31 [1/2]

1.6K 79 22
                                    

Baekhyun

Patuloy lang ako sa pag sunod sa dalawa. Jeske. Ang haliparot na Joy kung maka dikit akala mo tuko. Kung buhusan ko kaya to ng gawgaw at idikit sa pader?!

[Oo, mahal ko din si Joy! FICTION LANG ITO! Wag kayong mag-alala. HAHAHA!]

Pano ba sila nag-kakilala? Dahil kay Sehun? Nurse sya ni Sehun? Tapos ano? Pati si Chanyeol inaalagaan nya din? Haliparot na Chayeol to.

"Kakain muna tayo?" Tumango naman yung Joy.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong ulit ni Park Chanyeol na haliparot. "Sa Jongdae's Grill o sa chinese restaurant?"

"Sa Jongdae's Grill nalang. Masarap daw kasi yung meat don."

Cheap pumili ah? Kung ako pinapili? Don ako sa chinese restau.

Nag-lakad na sila papuntang parking lot at sumakay sa sasakyan. Pakshet! Wala akong kotse!!! Bakit ba ang hirap ko sa kwentong to? Kotse lang di ko pa ma-afford. Tungunu this.

Agad akong pumara ng taxi.

"San po sila sir." Nagpanting ang tenga ko. "Sir?! Anong sir?! Gusto mo bang unahin kitang paanakin bago ako?! JONGDAE'S GRILL! Dali!"

Iniripan ko sya. "O-opo Maam."

Sa bilis magpatakbo ni Manong, naunahan pa namin sila Chanyeol sa Jongdae's Grill. Pumasok ako at um-order ng pinaka-mura. Jongdae's grilled egg ang pangalan nung pagkain na inorder ko. Masagwa man pakinggan, wala akong choice.

Naupo ako sa pinaka-sulok ng restau at kumain. Maya-maya lang din ay dumating na yung dalawa. Um-order sila ng Jobgdae's grilled steak.

"Kamusta na si Yoora-eonnie, Yeol?"

Biglang umangat ang kilay ko. Yoora-eonnie?! Close sila?

"Ayon. Okay naman na. Sa bahay nalang lagi. May tendency kasi na manganak na sya."

"Aaaah, bisitahin ko nalang sya sa susunod."

Bisita?! Bwisita kamo. Leche. Ang pakla ko masyado. Antagal nila kumain. Pangatlong order ko na ata to ng grilled egg, sila hindi parin tapos. Tss. Anong oras na?! Alas dyis na nang umaga!

Fuck. Busog na busog ako. Hindi pa ba sila tapos? Sumilip ako para tignan kung tapos na silang kumain. SAN NA SILA NAG-PUNTA?! TSS. Nakakainis naman!!! Aaargh! Natakasan nila ko! Andwae!

Lumabas agad ako at hinanap sila. Leche. Wala

Umuwi ako sa bahay ng sawing palad. Nakakainis naman! Pano nalang kung sa iba na sila pumunta?! Sabagay, anong oras palang ba. Mag nu-noon palang.

Pag-uwi ko, naka-lock ang bahay. Ano nanamang kalokohan to? San namang lupalop ng earth nag-punta yong mga panget na yon? Kumuha ako ng hagdan at inakyat yung bubong para kunin yung spare-key sa alulod ng bahat. Ideya ni Zitao.

Nang makababa, agad akong pumasok sa bahay at naligo. Nakita ko naman yung mga sticky note nila sa ref.

Aalis muna ko, may pupuntahan daw kami ni Jongin. Huehue.
-Kyungsexy

"Tss. Sexy? Baka bubot?"

Mag-ca-canvass kami ni Daddy Yifan ng furnitures, baka late na ko makauwi.
-Wu Zitao

EDI WOW!

Si Luhan, wala pa din.

Nag-tulog nalang ako. Tutal wala naman akong magagawa. Nung magising ako, alas 5 na ng hapon. Nagugutom na  ako at ang baby ko. Wala pa din sila Kyungsoo. Agad akong pumunta ng kusina at kinuha yung mga kaserola at sandok saka pumasok sa kwarto ni Kyugsoo. Yari ka sakin Soo!

Nung matapos ako sa pain, lumabas na ko para kumain sa fast food chain. Iyon lang ang kaya ng budget ko eh. Bakit ba? Pumara naman ako ng taxi at nagpahatid sa McDo. Alam na this. AlDub pa more.

Pero habang nakasakay, hindi ko maiwasang mapatitig sa isang sasakyan na kumuha ng atensyon ko. Kay Chanyeol yon.

"Manong! Ipara mo na dito. Dito nalang ako!"

"Hindi pwedeng magbaba

"Wala akong pake. Eto na yung bayag—este bayad! Keep the change." Agad kong binuksan yung pinto ng taxi at lumabas. Pakshet.

"HOY! KULANG PA TO!"

Hindi ko na pinansin yung driver at agad na tinitigan yung sasakyan sa kabilang gilid ng kalsada. Nagtago ako nang makita kong  palabas si Chanyeol at yung nurse mula don. Letse talaga yan! Good thing nakita ko ulit sila!

Pumasok sila don sa establishment na pinaradahan nila! Club?! Pumasok din ako pagkatapos nila, mga 10 minutes after nila pumasok.

Nakita ko sila sa may bar counter na mukang um-order na ng alak. Alak! Hindi. Hindi naman ako nandito para uminom ng alak. Siguradong pag nalaman ni Luhan  na nandito ako ngayon, mag-aaway nanaman kami.

Umupo ako sa bandang dulo ng bar counter at pinanuod sila. Kahit na nakatalikod si Chayeol mula dito sa pwesto ko, nakikita ko parin silang, n ag-tatawanan, nag-bibiruan, nag-yayapusan. Nakakainis. Naiinis ako. Kahit hindi naman na dapat. Masaya na sya. Ano pang magagawa ko? Ako ang dahilan ng sakit na naramdaman nya, at hindi ko nagawang tanggalin yon. Maybe, I was miserable on my own so I couldn't take away his pain. Maybe I made him miserable like me from the very start.

Ako ang may kasalanan.

"Sir? Drinks po?" Umiling ako para iwaksi yung lalaki at sinabing mamaya nalang ako oorder kahit hindi naman. Tumango lang sya bago umalis.

Nang tignan ko sila Chanyeol, nagulat ako, n-nag-hahalikan? Agad akong nag-iwas ng tingin at tumayo para umalis. Pag lingon ko, may malamig na kung anong natapon sakin bago ako makarinig ng kalansing ng baso.

"S-sorry po. Nako, pasensya na po talaga." Sabi nung waiter habang pinupunasan yung damit ko. Lumayo naman ako at para pumunta sa banyo.

Habang naglalakad, nagulat ako ng may humatak sa kamay ko at tinulak ako sa pader malapit sa pinto ng c.r

I met his gaze, those gaze.

"Chanyeol."

Nagulat nalang ako ng siilin nya ko ng halik, hindi yon katulad ng dati, hindi malambot at maingat. Ibang halik yon. Halik na dumurog ng puso ko.

---

MAY PART TWO ITO!!!

Baka po sa week-end ko pa mai-post yung part 2. Huehue. Classes are on! Kaya medyo mahirap na ulit i-predict ang UD! ANG SAKIT SA HEART NG SCHED KO!

Saranghae sa inyong lahat!!!! Mahal ko kayo!!!!!

sehubo

BaekHan: Top or Bottom [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon