25

1.4K 90 14
                                    

Third Person

Humahangos na lumabas ng bahay si Jongin at Kyungsoo habang nagtataka naman silang sinundan ni Baekhyun.

"Ano ba?! Ano bang nangyayari?!" Hinawakan nya ang kamay ni Kyungsoo para pigilan to. "Kyungie!"

Humarap sakanya si Kyungsoo na nagmamadali. "Gising na si Sehun, Baek."

Napatakip ng bibig si Baekhyun sa balita, para syang nabunutan ng tinik sa narinig. "Thanks God." Bulong nya.

"Maiwan ka dito. Tulog pa si Luhan. Bantayan mo sya." Paalala ni Kyungsoo bago ulit maglakad palabas ng bahay.

"Gigisingin ko lang si Luhan, hintayin mo ako. Sasama kami!"

Agad naman syang nahawakan ni Kyungsoo. "Baek, baka may mangyari nanamang hindi maganda. Mas mabuti kung mag stay ka nalang."

"Pero Kyung, kalmado na si Jongin."

"Stay Baek!"

"Kyungsoo!!! Halika na!" Sigaw ni Jongin mula sa sasakyan.

Tumingin sakanya si Kyungsoo bago lumakad palabas. Napamura nalang si Baek dahil kay Kyungsoo. "Gawin ba kong aso." Bumalik na sya sa loob at naupo sa sofa.

Katahimikan...

Hindi sya sanay... noon... pero ngayon pakiramdam nya sobrang pamilyar na nito. Sa dami ng nangyari, sa dami ng napagdaanan nya. Parang eto nalang ang lagi nyang kasama. Naiiyakan at nasasandalan.

Kamusta na kaya si... si Chanyeol? Bigla nalang yong pumasok sa utak ni Baekhyun.

Hindi nya namalayan na nagising na pala si Luhan, agad itong nagtungo sa kusina para magbungkal ng lupa este ng pagkain.

"KYUNGSOOO!!!!"

Napaigtad si Baek ng marinig ang sigaw ni Luhan sa kusina. Pinuntahan nya ito. "Luhan. Tulog ang baby ko, pwede bang isarado mo yang mabaho mong bibig?" Inirapan lang sya ni Luhan.

"Nahiya naman ako sa bibig mo'ng kahit hindi bagong gising mabaho parin." Irap din ni Luhan. Nakatanggap sya ng sipa sa hita galing kay Baek. Pucha. Walang pakundangan.

"Araaay~"

Nagulat sya ng mapaupo si Luhan sa sahig habang iniinda yung sinipa nya. Napatakbo naman siya dito ng makita itong naka mungot sa sakit. "Okay ka lang Lu? Masakit ba? Patingin nga." Hinatak nya ang binti ni Luhan pero nakataganggap lang sya ng malakas na katok sa ulo.

"YAH! KABAYO KA BA?!" Maiyak iyak na sigaw ni Luhan. "Ikaw naman kasi! Laitera! Pachicks pa masyado e mas sexy naman ako sayo!"

BaekHan: Top or Bottom [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon