I'm just grateful with the comments really.✌
-------Third Person
Dahan-dahang naglakad si Luhan pababa ng hagdan. Sehun was no where to be seen. Sana lang hindi sya nito makita. Gusto nya lang namang lumabas at dalawin si Kyungsoo sa ospital.
Last night, Sehun almost get it. Muntik na syang bumigay, ang sabi kasi sakanya ni Sehun, isipin nya nalang na si Baekhyun to. Buti nalang may narinig syang kung anong bumagsak sa sahig kaya natauhan sya.
"Where the heck are you going?" Napalingon sya sa likod at nakita si Sehun. "I'll just buy something outside."
"Sabihin mo sakin kung anong bibilin, ako nalang." Hindi nya alam kung anong gagawin. Tama, habang wala nalang si Sehun saka sya tatakas. Inisip nya kung ano pa ang wala sa refrigerator nila.
"Cucumbers." Nakita nyang kumunot ang noo ni Sehun. "Gusto ko ng pipino." Nagtuloy-tuloy syang bumaba at naupo sa sofa.
"Okay. Dito ka lang. Mabilis lang ako." Tumango sya at saka binuksan yung tv. Nang marinig nyang umalis ang kotse ni Sehun. Sya naman syang lumabas ng bahay at pumara ng taxi.
"San po kayo?"
Tinignan nya ang bahay ni Sehun, bago isagot ang ospital kung nasaan si Kyungsoo. Dadalawin nya lang si Kyung, pero uuwi din agad sya.
Pagkarating sa ospital, tinanong nya sa nurse kung nasaan ang room nito. Malakas ang kabog ng dibdib nya. Ni hindi nya alam kung anong reaksyon ni Kyungsoo kapag nagkita sila. "Salamat." Sagot nya sa nurse pagkatapos nitong sabihin ang room number ni Kyungsoo. Sumakay agad sya ng elevator.
Nang makarating sa tapat ng pinto, nagdalawang isip sya kung kakatok ba o babalik nalang sa bahay ni Sehun. Tama, babalik nalang sya sa bahay ni Sehun. Pagtalikod nya, biglang bumukas ang pinto.
Napatigil sya sa paglalakad.
"Luhan?"
Lumingon sya at nakita si Chanyeol sa harapan nya. Natigil naman ang tawanan sa loob at napatingin sakanilang dalawa ni Chanyeol. Isang lalaki na hindi nya pa nakita noon, naka-hospital gown pa naman si Kyungsoo.
"Ah, kasi..."
"Anong ginagawa mo dito?" Si Kyungsoo naman ang narinig nya. "Ha? Luhan?"
Hindi nya alam kung anong isasagot.
Ayaw naman na nilang makita ka, tingin mo ba sasaya si Kyungsoo kapag nakita ka nya?
"Kasi... n-napadaan lang ako."
"Ah, ganon ba? Sige, makakaalis ka na." Narinig nyang sagot ni Kyungsoo. Masyado syang umasa na tatanggapin sya ni Kyungsoo. Pero mali palang isipin na pinatawad na sya nito.
"Sige, ano... aalis na ko." Nag-umpisa syang maglakad paalis pero isang kamay ang mahigpit na kumapit sa braso nya.
"Pwede ba tayong mag-usap Luhan?" Nilingon nya si Chanyeol, bago tumango.
----
Nasa café sila sa tapat ng ospital.
"Pwede bang bilisan mo na Chanyeol, kasi baka hinihintay na ko ni Sehun."
"You can have Baekhyun, Luhan."
Napa-angat sya ng tingin kay Chanyeol. Bakit sinasabi nya to ngayon? "But he can't have me."
Si Chanyeol naman ang tumingin sakanya. "Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko Luhan? I'm giving you Baekhyun, with all my trust."
"Bakit Chanyeol? Hindi na pwede, wala na. Ayoko na." Umiling si Chanyeol. Kahit na ibigay sakanya ni Chanyeol si Baekhyun, hindi parin magiging maayos lahat. Hangga't hindi parin sya pinapakawalan ni Sehun. Walang mangyayari sakanila.
"Nakita nya kayo kagabi Luhan, hindi mo alam kung gano kasakit yon para sakanya. Pero hindi sya umiyak. Kasi manhid na sya. Hindi nya na kaya pang mag-labas ng luha dahil sa sakit."
"Ano bang sinasabi mo Chanyeol?! Anong nakita kagabi? Ano bang makikita nya? At ano naman kung may makita sya."
