Kaibigan, alam naman nating dalawa na ang buhay ay hindi puro saya,
minsan talaga tayo ay nganga,
pero nasa sayo yan kung paano mo ito madadala,
pwede kang magpalamon sa lugmok at dusa,
o pwede din naman magpanggap na kahit papano masaya.
Pero lagi mong tatandaan lilipas din yan,
hindi ka naman laging ganyan.
Siguro may pagkakataon lang na susubukin ka,
Kaya pakiramdam mo nagkakasabay sabay na,
Pero ngayon ka pa ba susuko?
Sa dami ng pinagdaanaan mo.
Ang nais ko lang naman ikaw ay mapasaya,
sa kabila ng lungkot ng iyong mga mata.
Basta tandaan mo, andito lang ako
handang dumamay sayo,
tutulungan kang pasanin ang mundong dinadala mo.
YOU ARE READING
Sulat
PoetryKung anu-ano lang na nakasulat sa wikang Tagalog. P.s Apologies to all my non-tagalog speaking friends, but I chose to write this in Tagalog. Salamat!