Sulat

11 0 0
                                    


Ang mga sumusunod ay hindi drama.

Hindi ito tungkol sa pagiibigan ng iba, walang halong hugot o saya.

Hindi rin patungkol sa paglaya sa pagibig na lipas na o kahit tungkol sa pagpapaganda.

Ito ay tungkol sa pagsagot ko sa katanungan na "bakit?"

Bakit, ang madalas na tanong ng lahat.

"Bakit ako nagkaganito?"

"Bakit ka andito?"

"Bakit ka ganyan ?"

Ang madalas na tanong sa katulad ko ay,

"Bakit ka nagsusulat?"

Hindi naman ako kasing husay ni Bob Ong, o kasing lalim ni Jessica Zafra at kahit kasing talinghaga ni J.P. Rizal, ako ay pangkaraniwan lamang.

Hindi ang pagsusulat ang bumubuhay sakin.

Hindi rin ako tapos ng kahit anong kurso na may kaugnayan sa literatura.

At hindi ko rin masasabing magaling ako, pero ito ang gusto ko.

Hindi ako nagsusulat para sumikat o para makakuha ng atensyon.

Nagsusulat ako para sa aking sarili.

Nagsusulat ako para maipahayag ang aking damdamin, ang mga bagay na hindi kayang bigkasin ng aking mga labi.

Nagsusulat ako para maging masaya, nabibigyang buhay ko ang mga imahinasyong umiikot sa aking isipan.

Nagsusulat ako para sa aking alaala, para sa paglipas ng panahon may magpapaalala sa akin ng mga bagay na nalimot ko na.

At higit sa lahat, nagsusulat ako dahil parte ito ng aking pagkatao, hindi ako magiging buo kung wala ito.

May mga bagay sa ating buhay na nakapagbibigay ng kakaibang ligaya, para bang hindi sapat ang mga salita para maipaliwanag ito.

At ganito ang aking nararamdaman tuwing nagsusulat ako, sa bawat letra at pangungusap na aking binubuo, ramdam ko ang saya sa puso ko.

Marahil hindi man ako kasing husay at sikat ng iba, e ano naman?

Kung ito ang gusto ko, wala naman makakapigil sakin, diba?

SulatWhere stories live. Discover now