sa akin, umupo sa may upuan, tumabi naman ako.

"Dati si Erica talaga gusto, kaya noong nalaman ko na ipinagsasundo tayo, inisip ko na paano na lang kami ni Erica, noong araw na yon pinag iisipan ko kung sasabihin sa'yo pero sabi ko sa sarili ko 'wag na lang, kaya naisip ko na simula noon, asar, pikunin kita para magalit ka sa akin at kapag nagalit ka sa akin at nalaman mo na ikakasal tayo 'di ka papayag kasi ayaw mo na sa akin, kaya kapag nangyari yon magiging pwede na ulit kami ni Erica, pero nagkamali pala ako, kasi..." sabi niya habang naka nakatingin sa akin.

"...kasi 'di ko napapansin simula ng high school pa lang tayo mahal na kita, pero 'di ko lang maamin sa sarili ko kasi kapatid lang ang tingin ko sa'yo, pero nitong college na tayo ng dumating si Warren sa buhay natin 'di ko alam na kapag nakikita ko kayong magkasama ni Warren naasar ako, kaya tinanong ko sa sarili ko kung bakit, noong una 'di ko talaga alam pero noong tumagal na naiisip ko na mahal na pala kita" sabi niya ako naman nakikinig lang sa kanya.

"Hanggang sa konprontahin ako ni Menard at tanungin, Niya ako nasa rooftop kami noon sinabi ko sa kanya pero gaya ng naiisip ko magagalit siya sa akin at 'di ako napag explain, hindi ko alam na narinig pala ni Warren at Ashley ang usapan namin" sabi ni Kyler.

"Natakot ako ng mga time na yon kasi baka pag nalaman mo magalit ka rin, at 'di nga ako nagkamali" sabi niya habang nakatingin sa akin, bigla niya nalang ako niyakap ng mahigpit.

"Kyle mahal kita, pakakasalan kita 'di dahil nakaarrange marriage tayo pakakasalan kita kasi mahal kita, kahit wala ang arrange marriage na yan pakakasalan pa rin kita, kaya please maniwala ka sa akin" sabi niya habang niyayakap ako, niyakap ko rin siya ng mahigpit.

Bigla ko na lang naisip si Erica ano kaya nangyari sa kanya.

"Si Erica? ano nangyari sa kanya?" tanong ko sa kanya bumitiw naman siya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako sa mata.

My Pervert Seatmateحيث تعيش القصص. اكتشف الآن