Napansin nya ang pag-kainis sa muka ni Chanyeol. "Ano bang ginawa sayo ni Sehun ha? Naniniwala ka ba sa lahat ng sinasabi nya? Kung si Baekhyun ang mahal mo, ipaglalaban mo sya." Hindi nya na maintindihan si Chanyeol. Bakit ngayon nya pa sinasabi to. Kung kelan kailangang-kailangan sya ni Baekhyun ngayon.
"Diba mahal mo si Baekhyun? Bakit hindi mo sya ipaglaban?!"
Natatawa syang tinignan ni Chanyeol. "Iniinsulto mo ba ko Luhan? Tingin mo ba kung pwede pa kami, ipag-kakatiwala ko pa sya sayo? Hindi. Pero kahit kelan hindi nya na ko tinignan pa ng tulad ng dati. Mahirap tanggapin pero hindi na mag-babago pa ang isip nya. Ikaw lang. Ikaw na talaga."
Bago umalis si Chanyeol, may sinabi pa to sakanya na nagpagulo sa isip nya. "Kung ako sayo, hindi ako maniniwala sa lahat ng sinasabi ni Oh Sehun. Minsan maghanap ka ng butas sa mga sinasabi nya." Bakit? May hindi ba sinasabi sakanya si Sehun?
Naalala nya yung cellphone nya na napulot ni Baekhyun sa labas. Bakit kailangan nya pang itapon yon...
Matagal nyang pinag-isipan lahat ng sinabi ni Chanyeol. Mali ba talaga tong ginagawa nya. Pano pa si Baekhyun kung wala na rin si Chanyeol dito. Naisip nya si Baekhyun. Kakausapin nya ba muna si Sehun o si Baekhyun. Gulong-gulo na din sya.
Biglang nag-ring ang phone nya.
Sehun calling...
Agad syang nag-pahatid sa dati nilang address. Gusto nya lang na makausap ulit si Baekhyun. Alam na ni Sehun na tumakas sya. Baka pumunta to sa ospital para hanapin sya. Kakausapin nya lang si Baekhyun tapos... hindi nya na alam.
"Dito na lang." Pagkatapos nyang magbayad, tumakbo agad sya bahay. Kumatok sya, pinindot ang doorbell, pero walang sumasagot.
Naglakas sya ng loob na pihitin ang pinto. Hindi yon naka-lock. Pagpasok nya, parang gusto nyang maiyak. Napatingin sya sa sofa,
"Tatlo! Luhan lumayas ka nga! Ibabato na kita sa T.V!"
"Baek, hindi ka nag-dalawa! Ang bilang mo, isa, tapos tatlo na agad! Nag aral ka ba talaga ng Architecture? Oo alam kong matagal ka nang un-employed pero----"
My feelings are deeper than love itself. It can't be expressed by a mere I love you... because it surpass that level.
Luhan let's make love... show me that you're mine.
Buong bahay, punong-puno ng ala-ala nila. Punong puno ng ala-ala ni Baekhyun. It was like Baekhyun is everywhere. Everywhere he looks.
"BAEK!" He climb up the stairs. "Baek!!!!" Napaupo sya sa sahig.
Baekhyun's memories are everywhere but Baekhyun himself is nowhere to be seen.
"Baek... please, wag ka nang babalik pa dito. Ayoko na ulit makikita ang muka mo sa harap ng bahay na to."
"Hinding-hindi na."
Kinabahan sya, pano kung hindi nya na makita pa si Baekhyun? Kasalanan nya to! Pumasok sya sa kwarto at binuksan ang closet ni Baekhyun.
Empty.
Nag-simulang pumatak ang mga luha nya. This is all his fault. Kasalanan nya tong lahat. Hindi nya na makikita pa si Baekhyun.
He shouldn't have push Baekhyun away. Hindi nya na sana sinabi pa ang mga salita na yon. Gustong-gusto nyang bawiin lahat at sabihin na mahal na mahal nya si Baekhyun.
Kinuha nya ang phone... at tinawagan ang taong alam nyang makakatulong sakanya.
"Chanyeol... Baekhyun is missing."
------
sehubo♡
BINABASA MO ANG
BaekHan: Top or Bottom [editing]
FanfictionDISCLAIMER: This story was written back in 2014 or 2015 (i can't recall when I first started writing this) there are jokes that are funny back then but are supposed to be inapproriate now. Like Jongin's complexion and Kyungsoo being a satan (i'm sor...