Agos

8 0 0
                                    


Nakilala kita ng di inaasahan

Mga panahon hindi ako naniniwala sa tamang pagkakataon

Na parang lahat ay isang laro na walang sumerseryoso,

na ang pagkahulog ng loob ay simbolo ng pagkatalo

na ang mundo ay puno ng gago at isa ako sa biktima nito

Hindi ko inakala na makikilala mo ako sa ganitong klaseng estado,

na sa ganito pa magsisimula ang ating kwento.

Nakiagos lamang ako sa hangin,

Hanggang sa mapadpad ako sa iyong piling.

Nakiramdam kung ako'y dapat bang manatili o tuluyang aalis kasabay ng hangin umiihip,

Ngunit tila huminto ang pagihip

at hinayaan ako manatili ng saglit

Sa bawat minuto ng pananatili

mayroon akong hindi mawari,

Habang ang mga mata mo'y nakakatitig parang may nais itong ipahiwatig

kasabay ng pagkapit sa akin ng mahigpit.

Nakaramdam ako ng kakaiba,

Nakapangingilabot na saya at di mapagtantong ligaya

Isang sandali na pilit nating sinusulit na dalawa.

Pero bakit ganito at naguguluhan ako

Isusugal ko ba na manatili sa piling mo o hahayaan na lamang tangayin ulit ako?

Kasabay ng agam-agam at pagaalinlangan

Bigla mo akong hinagkan, sabay pagbigkas ng mga katagang "hindi kita iiwan"

Tila ako'y nagising at nahimasmasan sa mga salitang binitawan,

Pagaalinlangan at agam-agam unti unti kong nakalimutan.

Ang matagal ko ng ipinagdarasal sa wakas akin din nakamtan,

Ang nagpatunay na ang salitang "Mahal Kita" ay may malalim na kahulugan

At ang katagang "Hindi kita iiwan" ay madaling panindigan.

Isang hindi inaasahan na sa simpleng pagagos sa hangin, ikaw ay natagpuan.

SulatWhere stories live. Discover now