50

1.5K 89 31
                                    

Sehun

Tinungga ko yung bote ng beer sa lamesita. Everything is going smooth. Everything is going just like how I wanted it to be.

It started when I woke up after the accident. Hindi ko akalain na magigising pa ko pagkatapos non. Maybe because I still have to win him back. I thought it would be easier if I fake my memories.

I fake it. I fake the amnesia---if that thing's even true. Akala ko magiging madali since ang una naming encounter ay naging maayos. Kahit sya, hindi nya sinabi ang totoo kaya sigurado akong gusto nya parin dahil willing syang magsinungaling sakin.

But not until I discovered about his pregnancy, at kung sinong walangyang nakabuntis sakanya. I'm not that naive to not notice the fucking bump in his stomach. I did everything to avert his attention to me and me alone.Until may mangyari ulit samin. It was all that I could wish for.

Pero nakakainis na si Baekhyun. Lagi nalang syang humahadlang sa lahat ng gusto kong mangyari. Alam ko namang naawa lang si Luhan sakanya... nung una. Pero hindi parin nakakapanatag ng loob na naawa sya kay Baekhyun.

So I asked Chanyeol to help me. Since parehas lang naman kami ng gustong mangyari, why not use his desire too. Muntik nya na kong bugbugin ng malaman nya yung totoo. Pero sino bang may pake sa totoo kung yung gustong gusto mo namang makuha ang magiging kapalit ng kasinungalingan... wala.

Walang alam si Jongin. Hindi nya pwedeng malaman. He's a blabbering bitch, wala syang tinatago kay Kyungsoo.

Nagulat ako ng biglang tumunog yung cellphone ko. Galing kay Luhan...

Lulu hyung
+82
Let's talk tomorrow.

Agad akong napabangon sa sofa, he wanted to talk. Anong pag uusapan namin?! Dinial ko ang phone nya. Pero hindi na sya sumasagot. I re-dial it over and over again pero wala talaga.

----

Lumabas ako sa kotse at tinignan ang relo ko. I'm ten minutes late. Tapos pumasok na ako sa loob ng cafe na sinabi ni Luhan at hinanap kung saan sya nakaupo. Nakita ko naman agad sya, pero agad din akong naiinis sa nakita ko...

Bakit kasama nya si Baekhyun?

I walked towards them at nagtatawanan pa sila kaya lalong kumunot ang noo ko, pero hindi ko na sinubukan pang ibahin ang facade ko.

Naupo ako sa harap nila. "Sehun."

"Luhan... hyung."  Tinignan ko lang si Baekhyun kaya nag-iwas sya ng tingin.

"Um-order na ko, ang tagal mo kasing dumating." Pag-uumpisa nya. Tumango lang ako.

"Akala ko ba tayo lang ang mag-uusap Luhan. Bakit..." Tinignan ko ulit si Baekhyun.

"K-kasi, kailangan ring nandito sya." Kumunot ang noo ko. "Akala ko kasi date natin to." Nakita ko kung pano bumaba ang kamay ni Luhan sa ilalim ng mesa. I know he held Baekhyun's hand. Kaya sinundan ko yon ng tingin. Enough of the acting... it's time for the real deal.

"Mag-uusap lang tayo. Hindi tayo mag-d-date."

Tumawa ko. "Namiss kita Luhan."

Naramdaman ko ang mga tingin sakin ni Baekhyun kaya tinignan ko rin sya. He's looking at me like a confused puppy and I love that look on his face. " About that Sehun..."

I turned to face Luhan. "I need to tell you something about that."  I hum in response.

"Kasi... si Baekhyun at ako-----"

Hindi ko na sya pinatapos.

"Bumalik na ang lahat ng ala-ala ko, Luhan."

Priceless! Kitang kita sa mga muka nila na gulat na gulat sila. "We can start over again Lulu. Like how we used to before. Let's get over with the past and start again." Sinubukan kong abutin  ang kamay niya pero lumayo sya.
"Kelan pa?"

"Mahalaga pa ba yon? We can build our family hyung. Ikaw, ako at yang baby sa tyan mo." Baekhyun tried to stand up pero mukang pinipigilan sya ni Luhan sa pagtayo.

"Pano mo..."

"Nalaman? Hindi ako tanga para hindi mahalata yang tyan mo. Alam kong nung pinadaan ko ang mga kamay ko dyan nung gabing yon... may hindi normal."

Huminga sya ng malalim. "Si Baekhyun ang ama nito Sehun."

"That's not surprising..." I averted my eyes towards Baekhyun. "Baekhyun, please give me back my Luhan. Hayaan mo na syang maging masaya kasama ko."  Akala ko gagawin nya ulit yung ginawa nya sa ospital kagabi pero nagulat ako sa susunod nyang sinabi.

"Mali ka Sehun. Luhan is happy with me. I can provide for him. I can love him more than your little obsession could. Kaya walang pamilyang mabubuo kasama ka."

My forehead creases. Anong sabi nya?! "Anong kaya mong iprovide sakanya? Anak? Sex? I can provide too! If that's what you're thinking." I felt the cold sticky liquid all over  me. Ibinuhos sakin ni Luhan yung hawak nyang baso ng frappe na inorder nya.

"Sehun?!"

Tumayo sya habang hawak hawak sa kamay si Baekhyun. I never thought this would happen. Kung wala dito si Baekhyun sigurado akong makukuha ko ang loob ni Luhan. Bakit ba lagi nalang syang nakahadlang sa lahat ng gusto kong mangyari?!

"Luhan..." hinawakan ko sya sa kamay pero hinatak nya yon mula sa pag-kakahawak ko.

People are starting to watch, at ayoko ng attention na yon. "Sana hindi nalang bumalik yang alaala mo! Dahil mas kilala ko yung Sehun na yon kesa sa nasa harapan ko ngayon."

And then he left me. He walked out of me again. Pinanuod ko sila habang palabas ng cafe. I took some tissues before leaving the scene too. Pag-pasok ko sa kotse agad akong napasabunot sa ulo ko. Tangina! Ano pa bang kulang, lahat naman na ginawa ko, lahat naman na... kinaya ko. Ano pang kulang?!

I fish out my phone, and dial the very same person that can help me.

[Ano?]

"Chanyeol, I need the backup plan."

-----

Ayoko talagang magbasa ng story na puro picture. Libro ang binabasa ko, hindi photo album.

Salamat sa votes, comments at lahat ng nagstay sa kwentong to. Your efforts are all highly appreciated! Silent readers! Roll call nga! 👍

sehubo

BaekHan: Top or Bottom [editing]Where stories live. Discover now