CHAPTER 50

2.7K 85 0
                                    

CHAPTER 50

Jessie's POV

Bukas na ang kasal namin ni Kyler. Bukas na bukas na talaga at wala nang atrasan, ikakasal na talaga kami,

January fifteen 'yan ang araw ng kasal namin ni Kyler.

Alam kong bata pa lang kami, para magpakasal at wala na kaming paki kung ano ang sasabihin ng mga tao sa amin basta mahal namin ang isa't isa, at magkasama kami.

Napag-usapan na rin naman namin ni Kyler na pagkagraduate namin doon lang kami gagawa ng pamilya, gusto ko kasi 'yong sarili na naming pera ang gagamitin namin para sa magiging anak namin, gusto ko galing sa pinaghirapan namin, at gusto ko kaming dalawa ni Kyler ang gagawa ng bahay namin.

Natawa nga ako kay Kyler noong birthday niya, pinakita niya sa akin ang blueprint ng magiging bahay namin, although may bahay na ibibigay naman ang parents namin para sa amin pero gusto kasi namin na pera at pagod namin ang ipapagawa naming bahay, parehas naman civil engineering ang course namin kaya pwede kami na lang ang gumawa ng bahay, at 'yon din naman ang plano ko simula ng bata pa lang ako na ako ang gagawa ng bahay ko in the future.

At 'yong blueprint na pinakita sa akin ni Kyler, maganda siya at halos ayon na ang dream house kong gusto kong gawin, dalawang palapag siya na bahay , sobrang humanga ako kay Kyler kasi detalyadong detalyado ang blueprint na pinakita nya sa akin, akalain niyo 'yon para sa isang first year college na civil engineering nakagawa siya ng blueprint na detalyadong detalyado, Kaya alam ko magiging isang successful Engineer ang magiging asawa ko ngayon pa lang proud na ako sa kanya, may future talaga siyang maging engineer.

Nang makauwi kami ni Kyler noong birthday niya pinagalitan kami ng mga magulang namin bigla na lang daw kasi kaming nawala sa party, at halos tumawag na daw sila ng pulis ng 'di nila kami mahagilap sa party na 'yon, kami naman ni Kyler tahimik lang habang pinapagalitan kami, pero likas na yata kay Kyler ang pagiging makulit, kapag kasi nakatalikod na ang mommy niya magmamake face siya, kaya naman ako natatawa, ayon lalo kaming napagalitan.

At ngayong araw 'di pa kami nagkikita ni Kyler bawal daw kasi 'yon, kaya naman nagtitext at nagtatawagan lang kaming dalawa, mamayang gabi may bridal shower ako kasama ang mga malalapit sa akin, mayroon din si Kyler kaya naman pinagsabihan ko na siya likas na malandi pa naman 'yon kapag nakatalikod ako.

Nasa isa kaming hotel, ngayon at malayo ang kwarto sa akin ni Kyler at 'di niya rin alam ang room number ko baka daw kasi pumuslit siya kaya 'di sinabi sa kanya.

"..sigurado ka bang walang lalaking magsasayaw diyan mamaya" sabi ni Kyler na kausap ko sa cellphone habang inaayusan ako beautician.

"Mayroon.. si Warren daw ang magsasayaw.. yeah men may abs 'yon!" sabi ko habang nakangiti kaya naman natawa sa akin ang beautician na nag aayos sa akin.

"ANO? 'YONG GAGONG 'YON AKALA KO BA SA AKIN SASAMA ANG GAGONG IYON.. HINDI HINDI AKO PAYAG.. IPAPATIGIL KO ANG BRIDAL SHOWER MO!" sigaw niya sa kabila kaya naman natawa ako ng sobrang lakas ganoon din ang beautician.

"Gago joke lang tsk!" sabi ko habang natawa.

"Kyle!" sigaw ni Kyler.

"Hindi nga, promise, kaya ikaw na gago ka umayos ka alam kong malandi ka kapag 'di ako nakatingin kaya ayusin mo may mga mata ako diyan pag nagsumbong sa akin uurong talaga ako sa kasal" sabi ko.

"Behave ako Kyle ko" sabi niya.

"Dapa--" 'di ko natapos ang sasabihin ko nang may marinig ako ng boses na babae.

"Babes pahiram towel wala kasi akong nadala e" sabi ng babae sa kabilang linya 'di ko alam pero bigla na ang uminit ang ulo ko na parang nasa boiling point na ako at sa sabog na.

My Pervert SeatmateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora