Sorry sorry sa super late update 😰 Nawala yung phone ko. Ni hindi ko nai-sync yung buong chapter 60 kaya heto ako ngayon nag-iisa, naglalakbay sa... gitna ng dilim. Sinulat ko tuloy ulit. Back to zero nanaman ang words at lahat ng files ko. Pati yung sdcard ko na punong-puno ng PCY.BBH collection nasama. Masakit sa heart. Sana naintindihan nyo. Mianhae. 😖
------
Kyungsoo
Araw ng discharge ko. Wala si Luhan, wala si Baekhyun, wala si Tao. Minsan tuloy napapaisip ako kung bakit may kaibigan ako o kung kaibigan ba nila ko. Kasi wala ako sa tabi nila ngayon. Ang dami ko kasing arte sa buhay, parang hindi si Kyungsoo. Parang hindi ako.
"Kyungsoo."
Kasama ko sya... yung taong kakakilala ko palang, pero kahit minsan hindi umalis sa tabi ko.
"Alam ko namang pagod ka na Taemin pero minsan kailangan mo rin maglatik sa pawis. Ano ba tayo dito nag to-tour sa ospital?" Tinignan ko sya ng masama. Muntik na kaming bumilis sa pagtulak nya ng wheelchair ko. "Hindi mo naman na kasi kailangan ng wheelchair eh."
"Mas masahol sa pagong na nagahasa ang takbo ng wheelchair mo. Gusto mo turuan kita kung paano gamitin ang mga gulong ha?" Tumayo ako at umalis sa wheelchair. "Upo Taemin. Upo."
"Pero... Kyung~" Eeew. Kadiri sya mag-aegyo, parang si Verde.
"Ang cute mo, umupo ka na hangga't nacu-cute-tan pa ko sayo." Nilakihan ko sya ng mata.
"Anlaki." Ha! Ang mata ko malaki pero ang pasensya ko maliit na. "Bibilangan kita... isa... sampo. UPO!"
Wala syang nagawa kundi umupo sa wheel chair. Do or die ito. Wala syang choice. Kailangan nyang matuto ng leksyon mula sa isang senpai na tulad ko.
"T-teka... Kyung! Sandali!" You slow down then you speed up.
"Enjoy?!" Hindi sya sumagot hanggang pagpasok namin ng elevator. Seryoso lang sya, kaya napatingin ako sa tinitignan nya. Pwet? Nakatingin sya don sa pwet nung nurse sa unahan namin. Nice.
"Mahilig ka ba sa pwet?" Bulong ko sakanya.
"A-anong pwet?!" Shit! Hindi nya ata narealize na malakas ang boses nya. Kaiyak. Lagot na kami nito. Biglang lumingon yung nurse samin. "H-hi." Napangiwi ako. Nahuli nya kami ni Taemin!!!!
Nagulat ako ng bigla akong inirapan nung nurse. Aba! Kapal! May boobs lang sya pero mas maganda ako sakanya. Tse. "Alam mo Taemin? Kung ako sayo don ako sa pwet na kinagat ng hippopotamus. Hindi yung pwet na parang kinagat ng lamok. Hmp." Paglabas namin ng elevator, nag-flip hair ako don sa nurse. Che. Nakaka-beastmode lang makakita ng babaeng maliliit ang boobs.
Nang makarating kami sa ground floor, napansin kong pinag-titinginan kami. Mainggit kayo, kasama ko ang gwapong si Lee Taemin. Huehue.
"Baba na. Baka makita tayo ng may-ari ng ospital. Pagalitan tayo." Natatawa syang bumaba ng wheelchair tapos ako naman yung umupo. Pumunta sya sa cashier para magbayad tapos ako naiwan don sa gilid. Kainis.
Papatulak pa naman sana ako sakanya ng mabilis na mabilis na mabilis. Yung tipong hindi na ko makakapag-salita at mapapa-ungol nalang... sa tuwa, mapapaungol sa tuwa.
Pagkatapos nyang magbayad, naglakad na kami paalis, actually sya lang ang naglakad, nagpasarap lang ako sa wheel chair. "Ang sarap siguro magkaroon ng isa pang Kyungsoo no?"
"Ha? Panong isa pang Kyungsoo?" Lumingon ako sakanya. "Yung may isa pang Kyungsoo. Syempre kapag may isa pang Kyungsoo, hindi ko na kailangan ng ibang tao, kahit kaming dalawa lang ang magkasama, masaya na. Nagegets mo ba? Yun hindi mo na bibigyan ng chance yung ibang tao na saktan ka." Tumango sya.
"Pero hindi mo rin sila mabibigyan ng chance na mahalin ka."
"Touche."
Napabuntung-hininga ako. Minsan talaga nakakaloko mag-isip. Buti pa yung mga walang utak, walang torture. Tumayo na ko sa wheelchair nang makarating kami sa entrance. Ibinalik nya naman yung wheelchair kaya naiwan nanaman akong mag-isa. Nice.
"Kyungsoo." Bigla akong kinabahan, imposible.
"Kyung." This time may humawak na sa braso ko. Letse. Pakiramdam ko mao-ospital nanaman ako. "Bitawan mo nga ako Kim Jongin."
"Pwede ba kitang maka-usap?"
----
Nakaupo kami sa bench sa labas ng ospital. Umalis si Taemin dahil may bibilin daw sya. Pero alam kong alam nya kung anong sitwasyon ang meron ako ngayon kaya nya ginawa yon.
Katabi ko si Jongin. Si Kim Jongin. Gusto ko syang saktan. Sampalin. Sumbatan. Pero parang hindi ako makukuntento kung gagawin ko yon. Hindi nya deserve kahit ano man mula sakin. "Anong kailangan mo? Bilisan mo dahil wala akong buong araw para sayangin sayo."
"Nakapag-isip na ko Kyung..."
"Talaga? Nakapag-isip? Paano ka nakapag-isip?! Habang hinahalikan mo sya? O habang pinapaungol. Nag-iisip ka pala?!Sabihin mo na kung anong kailangan mo. Wag mong sabihing, baog din yang babae mo? Hindi mo rin mabuntis?! Ha?!"
Tumayo sya at naupo sa harapan ko. "Kyung, mali ako. Alam ko—"
Tumayo rin ako at tumalikod sakanya... "Buti alam mo! Bakit hindi mo manlang naisip yan bago mo ko iwan?! Dahil lang don Kim Jongin?! Dahil lang sa letcheng paniniwala mo! Alam mo bang nagpakatanga ako dahil sa ginawa mo! Hindi ko lubos maisip na gagawin mo yon kasi masyado akong nabulag nung sinabi mong mahal mo ko."
"Mahal kita!"
Gusto ko syang sampalin. Gustong-gusto.
"Wow! May mas classic ka pa bang joke kesa dyan?! Iniwan mo ko! Sapat na bang pruweba yon para sabihin kong hindi mo ko mahal?! Bakit nung nag-umpisa ba tayo umasa ka bang magkakaanak tayong dalawa?! Baliw ka Kim Jongin! Sinungaling ka! Ayaw na kitang makita!"
"Sorry..."
Pagharap ko, nakita ko syang umiiyak.
"Bakit ka umiiyak?! Kim Jongin?! Wala kang karapatang umiyak! Kahit ang manghingi ng sorry wala! Hindi ka deserving sa kahit ano! Alam mo ba yon?! HA?! Wala!" Hinampas ko sya sa dibdib!
"WALA! NAIINTINDIHAN MO BA?!" ang hirap hirap ng ganto. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Sobrang bigat nanaman sa dibdib. Parang hindi nanaman si Kyungsoo.
May kung ano syang pinunasan sa muka ko. Saka ako kinulong ulit sa mga bisig nya.
"Please Kyungsoo. Let me prove myself, again. Sorry. Sorry." Ayoko nang maniwala sakanya. Ayoko nang umasa.
"Please give me another chance Kyung."
Hindi naman ako ganon katanga Kim Jongin.
---
sehubo
BINABASA MO ANG
BaekHan: Top or Bottom [editing]
FanfictionDISCLAIMER: This story was written back in 2014 or 2015 (i can't recall when I first started writing this) there are jokes that are funny back then but are supposed to be inapproriate now. Like Jongin's complexion and Kyungsoo being a satan (i'm sor...