Discover

2.9K 87 20
                                    

KW's POV:

Silver was true to his words, Vriella is indeed having a hard time getting a job. Even her loan applications were all turned down. He's doing everything in his power to manipulate Vriella in kneeling back to him; to beg him for help.

Nanlulumong umuwi si Vriella sa kanyang tahanan. Bukod pa doon ay pagod at gutom na rin siya. Pumasok sa loob at pumunta ng kusina. Kumuha ng tubig at uminom. Dinig niya ang pagkalam ng kanyang sikmura dala ng gutom. Ilang araw na rin ang lumilipas, pero wala pa rin siyang nakukuhang trabaho. Bumalik siya sa salas at yumukyok sa sofa. Niyakap niya ang kanyang tuhod habang unti-unting naglalandas ang luha sa kanyang mga mata.

"Kaya ko'to, hindi ako susuko sa pagsubok na'to. Kaya ko ito". Pinahid niya ang kanya mga luha, matapos ay pinilit na itinulog ang kanyang gutom.

Meanwhile...

Silver's car was parked few blocks away from Vriella's house. Matyaga niyang sinusundan ang dalaga. Nagtataka siya, dahil kapag si Robert ang sumusunod dito ay agad na nabubuking ng dalaga, samantalang, simula ng siya na ang nag manman dito ay parang hindi aware si Vriella sa kanya. May pagkakataon pa nga na halos makasabulong na niya ang dalaga ngunit hindi man lang siya nito napansin. As if he wasn't there. As if he never existed.

Sa nakalipas na araw ay naghahalong inis at awa ang nararamdaman ni Silver. Alam niyang labis na nahihirapan si Vriella. At sa bawat paghihirap ng dalaga ay parang kumikirot ang puso niya, parang gusto na niyang lapitan ito at pagalitan, o kaya ay pilitin na humingi ng tulong sa kanya. -Tulad ngayon, sa buong araw niyang pagmamanman sa dalaga ay alam niyang hindi pa ito nakakakain ng maayos.

Ang ikinaiinis naman niya ay ang pagkakawang gawa ni Vriella sa isang bata, samantalang ito may ay walang wala na at halatang gutom na gutom na rin. Bumili kasi si Vriella sa isang maliit na tindahan ng biscuit. Umupo sa upuan ng tindahan at nag umpisang kumain. Subalit nakadalawang kagat pa lang ito ay may isang gusgusing bata ang lumapit, at nanlimos sa kanya.

Lalong nadagdagan ang yamot ni Silver nang ibigay ng dalaga lahat ang biscuit sa bata, at kumuha pa ng pera upang bumili pa ng isa pang biscuit at juice. Ngunit imbis na kainin ay muling ibinigay sa bata ang kanyang binili. Tuwang-tuwa naman ang bata habang kumakain. Makikita naman sa ngiti ni Vriella ang satisfaction at kaligayahan sa kanyang ginawa.

"Stupid girl". Galit na bulong ni Silver sa loob ng kanyang sasakyan.

"How can she be so foolish? Wala na nga siyang pera, wala na siyang makain, tapos ibibigay pa niya sa bata!" He muttered.

"Mamamatay ka sa gutom kung lahat ng nanlilimos sayo ay bibigyan mo, lalo pa at wala ka na rin naman perang natitira. You're a fool, stupid, you're not thinking straight."

Suddenly, Silver had flashes from the back of his mind; it is when he saw her standing at the hallway, looking straight at the hungry child's portrait. Her expression was genuine; she's copied the emotion of the child, and Silver couldn't help himself but to capture that moment with his camera.

She's indeed an Empath. He sighed. Now, seeing her back there, giving alms to the hungry child, he began feeling guilty.

Damn it! He's felt exhausted fighting his own feelings.

Nagawa niyang ipukpok ang kamao sa manibela, sunod ay noo naman niya ang idiin doon. "Sumasakit ang ulo ko sayo Vriella. Ikaw lang ang nakakagawa sa akin nito. I have so many other things to do yet here I am, wasting all my time doing stake-out."

He rested his head back to the headrest of his seat. Shut his eyes and breathe heavily.

Ilang sandali rin ang lumipas at nakita na ni Silver na muling naglakad si Vriella. Nang makapasok si Vriella sa kanyang tahanan ay hindi na siya nakita ng binata. Gamit ang laptop ay patuloy na binabantayan ni Silver ang bawat kilos ng dalaga sa mga hidden camera ng naka install sa bahay ng dalaga.

GARNET VRIELLA SAAVEDRA (Mine To Steal - 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon